Mga kwento tungkol sa Sport
Egypt: Pagsalubong sa mga Bayani ng Paralympics
Ibinida ni @MonaMcloof ang paskil na kanyang ginawa upang batiin ang delegasyon ng Egypt na nanggaling sa katatapos na paralympics. @MonaMcloof [en]: Dadalhin ko ‘to sa pagsalubong sa delegasyon ng...
Ehipto: Masayang Pagsalubong para sa Kupunan sa Paralympics
Sa Twitter, ibinahagi ni Ahmed Morgan [ar] ang kanyang litratong kuha mula sa Pandaigdigang Paliparan ng Cairo, kung saan daan-daang katao ang nagtipon bilang pagsalubong sa kupunan ng Egypt mula...
Iran: Mga Makasaysayang Medalya Ipinagbunyi, Referee Binatikos
Nagdiwang ang mga taga-Iran sa pinakamasayang sandali sa kasaysayan ng Olympics nang manalo ng dalawang medalyang ginto at dalawang medalyang pilak ang kanilang mga atleta. Ngunit naudlot ang pagdiriwang dahil sa isang kontrobersiya: libu-libong mga taga-Iran ang umalma sa pagkatalo ni Saeid Morad Abdvali' sa wrestling at tinawag itong pakikipagsabwatan ng referee laban sa World Champion ng Iran.
Kirani James, Tinupad ang Pangarap ng Grenada sa Olympics
Nagwagi ng gintong medalya si Kirani James sa Men's 400 Metres race sa London Olympics na nagtala ng 43.94 segundo. Siya ang kauna-unahang atleta mula sa bansang Grenada at sa rehiyon ng Organization of Eastern Caribbean States na nagkamit ng medalya sa Olympics. Agad na nagdiwang ang buong sambayanan.
Bidyo: Ang Mangarap ng Olympics sa Colombia
Sa maikling pelikulang "Velocidad" (Tulin) na likha ng estudyanteng si Esteban Barros mula Barranquilla, Colombia, ipinapakita ang pangarap ng isang binata na makapasok sa Olympics. Sapat na kaya ang kanyang matinding pagsisikap, magandang resulta at pagtitiyaga upang makapasok sa kompetisyon? Panoorin ang dalawang minutong bidyong ito at alamin.
Costa Rica: Pag-akyat sa Chirripó, ang Pinakamatayog na Bundok sa Bansa
Ang Chirripó ang pinakamatayog na bundok sa bansang Costa Rica, na may taas na 3820 metro (12,533 talampakan). Noon pa man, maraming mga lokal at banyagang turista ang naaakit na akyatin ang tuktok nito: mapapanood sa mga susunod na bidyo ang dalawang magkaibang karanasan. Tampok sa unang bidyo ang naunang paglalakbay noong 1960, at tampok naman sa pangalawa ang karanasan sa kasalukuyang panahon.
Bahrain: Karerang F1 Grand Prix Nabalot ng Karahasan, Tear Gas
Idinaos noong ika-22 ng Abril ang Bahrain Grand Prix subalit kasabay nito ang malalaking protesta sa bansa ilang araw bago ang naturang petsa. Sa mga naganap na salpukan, gumamit ang kapulisan ng mga tear gas at stun grenade, at natagpuang patay ang isang demonstrador na si Salah Abbas Habib.
Olanda: Dalawang Babae Arestado sa World Cup sa Pagtataguyod ng Maling Serbesa
Dalawang babaeng Olandes na nagtatrabaho para sa kumpanya ng serbesa na Bavaria ang nadakip dahil sa pagtataguyod ng serbesa na hindi opisyal na isponsor sa World Cup habang ginaganap ang tunggaliang Olandes at Dinamarka sa Timog Aprika noong Lunes. Ipinagtanggol sila ng Ministro sa Ugnayang Panlabas ng Olanda sa Twitter.
Mehiko: Handa nang Kalabanin ang Pransiya
Sinimulan ng Mehiko ang 2010 FIFA World Cup sa laro nito laban sa Timog Aprika; and resulta ay patas, 1-1. Ang susunod na kalaban ng Mehiko ay Pransiya, at ang mga gumagamit ng Twitter ay ginagamit ang nasabing site para ipahayag ang kanilang mga inaasahan para sa isang mahirap ngunit nakasasabik na laban.
Panoorin ang World Cup sa Pandaigdigang Tinig: May Live Chat Para sa Urugway vs. Pransiya
Ang World Cup ng putbol, ang hindi kataka-takang isa sa pinaka-pandaigdigang pampalakasan, ay ginanap sa kauna-unahang pagkakataon sa kontinente ng Aprika. Samahan ninyo kami sa panonood at pagtatalakay sa kaganapang ito sa pangalawang laro sa Araw ng Pagbubukas.