Mga kwento tungkol sa Film

Bidyo: Ang Mangarap ng Olympics sa Colombia

Sa maikling pelikulang "Velocidad" (Tulin) na likha ng estudyanteng si Esteban Barros mula Barranquilla, Colombia, ipinapakita ang pangarap ng isang binata na makapasok sa Olympics. Sapat na kaya ang kanyang matinding pagsisikap, magandang resulta at pagtitiyaga upang makapasok sa kompetisyon? Panoorin ang dalawang minutong bidyong ito at alamin.

9 Agosto 2012

Kauna-unahang Pelikulang Animasyon sa Afghanistan

Pagkatapos ng tatlong dekada ng digmaan at pagkawasak, naging mahalagang hakbang ng mga Afghan ang paggamit ng modernong teknolohiya at media upang maiahon muli ang sariling bansa at maitaguyod ang mas magandang bukas para sa mga susunod na henerasyon. Patunay dito ang pelikulang 'Buz-e-Chini' (o Kambing), ang kauna-unahang 3D na animasyon sa bansa.

25 Hunyo 2012

Bidyo: Mga Ina Mula sa Iba't Ibang Bansa Nagbahagi ng Kani-Kanilang Karanasan

Sa Pandaigdigang Museo ng Kababaihan, kasalukuyang tampok sa kanilang website ang pagiging ina. Binigyang mukha ng eksibit na MAMA: Pagiging Ina sa Iba't Ibang Bahagi ng Mundo ang samu't saring aspeto ng pagiging ina, sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga kababaihan mula Nigeria, Kenya, Afghanistan, Estados Unidos, Colombia, Hungary, Tsina at Norway.

2 Mayo 2012

Arhentina: “Hindi Ako Naniniwala sa Paaralan Ngunit Naniniwala Ako sa Edukasyon”

Naglabas ang Educación Viva (Mabuhay ang Edukasyon) ng paunang bidyo na humahamon sa tradisyonal na sistema ng edukasyon, na pinamagatang Hindi Ako Naniniwala sa Paaralan Ngunit Naniniwala Ako sa Edukasyon. Sa bidyo na may kasamang subtitle sa wikang Ingles, binigkas ng higit sa 20 kalalakihan at kababaihan ang tula tungkol sa sistema ng edukasyon at kung paano ito naiiba sa kanilang paniniwala tungkol sa tunay na kahulugan ng pag-abot ng kaalaman.

16 Abril 2012

Bidyo: Binibida ng mga Nonprofit ang Kanilang Gawain sa Pamamagitan ng mga Pinarangalang Bidyo

Itinanghal kamakailan ang mga nagwagi sa Ika-6 na Annual doGooder Non Profit Video Awards noong ika-5 ng Abril, 2012. Tampok ang mga nanalong bidyo sa 4 na kategorya: maliit na organisasyon, organisasyong may katamtaman ang laki, malaking organisasyon, at pinakamahusay sa pagkukuwento, pati ang 4 na nagwaging bidyo sa kategoryang 'walang takot'.

14 Abril 2012

Isang Araw sa Earth: Pandaigdigang Music Video na Tulong-tulong na Binuo, Ipinalabas

Ipinalabas ang isang bagong music video bilang paghahanda sa pandaigdigang pagpapalabas ng pelikulang One Day on Earth ["Isang Araw sa Earth"], na gaganapin sa iba't ibang lokasyon kasabay ng Earth Day (ika-22 ng Abril, 2012). Tampok sa music video ang mga musikero, makata, at mananayaw na kuha ng bidyo sa loob ng iisang araw, noong ika-10 ng Oktubre 2010, at malikhaing inedit at niremix ni Cut Chemist.

11 Abril 2012