Mga diary tungkol sa COVID-19 mula sa Wuhan: ‘Hindi maipagdalamhati nang malaya ng mga tao ang kanilang mga kamag-anak. Napakalupit!’

Nagbalik-operasyon ang lugar ng konstruksyon sa Wuhan. (Larawang kuha ni Guo Jing. Ginamit nang may pahintulot.)

Ang sumusunod na post ay ang ika-14 sa serye ng mga diary na isinulat ng malayang filmmaker at peministang iskolar na si Ai Xiaoming at ng peministang aktibista na si Guo Jing. Pareho silang nakatira sa Wuhan sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic. Narito ang mga link sa unaikalawaikatloikaapatikalimaikaanimikapitoikawaloikasiyamikasampuika-11ika-12, at ika-13 bahagi ng serye.

Tunghayan ang special coverage ng Global Voices ukol sa pandaigdigang epekto ng COVID-19.

Isinulat itong yugto mula ika-23 hanggang ika-27 ng Marso, 2020. Inilathala sa Matter News ang mga orihinal na diary sa Tsino.

Guo Jing: ika-23 ng Marso, 2020

我今天没有下楼,在房间里工作、写日记。前几天有个被领导性骚扰的女性打074热线来咨询,她把自己的经历发了朋友圈,结果有几个女同事说她们也曾被这个领导性骚扰。她们联合起来向公司投诉,要求公司调查处理。今天,这名咨询者告诉我,公司调查后决定开除骚扰者,并在内部发了公告。真是个难得的好消息。
今天似乎回到了封城前的生活,可是我心里又知道无法回到过去。我们有时候想回到过去是怀念曾经某个时刻的美好,或者想要逃避现在的痛苦。
其实,我内心一直抗拒去适应现在的生活,人为了适应变态的生存环境必然要做出一些妥协。我不想做太多的妥协,更害怕妥协成为习惯,想要坚守那些我珍视的信念

Hindi ako lumabas ngayong araw. Nagtrabaho ako sa bahay at nagsulat ng mga diary. Ilang araw na ang nakalilipas, tumawag sa hotline ang isang babaeng niligalig ng kaniyang boss. Ibinahagi niya ang karanasan niya sa social media, at sinabi ng ilang babeng kasamahan niya sa trahabo na niligalig sila ng parehong tao. Sama-sama silang nagsampa ng reklamo at pinakiusapan ang kumpanyang mag-imbestiga. Ngayong araw, sinabi niya sa akin na napagpasyahan ng kumpanya niyang sisantehin iyong manliligalig at inanunsyo ang desisyon. Bihira itong magandang balita.
Tila isang karaniwang araw bago ang lockdown ngayon. Gayunpaman, alam kong hindi na magiging tulad ng dati ang buhay. Ang paghahangad na bumalik sa nakaraan ay may kauganayan sa alaala natin ng mga masasayang araw ng nakalipas, o ang paghahangad na makatakas mula sa kalungkutang mayroon tayo ngayon.
Pinipilit kong hindi masanay sa kasalukuyang sitwasyon. Kapag nakikiayon sa isang baluktot na kapaligiran, kailangang magkompromiso. Ayaw kong magkompromiso masyado dahil makakasanayan ko ito. Gusto kong manatiling tapat sa mga paniniwala ko.

Guo Jing: ika-24 ng Marso, 2020

这几天无症状感染者让大家充满了疑惑和担忧,自己是不是无症状感染者,身边是否有无症状感染者。昨天财新的报道指出,武汉最近每天还能检测出几例或十几例无症状感染者,但并没有计入确诊病例。
无症状感染者的存在无疑增加了疫情的防控难度。
现在很多省份的新增确诊病例都是从境外入境的人。我们要怎么应对疫情的这一新发展趋势呢?我真心希望不要再有封锁了,再次封锁简直就是酷刑,尤其是对武汉人而言,我们经不住这样的折磨啦。我们要做好防护和救治,而不是隔离
中午,湖北省新型冠状病毒感染肺炎疫情防控指挥部发了通告,4月8日零时起,武汉市解除离汉离鄂通道管控措施,有序恢复对外交通,离汉人员凭湖北健康码“绿码”安全有序流动。
这算是一个好消息。
有人问我会不会离开武汉。短期内没有特别的理由我不会离开。我已经对此类消息变得无感了。我不再每天一醒来就去看最新的疫情信息了。解封不代表这次疫情的结束,可能还是会有人不敢出门,很多后遗症也都需要面对。我现在都很难想象大家都不戴口罩出门的场景。
去年在广州跟一群热爱运动的朋友成立了一个女子登山队,前些日子大家在讨论五一去四姑娘山徒步。那个时候我说好想去。今天,她们倒是高兴地说:“郭晶可以出来啦!!”
我好像没啥信心,说:“哎呀,不知道到时候会咋样呢。”有人说:“还是可以期待一下!”有人说:“到时候就重获自由了!”我收到了一些鼓励,说:“好吧,我期待一下!”

