Mga kwento tungkol sa History
Hijras, ‘Ikatlong Kasarian’ ng Bangladesh, Nagdiwang sa Kaunaunahang Parada ng Karangalan
Ang komunidad ng Hijra sa Bangladesh ay nagkamit ng pagkilala bilang hiwalay na kasarian noong nakaraang taon, nakunan ng larawan ang makulay na istilo ng pagdiriwang ng kanilang anibersaryo.
Bangladesh: Vikrampur – Ang Kinukubling Siyudad
Inilahad ng blog na Bangladesh Unlocked ang isa sa mga kinukubling lihim ng Bangladesh – ang mga lumang gusaling itinayo sa Vikrampur noong ika-6 at ika-7 siglo, na matatagpuan sa...
Mga Yamang-Kultura ng Syria, Pinapangambahang Maglaho
Bukod sa lumulobong bilang ng mga nasasawi sa giyera sa bansang Syria, isang masaker ang patuloy na nagaganap sa yamang-kultura ng mga taga-Syria. Subalit mapapansing ang usaping ito ay bihira lamang mabanggit sa midyang tradisyonal at sa social media, ayon kay Thalia Rahme.
Anibersaryo ng Pag-aalsa ng Myanmar noong 1988, Ginunita sa mga Lumang Litrato
Ginunita noong Agosto 8, 2012, ang ika-24 anibersaryo ng pinakamalaking rebolusyon sa kasaysayang pampulitika ng Myanmar - ang protesta para sa demokrasya noong 1988. Mula sa Facebook page ng Myanmar Political Review, na binuo noong Hulyo at nakalikom ng humigit 1,000+ fans sa loob lamang ng ilang araw, masisilayan muli ang mga pambihirang litrato na kinunan noong 1988.
Kauna-unahang Pelikulang Animasyon sa Afghanistan
Pagkatapos ng tatlong dekada ng digmaan at pagkawasak, naging mahalagang hakbang ng mga Afghan ang paggamit ng modernong teknolohiya at media upang maiahon muli ang sariling bansa at maitaguyod ang mas magandang bukas para sa mga susunod na henerasyon. Patunay dito ang pelikulang 'Buz-e-Chini' (o Kambing), ang kauna-unahang 3D na animasyon sa bansa.
Indiya: Dalawang Petsa ng Kaarawan ng Iisang Tao
Malaking porsiyento ng mga taong nakatira sa subkontinenteng Indiyan ay nagdiriwang ng kani-kanilang kaarawan sa dalawang magkaibang petsa bawat taon – ang una ay ang opisyal na petsa, samantalang ang...
Edukasyon sa Pilipinas Noong Bago at Matapos Dumating ang mga Kastila
Mula sa blog na Red-ayglasses [en], balikan at alamin ang naging kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas noong unang panahon bago pa man dumating ang mga dayuhan at ang sistemang umiiral...
Tsina: Pagpapatawad sa May Sala sa Masaker sa Tiananmen?
May 180,000 katao ang lumahok sa pagsisindi ng kandila at vigil sa Hong Kong na ginaganap sa ika-4 ng Hunyo taun-taon, bilang paggunita sa serye ng mga protesta sa Liwasan ng Tiananmen noong 1989. Ayon naman sa dating lider ng mga kabataan na si Chai Ling, napatawad na niya ang mga nagkasala sa masaker sa Tiananmen. Agad namang inulan ng samu't saring reaksyon ang kanyang pahayag at sinimulan ang matinding debate.
Pilipinas, Tsina: Alitan sa Scarborough Shoal, Pinag-uusapan sa Internet
Umigting ang tensyon sa mga nakalipas na buwan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina nang magpalitan ang dalawang pamahalaan ng mga paratang tungkol sa iligal na panghihimasok ng isa't isa sa mga yamang dagat sa paligid ng pinag-aagawang Scarborough Shoal. Umusbong ang damdaming makabayan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at lalong tumindi sa internet ang sagutan ng magkabilang kampo.
Mga Bidyo ng Mayo Uno: Pagmartsa, Kilos-Protesta at Pag-aaklas sa Iba't Ibang Panig ng Mundo
Sa maraming lungsod sa iba't ibang panig ng mundo, nagtipon-tipon ang mga obrero at taumbayan sa mga lansangan upang gunitain ang Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa. Mapapanood sa mga bidyo ng The Real News ang naturang kaganapan sa buong mundo.
Bidyo: Binibida ng mga Nonprofit ang Kanilang Gawain sa Pamamagitan ng mga Pinarangalang Bidyo
Itinanghal kamakailan ang mga nagwagi sa Ika-6 na Annual doGooder Non Profit Video Awards noong ika-5 ng Abril, 2012. Tampok ang mga nanalong bidyo sa 4 na kategorya: maliit na organisasyon, organisasyong may katamtaman ang laki, malaking organisasyon, at pinakamahusay sa pagkukuwento, pati ang 4 na nagwaging bidyo sa kategoryang 'walang takot'.
Isang Araw sa Earth: Pandaigdigang Pagpapalabas ng Pelikulang Tulong-Tulong na Binuo
Ang pelikulang tulong-tulong na binuo na pinamagatang One Day on Earth ["Isang Araw sa Earth"] ay pinagsama-samang bidyo ng mga kaganapan noong ika-10 ng Oktubre 2010, at mula sa higit 3,000 oras ng bidyo galing sa bawat sulok ng mundo. Gaganapin ang Pandaigdigang Pagpalalabas ng naturang pelikula kasabay ng Earth Day (ika-22 ng Abril 2012) sa bawat bansa, sa tulong ng mga World Heritage Site at United Nations.
Mga Sasakyan Na May Tatlong Gulong Sa Timog-silangang Asya
Tuktuk, Beca, Kuliglig, Trishaw, Pedicab, Becak, Tricycle. These are the famous three-wheeled vehicles in the Southeast Asian region. They can be seen in the streets of urban centers but governments are trying to ban these ubiquitous pedicabs and motorized rickshaws in major throughfares.
“Happy Rizal Day” – Naging Bagay Na Pinagtatalunan Sa Twitter
Naging masikat na paksa yun hashtag "#Happy Rizal Day" sa Twitter sa Disyembre 30, 2011 -- yun araw na namatay yun Pilipino bayani, Dr. José Rizal. Maraming tao nagalit sa kasabihan na "Happy Rizal Day" para y pa alala yun araw na namatay siya.