Mga kwento tungkol sa Environment

Senegal: 18 Nasawi Matapos ang Matinding Pagbaha

  28 Oktubre 2012

Dahil sa matinding pag-ulan noong Agosto 26, 2012, nakaranas ng malawakang pagbaha ang maraming rehiyon sa bansang Senegal. Hindi bababa sa 18 ang bilang ng mga nasawi at 42 ang sugatan. Nagpaabot naman ang pamahalaan ng Senegal ng paunang tulong sa mga sinalanta, sa pangunguna ng grupong Pranses na Orsec. Sa kabila nito, marami ang naniniwalang hindi naging agaran ang pag-aksyon ng pamahalaan, dahilan upang magsagawa ng isang kilos-protesta sa siyudad ng Dakar.

Pandaigdigang Araw ng mga Rhino

  23 Oktubre 2012

Itinalaga ang ika-22 ng Setyembre, 2012, bilang World Rhino Day. Sa kasalukuyan, tinatayang may 22,000 puting rhino at 4,800 itim na rhino [en] ang natitira sa Aprika. Dahil sa walang...

Bidyo: Pagsabog ng Bulkang San Cristobal sa Hilagang Nicaragua

  22 Setyembre 2012

Mapapanood sa YouTube ang mga eksenang kuha ng mga netizen sa kamangha-manghang pagsabog ng bulkan sa bansang Nicaragua noong ika-8 ng Setyembre, 2012. Nasaksihan ng mga netizen ang pagsabog ng Bulkang San Cristobal, na siyang pinakamatayog sa Nicaragua na matatagpuan sa Gitnang Amerika. Alas-9 ng umaga nang magbuga ito ng makakapal na usok at abo, dahilan upang lumikas ang higit 3000 katao sa bayan ng Chinandega.

Bidyo: Walang Palanguyan? Walang Problema! Mga Malikhaing Sagot sa Tag-init

  13 Agosto 2012

Dahil sa matinding tag-init na nararanasan ng mga taga-hilagang bahagi ng ating daigdig, kanya-kanyang pamamaraan ang karamihan doon upang matakasan ang umaakyat na temperatura at nang makaramdam ng kaunting pahinga. Pinapamalas ng mga susunod na litrato at mga bidyo ang pagiging malikhain at ang angking imahenasyon ng mga tao, mapabata man o matanda, upang maibsan ang epekto ng mainit na panahon.

Mali: Ang Ilog Niger sa Mga Larawan

  25 Hulyo 2012

Nilibot ni Boukary Konaté, miyembro ng samahang Global Voices sa bansang Mali, ang mga paaralang rural sakay ng isang tradisyonal na bangkang Malian, bilang bahagi ng isang proyektong literasiya patungkol sa internet. Nagbigay naman ito ng oportunidad sa kanya na malibot ang sariling bansa at ipakita sa ibang tao ang maraming aspeto ng 2,600-milyang haba ng Ilog Niger. Narito ang ilang mga litrato mula sa kakaibang paglalayag.

Costa Rica: Pag-akyat sa Chirripó, ang Pinakamatayog na Bundok sa Bansa

  30 Abril 2012

Ang Chirripó ang pinakamatayog na bundok sa bansang Costa Rica, na may taas na 3820 metro (12,533 talampakan). Noon pa man, maraming mga lokal at banyagang turista ang naaakit na akyatin ang tuktok nito: mapapanood sa mga susunod na bidyo ang dalawang magkaibang karanasan. Tampok sa unang bidyo ang naunang paglalakbay noong 1960, at tampok naman sa pangalawa ang karanasan sa kasalukuyang panahon.

Bidyo: Mga Surfer, Mangingisda, at Radiation sa Bansang Hapon Matapos ang Lindol

  1 Abril 2012

Isinasapelikula ni Lisa Katayama, isang mamahayag, at ni Jason Wishnow, isang direktor, ang pamumuhay ng mga taong patuloy na nakikipagsapalaran sa epekto ng radiation pagkatapos ng matinding lindol na yumanig sa bansang Hapon. Sa proyektong We Are All Radioactive ["Lahat Tayo ay Radioactive"], 50% ng bidyo ay kinunan sa mga kalapit-lugar ng Fukushima Power Plant, at 50% naman ay gawa ng mga nakatira doon gamit ang mga waterproof digital cameras.