Kamakailan, ang mga tao ay nalilito at nag-aalala sa “mga nagdadala ng virus kahit walang mga sintomas.” Nahawaan ba kami kahit walang mga sintomas? Nahawaan ba ang mga tao sa paligid ko kahit walang mga sintomas? Kahapon, binanggit ng isang ulat ng Caixin na kamakailan, umaabot ng isang dosenang katao ang nahahawaan kahit walang mga sintomas sa Wuhan araw-araw. Gayunpaman, hindi sila ibinibilang sa mga kumpirmadong kaso.
Walang duda na dahil sa mga nahawaang kaso kahit walang mga sintomas, magiging mahirap sugpuin itong pandemya.
Ngayon, sa maraming lalawigan, imported ang mga bagong kumpirmadong kaso. Paano natin matutugunan itong bagong trend? Umaasa ako na sana hindi na kami muling magla-lock down. Magiging pahirap ito, lalo na sa mga taga-Wuhan. Hindi namin makakayang muli ang pahirap na ito. Higit na pagpupunyagi ang dapat ituon sa proteksyon at paggagamot sa halip na pagbubukod.
Nitong tanghali, inanunsyo ng COVID-19 Epidemic Prevention Center sa lalawigan ng Hubei na aalisin ng lungsod ng Wuhan ang pagbawal sa pagbiyahe sa ika-8 ng April. Babalik sa normal ang trapiko. Makabibiyahe ang mga taga-Wuhan sa ibang mga lugar dala ang “Green Code” na ipinagkaloob ng sistemang Hubei Health Code.
Talagang mabuting balita ito.
Tinanong ako ng mga tao kung lilisanin ko ba ang Wuhan. Wala akong ganito plano maliban na lamang kung may mangyaring hindi inaasahan. Manhid na ako sa balita tungkol sa pandemya at hindi ko na tinitingnan ang bagong impormasyon pagkagising araw-araw. Hindi nangangahulugang katapusan nitong pandemya ang pag-aalis ng lockdown. Napakalaki ng posibilidad na hindi pa rin naglalakas-loob lumabas ang ilang tao. Umuusbong pa rin ang resulta ng pandemya. Sa sandaling ito, hindi ko maisip na lumalabas ang mga tao nang walang suot na face mask.
Noong nakaraang taon, ako at ilang kaibigan sa Guangzhou na mahilig sa mga outdoor activity ay nagtayo ng isang female hiking club. Ilang araw na ang nakalilipas, pinag-usapan namin ang pag-akyat ng Mount Siguniang sa May Day holiday. Sinabi ko na gusto kong pumunta. Ngayon, natutuwa nilang sabi, “Sasamahan na tayo ni Guo Jing!!”
Pero hindi ako ganoon kakumpiyansa. Saad ko, “Hindi ko alam kung anong mangyayari.” May nagsabi, “Dapat kang umasa.” Wika ng isa pa, “Magiging malaya ka na sa oras na iyon.” Lumakas ang loob ko at sinabi ko, “Buweno, mananatili akong may pag-asa.”

Guo Jing: ika-25 ng Marso, 2020

我羡慕那些在外面的人,就问门口的社区工作人员:“我们什么时候可以出去呀?”他说:“现在有复工证明才能出,现在主要是为了复工。”

Naiinggit ako sa mga nakalalabas. Tinanong ko ang tauhan ng pamayana sa tarangkahan, “Kailan kami makalalabas?” Saad niya, “Sa ngayon, makalalabas lamang ang mga taong may Work Pass; una sa lahat, para sa layuning maipagpatuloy ang trabaho ang kasalukuyang kaayusan.”

Guo Jing: ika-26 ng Marso, 2020

今天有人在微博上发了一张照片,内容是汉口殡仪馆门口领骨灰的长队,很快这条微博就不见了。有人写下自己去汉口殡仪馆的经历,TA在里面待了两个小时,人们大都是默默地抱着遗照在对接点等待,或抱着骨灰盒离开,殡仪馆很安静。TA要离开的时候一个女人放声大哭,大家呆呆地看着她。
网友说殡仪馆到处都是便衣,甚至一抬手机就有人上前制止。有不少人说去领骨灰盒的时候有社区工作人员的“陪同”。人们的哀悼也被看管了起来,真是荒谬至极。他们的家人去世了,他们很多人都没能跟家人见上最后一面,现在又不能以自己的方式哀悼逝去的亲人,这是何等的压制。

Ngayong araw, may nag-post sa Weibo ng isang larawang nagpapakita ng isang mahabang pila sa labas ng punerarya sa Hankou upang hintayin ang abo ng mga kamag-anak o mga kaibigan nila. Agad na binura itong larawan. May nagsulat ng karanasan nila sa punerarya sa Hankou. Nanatili siya roon sa loob ng dalawang oras. Naghintay nang tahimik ang karamihan sa reception, at may mga hawak silang larawan ng yumao. Dinala ng ilan ang abo. Nang umalis sila, nasira ang katahimikan nang umiyak ang isang babae. Tinitigan lamang siya ng iba.
Sinabi rin ng netizen na maraming pulis na naka-sibilyan sa punerarya. Kapag naglabas ng telepono ang isang tao, pipigilin iyong tao [ng mga naka-sibilyang pulis]. Maraming nagsabi na “sinamahan” sila ng mga tauhan ng pamayanan nang kunin nila ang abo. Kalibak-libak na kailangang pangasiwaan at bantayan ang pakikiramay ng mga tao. Namatay ang mga kapamilya nila. Hindi nakapagpaalam ang marami sa kanilang mga minamahal. Ngayon, hindi sila pinapayagang ipagdalamhati nang malaya ang kamatayan ng mga kamag-anak nila. Napakalupit!

