Mga tampok na kwento tungkol sa International Relations
Mga kwento tungkol sa International Relations
Serye ng pagsabog sa mga simbahan at hotel nagdulot ng pangamba sa Sri Lanka
Daan-daang tao ang namatay at nasugatan sa mga serye ng planong pagsabog sa Sri Lanka. Idineklara ng gobyerno ang 12 oras na curfew buong kapuluan at nilimitahan ang paggamit ng mga social media sites.
Malaysia Naglunsad ng Bagong Logo bilang Pinuno ng ASEAN 2015
Ang bansang Malaysia ang bagong pinuno ng Asosasyon ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya (Association of Southeast Asian Nations – ASEAN) para sa taong 2015. Ang taong ito ay kritikal para sa ASEAN sa paglalayon ng rehiyon na magkaroon ng kumpletong integrasyon bilang isang nagkakaisang komunidad. Ang bagong logo ay...
New York Times Nanawagang Baguhin ng US ang Patakaran Higgil sa Cuba
Nanawagan ang pahayagan kay Pangulong Obama na gumawa ng pagbabago sa patakarang panlabas ng bansa kaugnay sa kalapit-bansa sa Caribbean, kabilang ang pagtatapos ng embargo at pagsisimula ng relasyong diplomatiko.
New Caledonia: Pagmimina ng Nickel, Humantong sa Away-Pulitika
Siniyasat ni Claudine WERY ang tensyon sa pulitika [fr] sa bansang New Caledonia sa pagitan ng mga partidong independentist at non-indenpendentist, na nag-ugat sa isyu ng pagmimina ng nickel. Banat ng mga non-independentists, nakipagkasundo ang kabilang panig sa mga bansang Tsina at Timog Korea kahit hindi ito otorisado. Samantala, nakatakdang...
Japan: Pagsugod ng “1,000 Barkong Instik”, Pinasinungalingan
Mali ang impormasyong nakasulat sa mga pahayagan [jp] tungkol sa Senkaku (Diaoyu) Islands, mga teritoryong pinag-aagawan ng Japan at Tsina. Ayon ito sa ulat ng Gohoo.org [jp], isang website na ang trabaho ay kumpirmahin ang katotohanan sa mga binabalita ng mga dyaryo sa Japan. Narito ang isang halimbawa [en].
Indiya, Pakistan: Paghihigpit sa Visa, Pinetisyon
Mahigpit sa pagbibigay ng visa ang mga bansang Indiya at Pakistan para sa mga mamamayang gustong bumisita sa kani-kanilang pamilya sa karatig-bansa. Sa kasalukuyan, may bagong idinagdag na alituntunin o protocol para sa pagkuha ng tourist visa sa pagitan ng dalawang bansa sa Timog Asya. Isinusulong ng inisiyatibong ‘Journeys To...
Tsina: Mga Demonstrador Kontra-Japan, Hinarangan ang Sasakyan ng Embahador ng US
Sa bidyong kuha ni Weiwei Ai [zh] na mapapanood sa YouTube, makikita ang isang pangkat ng mga Intsik na nagsasagawa ng kilos-protesta laban sa bansang Hapon sa likod ng embahada ng Estados Unidos, kung saan kanilang hinarang ang sasakyan ni Ambassador Gary Locke. Tutol ang grupo sa polisiya ng Amerika...
Albania: Pagtatanghal ng mga Maiikling Pelikula, Idinaos
Nagbukas noong ika-20 ng Setyembre sa siyudad ng Tirana ang Balkans Beyond Borders Short Film Festival 2012 [en]. Ito ang ikatlong pagkakataon na ginanap ang nasabing patimpalak; ang napiling tema [en] sa taong ito ay “MAG-USAP TAYO – pagkakaiba-ibangwika at pakikipagtalastasan”. Ang talaan ng mga isinagawang aktibidades sa loob ng...
Japan: Araw ng Kapayapaan, Tampok sa Patimpalak ng mga Pelikula
Noong ika-21 ng Setyembre, na kinikilalang Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan, idinaos ang United for Peace Film Festival 2012 sa Yokohama, Japan. Nilikha ng mga mag-aaral ang mga isinumiteng maiikling bidyo na galing pa sa iba't ibang panig ng mundo.
Olanda: Balkan Snapshots Festival 2012
Inorganisa ng Balkan Buro, isang Dutch non-profit na “nagpapahalaga sa ugnayang sining at kultura ng Kanlurang Europa at Timog-Silangang Europa”, ang Balkan Snapshots Festival 2012, na ginanap sa bayan ng Amsterdam noong Setyembre 21-23, “tatlong gabi ng musika, pagkamalikhain, pelikula at malayang talakayan!”
Belarus, Ukraine: Mga Biktima ng Chernobyl, Wala Na Nga Bang Libreng UK Visa?
Kinukwestiyon ngayon, sa pamamagitan ng isang petisyon sa internet [en], ang panukalang dagdag-bayarin sa pagkuha ng visa papasok ng Britanya para sa mga taga-Belarus at Ukraine na naging biktima ng trahedya sa Chernobyl noong 1986 at pumupunta sa UK upang magpagamot.
Mga Bansang Arabo: Pagpaslang sa Embahador ng US sa Benghazi, Kinundena
Ikinagalit ng mga Arabong netizens ang duwag na pag-atake sa Konsulado ng Estados Unidos sa Benghazi, Libya. Apat na dayuhang Amerikano, kabilang na ang Embahador na si Christopher Stevens, ang pinatay nang pinapaputukan sila ng mga militante ng isang missile, habang inililikas ang dayuhang grupo sa mas ligtas na lugar, matapos paligiran ang gusali ng kanilang konsulado.
UK: Bandila ng Taiwan, Naglaho sa mga Nakasabit sa Lansangan para sa London Olympics
Ipinagtaka ng mga Taiwanese kung saan nga ba nagpunta ang kanilang pambansang bandila, matapos itong mawala sa hilera ng mga watawat sa Kalye Regent ng London. Naiwan namang nakasabit ang iba pang mga bandila upang salubungin ang mga delegado mula sa iba't ibang bahagi ng mundo para sa Olympics.
Bangladesh: Ipapagawang ‘Siyudad Panturismo’ ng Taga-Indiya, Kinukwestiyon
Naging pangunahing balita kamakailan ang pamumuhunan ng mga dayuhan sa bansang Bangladesh na nagkakahalaga ng 10 bilyong taka (US$120 milyon), matapos bumisita sa lugar si Subrata Roy Sahara, ang tagapangasiwa ng Sahara India Pariwar, isa sa mga pinakamalalaking negosyanteng grupo mula sa bansang Indiya. Balak ng grupo na magpatayo ng proyektong pabahay na may lawak na 40 kilometro kwadrado at may 50 kilometro ang layo mula sa Dhaka, kabisera ng Bangladesh.