Ang Sri Lanka ay niyanig ng serye ng walong pagsabog noong umaga ng Linggo ng Pagkabuhay (21 Abril 2019) sa mga lugar na may mga simbahan at hotel sa iba't ibang bahagi ng bansa, at naging sanhi ng pagkamatay ng hindi bababa sa 207 na tao at higit sa 450 ang sugatan.
Ang target ng anim na magkakasabay na pagsabog ay mga simbahan na puno ng mga mananampalataya na kasalukuyang dumadalo ng misa para sa Linggo ng Pagkabuhay. Kabilang sa mga ito ang Simbahan ng San Antonio ng Kochchikade sa Colombo, Simbahan ng San Sebastian sa Negombo, at Simbahan ng Zion Church kung saan ang nakararaming residente sa lungsod ng Batticaloa ay mga Tamil. Hindi bababa sa 67 na tao ang namatay sa Simbahan ng San Sebastian pa lamang.
#SriLanka octet of terror pic.twitter.com/uf5xUCyUEt
— simulacra deorum (@digitalfolklore) April 21, 2019
Tinarget din ng mga pagsabog ang mararangyang hotel sa kapital ng siyudad na Colombo, kabilang ang Cinnamon Grand, ang Kingsbury, at ang Shangri-La, kung saan hindi bababa sa 35 na banyaga ang namatay.
35 foreigners among the victims of the bomb blasts in Sri Lanka.
Among the victims are nationals of; #USA, #Denmark, #China, #Japan, #Pakistan, #Morocco, #India and #Bangladesh – National Hospital Spokesperson.#lka #SriLanka— News 1st (@NewsfirstSL) April 21, 2019
35 banyaga ang kabilang sa mga biktima ng mga pagsabog sa Sri Lanka.
Ilan sa mga biktima ay mula sa mga bansang #USA, #Denmark, #China, #Japan, #Pakistan, #Morocco, #India at #Bangladesh – Tagapagsalita ng National Hospital.#lka #SriLanka
Ang ika-pitong pagsabog ay naganap sa isang maliit na hotel sa bayan ng Dehiwala sa kapital na Colombo.
2 dead in an explosion took place inside a small hotel in Dehiwela pic.twitter.com/wR5wMinueb
— Azzam Ameen (@AzzamAmeen) April 21, 2019
Dalawa ang patay sa pagsabog na naganap sa isang maliit na hotel sa Dehiwela pic.twitter.com/wR5wMinueb
Ang ikawalong pagsabog sa distrito ng Dematagoda district sa Colombo dahil sa isang suicide bomb ay kumitil sa buhay ng tatlong opisyal ng pulisya.
Minister @RWijewardene addressing the press just now says action will be taken to stop activity of all extremist groups in the country. Social media temporary banned. 12 hour curfew from 6pm. The Dehiwela n Dematagoda blasts seem to be by those in the ring running from the law.
— Harsha de Silva (@HarshadeSilvaMP) April 21, 2019
Si Ministro @RWijewardene habang kasalukuyang kinakausap ang media ay nagsabi na may gagawing hakbang upang pigilin ang aktibidad ng lahat ng mga extremist na grupo sa bansa. Pansamantalang ipinagbawal ang social media.12 oras na curfew mula ika-6 ng gabi. Ang mga pagsabog sa Dehiwela at Dematagoda ay tila galing sa mga grupong tumatakas sa batas.
Wala pang umaako sa responsibilidad ng mga pag-atake. Gayunpaman, ang mga ulat ay nagbibigay suhestiyon na ito ay gawa ng mga suicide bomber.
Ang gobyerno ng Sri Lanka ay nagdeklara ng curfew sa buong kapuluan mula 18:00hh lokal na oras hanggang sa susunod na umaga. Gayundin, ang mga social media site tulad ng Facebook at Instagram ay pansamantalang naka-block upang maiwasan ang pagpapakalat ng mga pekeng balita.
