
Mula sa Facebook page ng “We are Europeans”
Ibinahagi sa Facebook ng grupong “We are Europeans” (na inilunsad noong Oktubre 2011 at ibinalita dito sa GV) ang isang collage [en] na nagkukumpara sa hangganan ng mga bansang Iraq-Syria at ang pagitan ng Netherlands-Belgium: ang isa ay nakabantay-sarado, samantalang ang isa naman ay nasa labas lang ng isang kapihan.
Puna ni Eugen Theise [en]:
Bakit pa Iraq at Syria? Puwede namang EU at Ukraine – parehong pareho, pero sa Europa naman
Dagdag pa ni Karina Babenko [ru]:
Sana maging kasing laya ng pagitan ng Holland at Belgium ang hangganan ng Ukraine at ng European Union!