Ukrainian Band Pinasabog ang YouTube sa Mabangis na Music Video na Inspirado ng Apple

The "Knock Knock" video was shot in one take and uses 14 different screens to tell its story. Image from YouTube.

Ang video ng “Knock Knock” ay isang beses lang kinunan at gumagamit ng 14 na iba’t ibang iskrin upang ikuwento ang istorya nito. Larawan mula sa YouTube.

Isang hindi gaanong sikat na indie rock collective mula sa Ukraine ang nakahuli sa mga puso ng mga YouTube user—at mga Apple fan—sa pamamagitan ng isang music video na nakapakagaling ng pagkakagawa na may mahigit sa kalahating milyong na ang nakapanood sa ngayon.

Ang Brunettes Shoot Blondes, indie-rock band mula sa Kryvyi Rih, isang industriyal na bayan sa Central-Eastern Ukraine, ay nagpasiyang magsagawa ng isang hindi karaniwang pamamaraan sa pagsu-shoot ng kanilang music video para sa track na “Knock Knock.” Ikinukuwento ng 2.5-minutong video ang istorya nito gamit ang mga iskrin ng 14 na iba’t ibang Apple device: mga smartphone, tablet at laptop. Tumatalon ang mga karakter ng istorya sa pagitan ng mga iskrin na para bang may magic, lumilipat mula sa isang device papunta sa isa pa.

Tiyak na naging lubhang mabusisi ang paghahanda ng video, dahil ayon sa mga awtor ay real time kinunan iyon, na isang beses lang, tanging gamit ang isang camera, at walang anumang post-editing. Ang resulta ay isang nakaiibig na love story na naka-set sa isang ganoon din karomantikong soundtrack. Ang itinatago nito, pinakamalamang, ay ang mga oras na ginugol sa paggawa ng disenyo at animation, maging ang maingat na pagko-choreograph ng mga gadget sa mesa. At, siyempre, ang perpektong timing.

Habang patuloy na isini-share ng mga user ang obra-maestra ng Ukrainian band sa Web, may ilan ang pabirong nagpapalagay na maaaring isang palihim na promosyon ng Apple ang video, dahil sadyang prominente ang ginagampanang papel ng mga device. Iniisip namin kung bibigyang-pansin ng Apple: ang kanta—at ang video—ay makagagawa ng malaking anunsiyo para sa Apple.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.