Confirmed: Facebook, WhatsApp, Instagram, YouTube, Viber, Snapchat and Messenger blocked in #SriLanka following series of deadly church and hotel attacks; incident ongoing #EasterSundayAttacksLK #KeepItOn ⬇https://t.co/xp4hSxvFOi pic.twitter.com/dcQ6COsWKB
— NetBlocks.org (@netblocks) April 21, 2019
Kumpirmado: Facebook, WhatsApp, Instagram, YouTube, Viber, Snapchat and Messenger naka-block sa #SriLanka matapos ang serye ng mga nakamamatay na pag-atake sa mga simbahan at hotel; ang insidente ay nagpapatuloy #EasterSundayAttacksLK #KeepItOn https://t.co/xp4hSxvFOi pic.twitter.com/dcQ6COsWKB
Please think before you share – here are some useful infographics to help identify #fakenews and #misinformation. #lka #srilanka pic.twitter.com/ELppQuSyig
— Groundviews (@groundviews) April 21, 2019
Pakiusap, magisip bago magbahagi – ito ang ilan sa mga kapaki-pakinabang na infographic upang matukoy ang #fakenews at #misinformation. #lka #srilanka pic.twitter.com/ELppQuSyig
Subalit, ang Twitter na hindi naka-block ay nagbibigay ng mahahalagang impormasyon.
Archive of all #EasterAttackSL & #EasterSundayAttacksLK na mga tweet at hawksey.info/tagsexplorer/a… Updated at least once every hour, for at least the next week. #lka #srilanka
— Sanjana Hattotuwa (@sanjanah) April 21, 2019
Archive ng lahat ng #EasterAttackSL & #EasterSundayAttacksLK tweets sa hawksey.info/tagsexplorer/a…May bagong kaalamang naidadagdag ng hindi bababa sa isang beses kada oras, hanggang sa susunod na linggo. #lka #srilanka
Ang Sri Lanka ay isang bansa na binubuo ng ibat-ibang pangkat-etniko at relihiyon. Ang Sinhalese (74.8%) ang bumubuo sa pinakamalaking pangkat-etniko sa bansa, ito ay sinusundan ng mga Sri Lankan Tamil (11.2%) at Sri Lankan Moors (9.2%). Sa panig ng relihiyon, ang mga Buddhist (karamihan ay ang mga nasa pangkat-etniko na Sinhalese) ang bumubuo sa 70 porsyento ng 22 milyong populasyon na sinusundan ng mga Hindu (13%), mga Muslim (10%), at mga Kristiyano (7%).
Ang bansa ay nagtiis sa digmaang sibil na tumagal ng tatlong dekada sa pagitan ng mga armadong puwersa ng gobyerno at mga humiwalay na militanteng grupo ng Tamil Liberation Tigers of Tamil Eelam (LTTE) at ito ay nagtapos noong 2009. Ang mga pangbobomba ay nagpaalala sa mga mamamayan sa mga pang-aatake noong mga panahong iyon.
Ang Ministro ng Depensa na si Ruwan Wijewardane ay nangako na gagawin ang lahat ng kinakailangang hakbang upang supilin ang mga grupong extremist na may operasyon sa bansa. Inulit din niya ang naging pahayag ng gobyerno ng New Zealand matapos mangyari ang barilan sa Christchurch noong nakaraang Marso:
State Minister/ Defence @RWijewardene urges media not to publicise names of today's attackers. He warned other extremist groups could exploit situation & create tension between communities. “Don't give extremists a voice. Don't help to make them martyrs” #EasterSundayAttacksLK
— dharisha (@tingilye) April 21, 2019
Hinikayat ng Ministro ng Estado/Depensa @RWijewardene ang media na huwag ilathala ang mga pangalan ng mga may kagagawan sa pag-atake ngayon. Siya ay nagbabala na ito ay maaaring samantalahin ng mga extremist na grupo upang lumikha ng tensyon sa pagitan ng mga komunidad. “Huwag nating bigyan ang mga extremist ng boses. Huwag tumulong para gawin silang mga martir” #EasterSundayAttacksLK
Hinikayat ng Arsobispong Kardinal ng Colombo na si Malcolm Ranjith ang mga tao sa Sri Lanka na huwag magkalat ng mga “sabi-sabi” at “matiyagang maghintay at isulong ang kapayapaan at pagkakaisa.“