Guo Jing: ika-27 ng Marso, 2020

新冠肺炎在全球范围的传播对全球化的经济结构将会带来什么样的影响?很多外贸厂的外贸订单被取消,涉及的行业有服装、玩具、电子等,很多厂被迫关停。这些外贸厂的工人想复工也没得复了。
很多产业开始大规模地缩水,接下来会有大规模的失业。很多人都没有存款,还背负着房贷、房租等,几个月没有收入生活就会难以为继。很多人在城市里都是外来者,如果在城市里生活不下去,就必然要回到农村。
复工也并非易事。现在武汉关于复工的规定尚不明确,不知道哪些行业可以复工。湖北其它城市去外地复工的人也遇到种种困难,一个交流出城、复工经验的群里有人说,他到重庆后要做核酸检测加居家隔离7天才能上班。
还有的地方依然在拒绝湖北人。今天,江西九江拒绝湖北人入内,在湖北黄梅小池桥头设置封锁线,结果两地警察发生冲突,引来了很多人的聚集。
晚上十一点多,天又下起了雨,连续下了好几个小时。睡觉的时候,风吹得窗户晃荡地响,时而传来工地上的木板、钢条、铝片被吹倒的撞击声。
想到那些无法以自己的方式哀悼逝去的亲朋的人,想到那些在为生计焦虑着的人,想到那些住在桥洞里的人,想到那些和我一样还被困着的武汉人,我久久难以入睡。很多人和此刻的武汉一样在暴风雨的敲击中,在灾难带来的暴风雨后,人们会像那些被吹倒的房屋一样需要重建。

Paano babaguhin ng COVID-19 pandemic ang ekonomiyang pandaigdig? Kinansela ang malaking bilang ng mga foreign trade order. Napilitang isara ang maraming pabrika ng mga damit, mga laruan, elektronika, atbp. Hindi na makababalik sa trabaho ang mga empleyado nila.
Habang lumiliit ang sektor ng pagmamanupaktura, mawawalan ng trabaho ang mga empleyado. Walang masyadong ipon ang maramin tao, ngunit kailangan nilang magbayad ng mortgage o renta. Pagkatapos ng ilang buwan, hindi na nila masusustentuhan ang mga sarili nila. Mula sa mga rural area ang maraming manggagawa sa mga lungsod. Kung hindi nila maipagpatuloy ang mga buhay nila sa mga lungsod, kailangan nilang umuwi sa mga village.
Hindi madaling gawin ang muling pagpapatuloy ng produksyon. Sa kasalukuyan, wala kaming malinaw na gabay sa Wuhan. Wala kaming ideya kung aling mga sektor ang pinapayagang muling ipagpatuloy ang operasyon. Humaharap din sa maraming suliranin ang mga tao mula sa ibang mga rehiyon sa Hubei kung kailangan nilang bumiyahe sa ibang mga lungsod. May nagsabi sa chatroom namin na sinabihan silang magpa-PCR test at magkwarentina sa loob ng 7 araw pagkarating sa Chongqing para sa trabaho. Hindi pa rin pinapayagan ng ilang rehiyon na makapasok sa kanilang mga lugar ang mga taong galing sa lalawigan ng Hubei. Ngayong araw, nagtayo ng blockade sa isang tulay sa lungsod ng Huangmei ang lungsod ng Jiujian sa lalawigan ng Jiangxi upang pigilin ang mga taga-Hubei sa pagpasok sa Jiujian. Naglaban sa tulay ang mga pulis mula sa dalawang lalawigan at nagkumpulan sa lugar ang maraming tao.
Nagsimula na namang umulan bandang 11 n.g. Tumagal nang ilang oras ang ulan. Nang matutulog na ako, humihip ang hangin sa mga bintana at gumawa ito ng maraming ingay. Narinig ko rin ang mga kalatong ng mga tablang kahoy, mga bakal, at mga aluminum plate na mula sa malapit na lugar ng konstruksyon.
Hindi ako makatulog at patuloy kong iniisip iyong mga hindi maipagluksa nang malaya ang kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan, iyong mga nag-aalala sa kanilang mga trabaho at ipon, iyong mga walang tirahan na nakatira sa ilalim ng mga tulay, at iyong mga stranded sa Wuhan gaya ko. Nasa kalagitnaan ng bagyo ang maraming tao, tulad ng Wuhan sa sandaling ito. Pagkatapos ng unos, kailangan naming ayusin muli ang mga buhay namin gaya ng mga gusaling ibinagsak ng hangin.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.