Mga diary tungkol sa COVID-19 mula sa Wuhan: Isang araw ng inihandang pagluluksa

Ang bakuran ni Ai Xiaoming. (Larawang kuha Ai Xiaoming. Ginamit nang may pahintulot.)

Ang sumusunod na post ay ang ika-16 sa serye ng mga diary na isinulat ng malayang filmmaker at peministang iskolar na si Ai Xiaoming at ng peministang aktibista na si Guo Jing. Pareho silang nakatira sa Wuhan sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic. Narito ang mga link sa unaikalawaikatloikaapatikalimaikaanimikapitoikawaloikasiyamikasampuika-11ika-12, ika-13ika-14, at ika-15 bahagi ng serye.

Tunghayan ang special coverage ng Global Voices ukol sa pandaigdigang epekto ng COVID-19.

Isinulat itong yugto mula ika-una hanggang ika-4 ng Abril, 2020. Inilathala sa Matter News ang mga orihinal na diary sa Tsino.

Ai Xiaoming: ika-una ng Abril, 2020

昨天开始,我把原来放在家里的绿植一盆盆搬到外面院子里。因为室内花草越来越萎缩,长了几年的芦荟开始烂根。
这是一个被辜负的春天,我们小区里梨花开了,落了,满目新绿。接着,门前的樱花盛放。往年这个日子,我就会给家里的阿姨盛装拍照。现如今,阿姨回不来;我们的车也走不出武汉。这几天广为流传的视频里,为了出境复工,在九江大桥上已经上演了一场战斗。昨天,在北上离鄂的出口信阳,鄂牌车也排了长龙;全都不得出境。

Sinimulan kong ilipat ang mga halaman mula sa apartment ko papunta sa bakuran kahapon. Nalalanta ang mga halaman. Nagsisimulang mabulok ang ugat ng aloe.
Walang kaming pagkakataong matamasa ang tagsibol ngayong taon. Namukadkad ang puno ng peras sa residential district namin, ngunit nalanta ang mga bulaklak at natira na lamang ngayon ang mga luntiang dahon. Namulaklak din sa harap ng pintuan ko ang puno ng seresa. Dati akong kumukuha ng mga litrato ng katulong ko sa oras na ito bawat taon. Gayunpaman, hindi makabalik sa trabaho ang katulong ko, at hindi kami makabiyahe palabas ng Wuhan. Kamakailan, ipinakita ng isang viral na bidyo ang isang salungatan sa tulay ng Jiujiang habang pinipigilan ng pulisya ng Jiangxi na makapasok sa kanilang lugar ang mga taga-Hubei (ang lalawigan kung saan administrative capital ang Wuhan). Kahapon, may mahabang pila ng mga sasakyan malapit sa Xinyang highway exit dahil hindi pinayagang makaalis ang mga sasakyang may mga car plate ng Hubei.

Guo Jing: ika-una ng Abril, 2020

这几天我再次被疲惫袭击,也不太有食欲。白天勉强做一些工作,坚持写日记。到了晚上,我就觉得浑身无力,脑子都不转了。这几年,这种疲惫感时不时地出现,这大概跟“不可抗力”太多有关。
我们经常看到一些活动因为“不可抗力”取消,一些平台因为“不可抗力”而消失。我会愤怒和不满,可有时候无处发泄,想要逃避也无处可逃。
怀有社会理性的人大概都经历过类似的状态,因为我们生活在充满“不可抗力”的社会中。最近几年,身边很多人都得了抑郁症,他们的抑郁都有社会性的原因。
没有人有灵丹妙药,有人和朋友互相倾诉,有人做心理咨询,有人通过运动缓解情绪,大家都在挣扎着前行。
过去一周都是阴天,早上久违的阳光出现了。
桐桐(我之前写的是彤彤)家长在群里说:“405的嘟嘟小朋友,今天阳光明媚,要不要下楼玩呀,桐桐小朋友十点钟下楼等你哦。”405的住户回复到:“好啊”。
桐桐家长一会儿又在群里发信息:“嘟嘟小哥哥,我们下来了”,还说:“胖丁的家长,把胖丁搞下来玩,哈哈”。
在桐桐家长的召唤下大家纷纷下了楼。我看到这个对话,一股温暖涌上心头。在城市中,很多人住在一个小区,但并不认识,然而在封锁中有一些人竟逐渐认识并熟悉了起来。

