Mga diary tungkol sa COVID-19 mula sa Wuhan: ‘…hindi lamang naka-lockdown ang isang lungsod, kundi pati na rin ang aming mga boses’

Mga taong nakapila sa isang botika sa Wuhan. (Larawang kuha ni Guo Jing.)

Ang Wuhan, China, bilang epicenter at pinagmulan ng COVID-19, ay ni-lock down ng pamahalaan ng Tsina mula pa noong ika-23 ng Enero, 2020. May 11 milyong katao ang lungsod at habang may biglang paglitaw ng COVID-19, nakwarentina ang halos 6 milyong katao at umalis sa lungsod noong holiday break ang humigit-kumulang 5 milyon.

Nagsimulang magsulat sa mga diary ang maraming taga-Wuhan habang may lockdown. Gayunpaman, ang mga negatibong paglalarawan ng pang-araw-araw na pamumuhay sa Wuhan ay madalas na sumasailalim sa pagsensura sa Weibo, ang tanyag na plataporma ng social media sa Tsina. Sa WeChat, isa pang tanyag na plataporma ng social media, karaniwang sa mga magkakaibigan lamang kumakalat ang mga diary.

Gayunpaman, nagbahagi ng kanilang mga diary sa Matter News sina Ai Xiaoming, isang malayang filmmaker at peministang iskolar, at ang peministang aktibista na si Guo Jing. Malinaw na salamin ang mga diary ng mga damdamin ng mga karaniwang tao sa panahon ng biglaang lockdown.

Inilarawan bilang “panalo” o “tagumpay” ng mga awtoridad ng Tsina at ng World Health Organization ang pagkontrol ng Tsina sa pandemya, ngunit hindi dapat ipagsawalang-bahala ang buhay ng mga ordinaryong tao sa ilalim ng top-down na pagkontrol at mga hakbang sa pagsubaybay—kung paano inalis ang pansariling pagkakakilanlan ng mga tao, tulad ng inilarawan ni Guo Jing sa kaniyang diary.

Magmula noong ika-8 ng Disyembre na unang tala ng kaso, iginiit ng mga awtoridad ng Tsina na kontrolado ang pagsiklab ng epidemya. Noong ika-20 ng Enero, inamin nito na may human-to-human transmission ng virus. Ipinahayag ng mga diary nina Ai at Guo kung paano itinago sa mga residente ng Wuhan ang katotohanan at hindi sila handa nang iprinoklama ng pamahalaan ang lockdown ng lungsod.

Ilalathala ng Global Voices ang mga diary nina Ai at Guo mula sa Wuhan sa isang serye. Ang mga sumusunod na pahayag ay isinulat sa unang linggo ng lockdown mula ika-23 hanggang ika-28 ng Enero, 2020.

Guo Jing: ika-23 ng Enero, 2020

我算是一个遇事冷静和淡定的人,直到1月20日武汉新增病例过百,别的省市出现病例,我开始感到不知所措。此前公布的消息显然存在瞒报的情况。也是从那天起,武汉街头戴口罩的人突增,好多药店的医用口罩都卖光了,还有很多人在买防治感冒的药。

这几天我一直处于焦虑中,从各地更新的消息来看,大部分确诊的都是在15日前过武汉的。武汉是全球大学生人数最多的城市,而1月中旬是大学放假的时间。现在又正值春运,车站人流量必然很大。然而,武汉火车站也并没有严格的监管。我春节本来就不回家,留在原地是最安全的。今天一早醒来看到封城的消息就不知所措,无法预料这意味着什么,会封多久,要做什么准备。

朋友们让我赶快囤点东西,我本不想出门,看到X了吗还在接单就先下了单,但又担心外卖也随时会停。我也抱着看看外面的情况的心情出了门,外面基本上都是中老年人,年轻人比较少。到了附近的超市,很多人都在排队结帐,米面这些保命的食物已经所剩无几啦,慌乱之中我随便拿了一些。有个男的卖了很多盐,有人说你买那么多盐干啥,他说万一封个一年呢.

屯完食物后,我依然处于震惊中。今天路上的车辆和行人越来越少,一个城市就这样一下子停了下来。它什么时候再活过来?

