TEDxDiliman, Pinag-usapan sa Twitter

[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles.]

Mahigit 100 katao ang dumalo sa TEDxDiliman 2012 noong Sabado, ika-15 ng Setyembre, na idinaos sa UP Diliman. Ito ang ikalawang pagkakataon na ginanap ang TEDxDiliman, na may temang “Ang Hinaharap”, sa pangangasiwa ng grupong CANVAS (Center for Art, New Ventures, & Sustainable Development). Ilang mahahalagang personalidad ang nagpaunlak sa paanyaya at nagbigay ng kani-kanilang talumpati. Kabilang dito sina dating senador Leticia Ramos-Shahani, direk Jose Javier Reyes, at ang kontrobersyal na si Carlos Celdran.

Pambungad ni Gigo Alampay mula sa grupong CANVAS

Pagtatanghal mula sa grupong Casa de San Miguel

Ang Hinaharap ng mga Karapatang Pantao, ni Ted Te

Ang Hinaharap ng Midya, ni Direk Joey Reyes

Ang Hinaharap ng Palakasan sa Pilipinas, ni Jaemark Tordecilla

Ang Hinaharap ng Nakalipas, ni Carlos Celdran

Ang Hinaharap ng Pilipinas sa Usaping Pandagat, ni Leticia Shahani

Partikular na sinuri ni Leticia Shahani ang alitang Tsina at Pilipinas at ang agawan sa Bajo de Masinloc (na tinatawag ding Panatag Shoal o Scarborough Shoal) at sa Kalayaan Group of Islands (o Spratlys). Iginiit niya na bagamat kulang ang kakayahang militar ng Pilipinas, marapat pa ring paghandaan ng bansa ang hinaharap, at pag-ibayuhin ang pangangalaga sa mga karagatang nakapalibot dito.

“Kulelat na naman tayo”, ayon kay Leticia Shahani, kung ihahambing ang sandatahang lakas ng Pilipinas sa ibang karatig bansa sa Asya

Sa internet, masugid na inabangan ng mga netizen ang livestream ng okasyon. Agad naging trending topic sa Twitter ang hashtag na #tedxdiliman.

#TEDxDiliman, nag-trend sa Twitter. Larawang kuha ni Joseph Ubalde, may pahintulot sa paggamit.

@seph_ubalde: #TEDxDiliman trends on Twitter! Kudos to everyone and media partner @interaksyon pic.twitter.com/weYMWRaV

@seph_ubalde: Nag-trend ang #TEDxDiliman sa Twitter! Pagbati sa lahat at sa @interaksyon

@cheriemercado: inspiring talks from expert speakers :) based on TED in the US. Check it out on you tube

@cheriemercado: mga talumpating nagbibigay inspirasyon, mula sa mga eksperto :) hanggo sa TED sa US. Hanapin mo sa YouTube

@mikkahipol: A country of passionate citizens is not far from progress. #takehome #TEDxDiliman

@mikkahipol: Ang bayang binubuo ng mga mamamayang masigasig ay hindi nalalayo sa kaunlaran.

@klaraiskra: That was so much fun and enriching! Hope I get to attend again next year! #TEDxDiliman http://twitpic.com/autlz2

@klaraiskra: Nakakatuwa at nakakapukaw! Sana makasali ako sa susunod na taon!

Nangako naman si Gigo Alampay ng CANVAS na magbabalik ang mas malaking TEDxDiliman sa susunod na taon.

@lookingforjuan: Next year ulit! Babalik kami, puede na mas marami! #TEDxDiliman

Makikita sa opisyal na Facebook page ng TEDxDiliman ang maraming larawan mula sa nasabing programa.

Dahil sa malayang ideolohiya nito, patuloy ang paglaganap at pag-usbong ng mga lokal na TEDx sa bansa. Matatandaang noong Hunyo 16, isinagawa sa kalapit na unibersidad ng Ateneo de Manila ang kauna-unahang TEDxKatipunan; dito naging mainit din ang pagtanggap ng mga netizen sa Facebook at Twitter. Noong Abril 13, ginanap naman ang TEDxMakati, habang kasalukuyang ikinakasa ang TEDxManila 2012 na nakatakda sa Disyembre 7.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.