Nitong mga nakaraang araw, naramdaman ko ang matinding pagod at nawalan ako ng gana. Sinubukan kong magtrabaho at pinilit na magsulat ng diary ko sa araw. Sa gabi, nakaramdam ako ng pagod at hindi gumagana ang utak ko. Sa mga nakaraang taon, patuloy na bumabalik ang pakiramdam ng kawalan ng kapangyarihan. Palagay ko na may kinalaman ito sa presensya ng “hindi mapaglabanan” [political environment].
Nakikita namin ang mga gawaing kinansela dahil sa “hindi mapaglabanan” at nawala ang mga plataporma online dahil sa “hindi mapaglabanan.” Nagagalit at masama ang loob ko, ngunit wala akong paraan upang pakawalan ang mga emosyon ko o takasan itong reyalidad.
Magkakaroon ng parehong damdamin ang kahit sinong makatuwirang taong nabubuhay sa ilalim nitong “hindi mapaglabanang” lipunan. Sa mga nakaraang taon, nagkaroon ng depresyon dahil sa reyalidad na ito ang marami sa mga kaibigan ko.
Wala pa sa amin ang nakahanap ng solusyon. Nakikipag-usap kami sa mga kaibigan, pumupunta sa psychological counselling, at nag-eehersisyo upang mapawi ang mga sintomas namin. Lahat kami ay nahihirapang sumulong.
Maulap nitong nakaraang linggo. Sa wakas, maaraw nitong umaga.
Nagpadala ng mensahe sa chatroom ang mga magulang ni Tongtong: “Dudu mula sa Silid 405, gusto mo bang bumaba upang maglaro sa araw? Hihintayin ka ni Tongtong sa baba ng 10 n.u.” Tugon ng Silid 405, “Opo.” Makalipas ang ilang sandali, nagpadala ng isa pang mensahe ang mga magulang ni Tongtong: “Dudu, nasa baba kami.” Dagdag nila, “Mga magulang ni Panding, pakidala si Panding sa baba upang makipaglaro sa amin.”
Bumaba ang maraming tao bilang tugon sa panawagan. Tumaba ang puso ka mga simpleng palitang ito. Madalas, hindi namin kilala ang isa't isa kahit na nakatira kami sa iisang residential district. Ngunit ngayon, dahil sa lockdown, nagiging malapit sa isa't isa ang mga tao.

Naglalaro ang isang bata sa bakuran sa maaraw na panahon. (Larawang kuha ni Guo Jing. Ginamit nang may pahintulot.)

Ai Xiaoming: ika-2 ng Abril, 2020

樱花繁盛,拍了一张照片,然后用“形色”这个软件去检索;查到老舍赠日本戏剧家木下顺二的诗句:
小院春风木下家,
长街短巷插樱花。
十杯清酒千般意,
笔墨相期流锦霞。
“笔墨相期”,想起前一向时我们在“且来歌咏”群里的邀约,疫后我们要相聚,要在一起朗诵诗,听黑胶……

Kinuhanan ko ng larawan ang seresang namumulaklak at hinanap ang larawan sa flower detection app na Xingse. Sa paghahanap, may natagpuan akong isang tulang isinulat ni Lao She para kay Kinoshita Junji, isang dramatistang Hapon:
“Sa bakuran ni Kinoshita, natatamasa namin ang simoy ng tagsibol.
Sa mga kalsada, nasa lahat ng dako ang mga seresang namumulaklak.
Habang umiinom ng sake, kami'y nagpapalitan ng kuro-kuro.
Nagtatagpo kami upang ibahagi ang mga isinulat, at ang mga ito'y napakaganda.”
Ipinaaalaala sa akin ng pariralang “Nagtatagpo upang ibahagi ang mga isinulat” ang isang paanyaya sa chatroom na tinawag na “Halina't kumanta.” Nakasaad sa paanyaya na pagkatapos ng pandemya, dapat kaming magsama-sama upang magbasa ng mga tula at makinig sa mga vinyl record…

Guo Jing: ika-2 ng Abril, 2020

Ang mga yellow iris sa tabi ng isang lawa. (Larawang kuha ni Guo Jing. Ginamit nang may pahintulot.)

现在想要出小区就要被量体温。尽管我知道我没有发烧,但每次被量体温的时候我心里都很担心。我担心如果体温枪出现问题,测出来我的体温高了,那就比较麻烦。我会被隔离在家,还是被拉去某个地方隔离?我会被小区的人排斥吗?
其实,我目前差不多也是被单独隔离的状态,而且现在发烧或感染新冠肺炎在武汉应该是可以得到救治的。如此想来,被歧视和排斥似乎是更可怕的事情。
早上10点0分,我扫码。量体温,然后出小区。
我路过一个公交车站,有五六个人在等公交,大家排队上车,先扫健康码,车上有人用体温枪给大家量体温。
我骑到了内沙湖公园,一眼望去湖边已经全是绿色,湖边的黄鸢尾已经开了,竟有点不适。
有个便利店在恢复运营中,很多商品都没有上架。一些小店铺虽然开门营业了,但店铺门口会用自行车或电动车拦着入口,有人想买东西就隔着门问或指。
有的路都被蓝色围栏隔断了。蓝色围栏成为了武汉的标志物。
我11点59分回到小区,又被量了一次体温,体温是36.1℃。