Isa akong kalmadong tao, pero nagsimula akong makaramdam ng pagkataranta noong ika-20 ng Ene. nang may mahigit 100 kumpirmadong kaso kami sa Wuhan, at nang patuloy na lumilitaw ang mga kumpirmadong kaso sa ibang mga lungsod at probinsya. Malinaw na pinagtakpan sa mga nakaraang balita ang pagkalat ng nakahahawang sakit na ito. Kapansin-pansing tumaas magmula noong araw na iyon ang bilang ng mga taong nagsusuot ng mga face mask, at ubos na ang mga medical mask. Bumibili rin ng mga gamot sa sipon ang marami.

Ilang araw akong balisa. Ayon sa update, bumisita sa Wuhan bago mag-Enero 15 ang karamihan sa mga kumpirmadong kaso sa ibang mga lugar. Ang Wuhan ay ang lungsod na may pinakamalaking bilang ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa mundo, at nag-umpisa noong kalagitnaan ng Ene. ang bakasyon sa unibersidad. Kamakailan, umuuwi para sa Bagong Taong Tsino ang maraming tao, kaya maraming tao sa mga istasyon ng tren. Gayunpaman, hindi maingat na nabantayan ang istasyon ng tren sa Wuhan. Hindi ko plinanong umuwi sa Bagong Taong Tsino. Pinakaligtas na manatili kung nasaan ako. Nitong umaga, nakita ko ang anunsyo ng pag-lockdown ng lungsod, at nakaramdam ako ng pagkataranta. Hindi ko alam ang implikasyon ng ganoong lockdown at kung gaano katagal ang lockdown na ito, at hindi ko alam kung ano ang dapat kong paghandaan.

Sinabihan ako ng mga kaibigan ko na mag-imbak ng ilang pangangailangan. Noong una, hindi ko ginustong lumabas, kaya umorder ako online. Gayunpaman, nag-alala ako na ihihinto sa anumang sandali ang mga delivery service na ito. Ginusto ko ring makita kung ano ang nangyari sa labas, kaya lumabas ako. Nasa katanghaliang-gulang o higit pa ang karamihan sa mga tao sa labas, at may kaunting kabataan. Nang nagpunta ako sa malapit na supermarket, nakita ko na nakapila ang maraming tao sa mga cash register. Wala nang masyadong natirang pagkaing pang-survival, gaya ng bigas at noodles. Nagulat ako, at agad akong kumuha ng ilan. Bumili ng maraming asin ang isang lalaki. May nagtanong sa kaniya kung para saan ang ganyan karaming asin. Ang sabi niya ay kung sakaling tumagal ng isang taon ang lockdown.

Pagkatapos kong bumili ng pagkain, nabibigla pa rin ako. Paunti nang paunti ang mga sasakyan at mga naglalakad sa kalsada. Biglang nag-shutdown ang isang lungsod. Kailan ito mabubuhay muli?

Ai Xiaoming: ika-24 ng Enero, 2020

今夜除夕,武汉空前冷寂。这本是团年的日子,无数家庭的年夜饭取消了。昨天看到封城的照片,一边是铁面军人和武警,一边是无奈的旅客。画外音是武汉口音,说:看啊,汉口站,百年以来第一次关闭了。听得人不禁心头一紧,仿佛历史在此敲了一个响点。

我住在江夏区,离汉口站大约四十公里…我能想象到年前无法返乡的旅客内心的焦虑,他们怎么办呢?政府一夜之间决定封城,他们去哪里居住,怎么过年?

我觉得那些握有权力的人有种好消息综合症,就是无论如何,不管真实与否,只听好消息,没有也要编一个。你要说那不是真的,他能跟你拼命。

你们知道我说的是什么,那只小小的蝙蝠,汤菜卤煮,照片视频到处在传;但是房间里的大象,悠游晃荡,那是不能说破的魔障。

Bisperas ng Bagong Taong Tsino ito. Ngayon lang naging ganito katahimik ang Wuhan. Ngayon dapat ang araw na maaaring magkasama ang mga pamilya. Nakansela ang maraming pagtitipon ng mga pamilya sa hapag-kainan. Nakita ko ang mga larawan ng lungsod na ni-lock down kahapon. Nakatayo sa isang banda ang mga tauhan ng militar at mga pulis, at nakatayo sa kabila ang mga dismayadong manlalakbay. Sa labas ng kamera, sabi ng isa sa accent ng Wuhan, “Tingnan mo ito, ni-lock down ang istasyon ng Hankou sa unang pagkakataon sa loob ng daan-daang taon.” May biglang kumirot sa puso ko, tila tumunog ang kampana ng makasaysayang sandali.

