Mga kwento tungkol sa Development

Afghanistan: Mga Batang Babae, Nilason Dahil sa Pagpasok sa Eskwelahan

  16 Hunyo 2012

Bagamat matagal nang napatalsik ang Taliban noong 2001 at malaya nang makakapag-aral ang mga kababaihan sa bansang Afghanistan, patuloy na pinaparusahan ng mga grupong fundamentalist ang mga batang babaeng pumapasok sa mga paaralan. Naibalita kamakailan ang serye ng pag-atake sa mga eskwelahan sa hilagang-silangang lalawigan ng Takhar, kung saan daan-daang kababaihan ang naging biktima ng panglalason.

Myanmar: Pagpoprotesta sa Kakapusan ng Koryente, Lumaganap

  14 Hunyo 2012

Dahil sa paulit-ulit at matagalang brownout sa ilang mga bayan sa Myanmar, mapayapang idinaos ng taumbayan ang mga kilos-protesta sa iba't ibang bahagi ng bansa. Dinakip at idinitine ang ilan sa mga lumahok sa pagtitipon, ngunit hindi pa rin nagpapigil ang mga residente at mga konsumer sa kanilang nararamdamang galit tungkol sa matinding kakapusan ng koryente. Humihingi sila ng paliwanag mula sa gobyerno kung bakit patuloy itong nagluluwas ng supply ng koryente sa Tsina sa kabila ng kakulangan ng elektrisidad sa loob ng bansa.

Bangladesh: Ipapagawang ‘Siyudad Panturismo’ ng Taga-Indiya, Kinukwestiyon

  12 Hunyo 2012

Naging pangunahing balita kamakailan ang pamumuhunan ng mga dayuhan sa bansang Bangladesh na nagkakahalaga ng 10 bilyong taka (US$120 milyon), matapos bumisita sa lugar si Subrata Roy Sahara, ang tagapangasiwa ng Sahara India Pariwar, isa sa mga pinakamalalaking negosyanteng grupo mula sa bansang Indiya. Balak ng grupo na magpatayo ng proyektong pabahay na may lawak na 40 kilometro kwadrado at may 50 kilometro ang layo mula sa Dhaka, kabisera ng Bangladesh.

Pilipinas: Mga Sakuna ng Kalikasan, Iniugnay sa Pagmimina at Pagtotroso

  20 Mayo 2012

Nakaranas ng matitinding pagbaha at pagguho ng lupa ang maraming bahagi ng Pilipinas sa loob lamang ng tatlong linggo, na kumitil sa buhay ng 1,500 katao at sinalanta ang ilang daan-libung mahihirap na mamamayan. Tinukoy ng mga netizen ang mga dahilan ng mga nangyayaring sakuna, pati na ang mga pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno dahil sa pagbibigay permiso sa mga kompanyang nagsasagawa ng walang habas na pagtotroso at pagmimina.

Guinea-Bissau: Mas Mainam na Lugar para Mag-Online

Rising Voices  28 Abril 2012

Napakahirap humanap ng de-kalidad na koneksyon ng internet sa bansang Guinea-Bissau. Sa pakikipagtulungan ng iba't ibang lokal na NGO, naitayo ang tanggapang CENATIC, isang sentro na nagbibigay access sa internet sa mga organisasyon at indibidwal na nangangailangan nito, upang maiparating ang kani-kanilang mensahe sa bawat sulok ng daigdig.