PM @RW_UNP met w ministers n senior military personnel; all measures taken to maintain peace. Security tightened. Please stay calm. Please act responsibly. Please NO politics. We must all act together as #SriLanka citizens. My condolences to all families who lost loved ones. pic.twitter.com/j6e3qEPgNt
— Harsha de Silva (@HarshadeSilvaMP) April 21, 2019
PM @RW_UNP nakipagkita sa mga ministro at mga punong tauhan ng militar; ang lahat ng kailangang hakbang ay isinigawa upang mapanatili ang kapayapaan. Pinaigting ang seguridad. Pakiusap na manatiling kalmado. Kumilos ng may responsibilidad. Pakiusap na WALANG pamumulitika. Ang lahat ay dapat kumilos bilang mamamayan ng #SriLanka. Ang aking pakikiramay sa lahat ng pamilya na nawalan ng mahal sa buhay. pic.twitter.com/j6e3qEPgNt
Sumang-ayon dito ang freelancer na mamamahayag at guro na si Kelum Samarasena:
I think Srilanka must take a lesson from New Zealand. Let there be zero free coverage for the heinous terrorist outfit whose ultimate aim would've been the publicity. Focus on victims and the people uniting . Let them be the NEWS…
— kelum samarasena (@kelums) April 21, 2019
May leksyon na kailangang matutunan ang Sri Lanka mula sa New Zealand. Huwag nating bigyan ng coverage ang mga karumal-dumal na gawain ng mga terorista na ang tanging layunin ay makakuha ng publisidad. Ituon ang pokus sa mga biktima at mga taong nagkakaisa. Hayaan na sila ang maging BALITA…
Hinikayat ng Punong Ministro na si Ranil Wickremesinghe ang mga Sri Lankan na manatiling kalmado at nagkakaisa.
Dumagsa ang tao sa mga ospital para mag-donate ng dugo:
Respect ? Sri Lankans!
Massive Kindness ,We All Can Proud !
Blood donors are flooding , Large number of people donating bloods in hospitals following Government requests #LKA #SriLanka #EasterSunday #EasterSundayAttacksLK #EasterAttackSL #Colombo pic.twitter.com/15pegwOnlV— Sri Lanka Tweet (@SriLankaTweet) April 21, 2019
Respeto ? Mga Taga Sri Lankan!
Umaapaw na Kabutihan ,Ating Ipagmalaki !
Dumagdagsa ang mga blood donors , Maraming tao ang nagdo-donate ng dugo sa mga ospital matapos ang panawagan ng Gobyerno #LKA #SriLanka #EasterSunday #EasterSundayAttacksLK #EasterAttackSL #Colombo pic.twitter.com/15pegwOnlV
Just returned from Batticaloa hospital where I witnessed incredible sorrow but also people of all faiths and ethnicities working together to respond to the victims of today’s church bombing. Several referenced their own personal and collective histories of loss as they worked.
— ittappalaG adnanA (@ittappalaga) April 21, 2019
Galing lang ako sa ospital ng Batticaloa kung saan ko nasaksihan ang umaapaw na kalungkutan ngunit gayundin ang mga tao na may pambihirang pananampalataya at ibat-ibang pangkat-etniko na sama-samang kumikilos upang tumulong sa mga biktima ng mga pag-atake sa simbahan ngayon. Ang ilan ay ibinatay ang mga personal na kuwento ng mga kasawiang kanilang naranasan habang gumagawa.
Kinondena ng mga pinuno sa ibang bansa ang karahasan, kabilang dito si Santo Papa Francis.
Touched to see the condolences coming in from all around the world.
At such a state, let us Sri Lankans not get divided ♥#EasterSundayAttacksLK #srilanka— Inshaf Caffoor (@inshafcaffoor) April 21, 2019
Nakakapukaw ng damdamin ang pagbuhos ng pakikiramay mula sa iba't ibang bahagi ng mundo.
Sa pangyayaring ito, huwag nating hayaang mahati ang Sri Lanka ♥#EasterSundayAttacksLK #srilanka