Sa tuwing gusto kong lumabas ng pamayanan ko, kinukuha ang temperatura ko (sa tarangkahan). Bagaman alam kong wala akong lagnat, nag-aalala pa rin ako—kung sira ang thermometer, at ipinakita nito na may lagnat ako, magkakaproblema ako. Makakwarentina ba ako sa bahay o sa ibang lugar? Kikilatisin ba ako ng mga kapitbahay ko?
Hindi gaanong naiiba sa kwarentina ang kasalukuyang kalagayan ko [dahil namumuhay akong mag-isa]. Sa kasalukuyan, makakukuha ng wastong paggamot ang sinumang may lagnat o nasuring may COVID-19. Samakatuwid, mas nakatuon sa diskriminasyon sa lipunan at sa pagbubukod ang pagkabalisa ko.
Pagpatak ng 10 n.u., ini-scan ko ang health code ko. Matapos kunin ang temperatura ko, lumabas ako sa tarangkahan.
Naglakad ako sa may sakayan ng bus kung saan nakapila ang lima hanggang anim na tao/ Bago sumakay, kinailangan nilang i-scan ang mga health code nila at kunin ang mga temperatura nila.
Nagbisikleta ako papuntang Shahu Park. Naging luntian ang mga halaman sa paligid ng lawa. Namulaklak ang mga yellow iris sa tabi ng lawa. Ang nakapagtataka ay hindi panatag ang pakiramdam ko.
Kabubukas muli ng isang convenience store. Walang laman ang kalahati ng mga istante. Nagbukas muli ang ilang tindahan, ngunit naglagay sila ng mga bisikleta o mga electric bike sa mga pasukan upang harangan ang mga ito. Kung gusto ng mga taong bumili, kailangan nilang umorder mula sa di-kalayuan.
Hinarang ng mga bughaw na tarangkahan ang ilang kalsada. Naging natatanging street view ng Wuhan iyong mga bughaw na tarangkahan. Bumalik ako sa pamayanan ko ng 11:59 n.u. Kinuha muli ang temperatura ko; 36.1 degrees Celsius ito.

Guo Jing: ika-3 ng Abril, 2020

Sa labas ng isang nagbukas muling tindahan. (Larawang kuha ni Guo Jing. Ginamit nang may pahintulot.)

解封一个城市的交通容易,想要把封闭的心打开却是一件难事。尽管武汉的疫情在好转,很多人还在担忧疫情的二次爆发,精神还在受折磨。大家现在都如惊弓之鸟,交流复工经验的群里有个人买了一个新的冰箱,说:“为可能第二次爆发准备了一个大冰箱”。
很多人已经停工了七十多天,复工也困难重重。武汉人的生活越来越拮据,政府要有相应的措施保障人们的生活,不然新的社会悲剧就会发生。很多人都在呼吁政府给武汉人发补贴,但政府一直没有回应。

Madaling alisin ang mga paghihigpit sa trapiko, ngunit mas mahirap buksang muli ang mga nakasara nating puso. Lumipas na ang pandemya, ngunit nag-aalala pa rin ang marami sa pagbabalik ng second wave. Nahihirapan sila gaya ng mga nagitlang ibon. Sa isang chatroom, nagpapalitan ang mga tao ng kanilang mga karanasan sa pagbabalik sa trabaho, at may nagsabi na bumili siya ng bagong ref: “Bumili ako ng bagong ref upang maghanda para sa second wave ng pandemya.”
Hindi nagtrabaho ang ilang tao sa loob ng mahigit 70 araw, at hindi pa rin makabalik sa trabaho. Kapos sa pera ang marami sa Wuhan. Dapat may gawin ang pamahalaan upang mapangalagaan ang mga buhay namin dahil kung hindi, magkakaroon ng trahedyang panlipunan. Hinimok ng marami ang pamahalaan na tulungan sa pananalapi ang mga taga-Wuhan, ngunit wala pa silang kahit anong tugon.

Guo Jing: ika-4 ng Abril, 2020

今天是个被安排的集体哀悼日。有人去了武汉的公祭台,普通人是不能进入会场的,进入会场的也都是男性。一些人写的哀悼文也被404。
今天是阳光明媚的一天。每个阴天我都在盼望阳光,但今天的阳光却有些讽刺。我对被安排的集体哀悼极度地厌恶,不想参与,隔离自己,暂时逃离荒唐的世界。

Itinakda ngayon bilang araw ng pampublikong pagluluksa. Nagpunta ang ilang tao sa pampublikong seremonya ng pag-alaala. Hindi pinayagang dumalo ang mga karaniwang tao. Puro lalaki iyong mga makapapasok sa lugar. Nagsulat ang ilan ng mga eulogy online, ngunit sinensura at inalis sila.
Maaraw ngayon. Lagi akong nasasabik sa maaraw na panahon kapag maulap, ngunit napaka-ironic sa pakiramdam ang sikat ng araw ngayon. Kinamumuhian ko itong inihandang pampublikong pagluluksa, at ayaw kong maging bahagi nito. Gusto kong mapag-isa at takasan itong katawa-tawang mundo.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.