Mga kwento tungkol sa Economics & Business

Myanmar: Pagpoprotesta sa Kakapusan ng Koryente, Lumaganap

  14 Hunyo 2012

Dahil sa paulit-ulit at matagalang brownout sa ilang mga bayan sa Myanmar, mapayapang idinaos ng taumbayan ang mga kilos-protesta sa iba't ibang bahagi ng bansa. Dinakip at idinitine ang ilan sa mga lumahok sa pagtitipon, ngunit hindi pa rin nagpapigil ang mga residente at mga konsumer sa kanilang nararamdamang galit tungkol sa matinding kakapusan ng koryente. Humihingi sila ng paliwanag mula sa gobyerno kung bakit patuloy itong nagluluwas ng supply ng koryente sa Tsina sa kabila ng kakulangan ng elektrisidad sa loob ng bansa.

Bangladesh: Ipapagawang ‘Siyudad Panturismo’ ng Taga-Indiya, Kinukwestiyon

  12 Hunyo 2012

Naging pangunahing balita kamakailan ang pamumuhunan ng mga dayuhan sa bansang Bangladesh na nagkakahalaga ng 10 bilyong taka (US$120 milyon), matapos bumisita sa lugar si Subrata Roy Sahara, ang tagapangasiwa ng Sahara India Pariwar, isa sa mga pinakamalalaking negosyanteng grupo mula sa bansang Indiya. Balak ng grupo na magpatayo ng proyektong pabahay na may lawak na 40 kilometro kwadrado at may 50 kilometro ang layo mula sa Dhaka, kabisera ng Bangladesh.

Qatar: Shopping Mall Nasunog, Kumitil ng Buhay

Noong ika-28 ng Mayo, tinupok ng apoy ang Villaggio Mall sa Doha. May 19 na katao ang nasawi, kabilang na ang 13 batang paslit. Hindi sila nakalikas mula sa isang nursery sa loob ng mall. Binawian sila ng buhay kasama ang kanilang apat na guro dahil sa paglanghap ng makakapal na usok. Dalawang bombero naman ang namatay matapos tangkaing iligtas ang mga nakakulong sa loob ng gusali.

Pilipinas: Demolisyon sa Mahirap na Pamayanan sa Siyudad, Umani ng Batikos

  14 Mayo 2012

Isang lalaki ang kumpirmadong nasawi at dose-dosena ang nasugatan matapos ang sagupaan ng pulisya at mga naninirahan sa Silverio Compound sa lungsod ng Paranaque, timog ng Maynila, sa gitna ng mga pagpoprotesta laban sa demolisyon ng mga kabahayan sa lugar. Sumiklab naman sa internet ang matinding galit ng taumbayan dahil sa nangyaring karahasan.

Arhentina: Pinuna ng mga Blogger ang Anunsyong Pagbili ng Pamahalaan sa Kompanyang YPF

  22 Abril 2012

Umani ng iba't ibang reaksyon sa blogosphere ng bansang Arhentina ang panukalang pagbili ng pamahalaan nito sa kompanya ng langis na YPF, na kontrolado ng kompanyang Repsol ng bansang Espanya, kung saang mapapasakamay ng gobyerno ang 51% ng buong kompanya. Ibinahagi ni Jorge Gobbi ang ilan sa mga opinyong ito, na kasalukuyang nahahati sa pagitan ng mga sang-ayon at kumukontra sa pamamahala ni Cristina Fernandez de Kirchner.

Laban Sa Pagtanggal Ng Mga Puno Sa Shopping Mall

  30 Enero 2012

Maraming mga mamamayan at organisasyon linalaban yun plano ng SM City Bagiuo shopping mall sa norte ng Pilipinas para tanggalin mga isang daan na puno para makagawa ng lote pang paradahan at saka ng entertainment site. Yun may-ari sa SM ay yun pinaka mayaman na mangangalakal sa buong Pilipinas.