Nakatira ako sa distrito ng Jiangxia, at ito ay halos 40 kilometro ang layo mula sa istasyon ng Hankou… naiisip ko ang pagkabalisa ng mga manlalakbay na pinagbawalang umuwi bago ang Bagong Taong Tsino. Ano ang dapat nilang gawin? Ni-lock down sa loob ng isang gabi ng pamahalaan ang lungsod. Saan sila makahahanap ng lugar na matutuluyan? Ano ang magagawa nila sa Bagong Taong Tsino na ito?

Sa tingin ko ay may “good-news syndrome” iyong mga makapangyarihang tao: kahit anong mangyari, gusto lamang nilang marinig ang magandang balita, at wala silang pakialam kung ang magandang balita ay totoo o peke. Kung wala, gagawa sila nito. Kapag sinabi mong hindi ito totoo, lalaban sila hanggang kamatayan para rito.

Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. Iyong maliit na paniki, iyong bat soup. Kumalat ang mga larawan at bidyo nito. Gayunpaman, patuloy na kumakalat ang mga pekeng magandang balita. Iyan ang kasamaan na walang sinuman ang nangahas na ituro.

Sa pagsisimula ng lockdown sa Wuhan, agad na nag-viral ang isang bidyo sa social media ng Tsina. Iminungkahi ng malaking bilang ng mga media outlet sa Tsina na naging sanhi ng problema ang mga Tsinong kumakain ng paniki. Gayunpaman, hindi kailanman naging pagkain sa Wuhan ang paniki. Kinalaunan, ibinunyag na sa isang isla ng Pasipiko kinuha ang bidyo.

Ang viral na larawan ng bat soup na nakuha mula sa isang viral na bidyo na nagpapahiwatig na ang epidemya ay dapat isisi sa mga Tsinong kumakain ng paniki.

Guo Jing : ika-24 ng Enero, 2020

世界安静得可怕。

我是独居,偶尔听到楼道里的声音才能确定还有其他人在。

我有很多时间思考我怎么活着下。我没有任何体制内的资源和人脉,如果我生病,必然跟很多普通人一样无法得到救治。因此,我的目标之一是尽量不让自己生病,我要坚持锻炼。

目前,政府没有说要封城多久,也没有告诉我们封城后怎么保证城市的运转。而有人根据目前干扰的人数预测过可能封城到5月。

这场战争里,大多个体都只能靠自己,没有体制的保障。我相对年轻,很难想象那些独居老人、残障人士等更弱势的个体要怎么打赢这场仗。

Soba-sobrang tahimik ng mundo.

Namumuhay akong mag-isa. Nararamdaman ko lamang na may iba pang namamalagi sa mundo kasama ko kapag may naririnig akong mga ingay mula sa mga taong nasa sarili kong gusali.

Marami akong ginugol na oras sa pag-iisip kung paano makaka-survive sa epidemya. Wala akong kahit anong kapasidad o social network sa organisadong sistema. Kung ako ay may sakit, magiging gaya ako ng mga hindi makatanggap ng lunas. Samakatuwid, isa sa mga layunin ko ay umiwas sa kahit anong sakit. Dapat patuloy kong palakasiin ang aking katawan.

Hindi eksaktong inanunsyo ng pamahalaan kung gaano katagal ang lockdown, at hindi nila kami sinabihan kung paano patuloy na gagana ang lungsod na ito pagkatapos ng lockdown. Sabi ng ilang tao na maaaring tumagal ang lockdown hanggang Mayo, ayon sa kasalukuyang bilang ng mga kumpirmadong kaso.

Sa giyerang ito, makaaasa lamang sa aming mga sarili ang karamihan sa amin. Wala kaming kahit anong proteksyon mula sa sistema. Medyo bata pa ako. Mahirap isipin kung paanong iyong mga taong may limitasyon, gaya ng mga senior citizen na namumuhay nang mag-isa at iyong mga may kapansanan, ay makaka-survive sa giyerang ito.

Guo Jing: ika-25 ng Enero, 2020

这两天做饭的时候我已经开始控制菜量,每顿炒菜的菜量是平时的一半,希望不要那么快过只吃咸菜的生活。

吃饭的时候跟一些朋友视频,我们无法逃过肺炎的话题,其实各地的人都多多少少受到一些影响。

疑病可能是现在最大的心理障碍。我早上擤鼻涕的时候看到有血丝,着实吓了一跳。丢掉纸巾后对生病的担忧就在脑子里挥之不去。

Sinimulan kong kontrolin ang dami ng mga gulay nang naghanda ako ng mga kakainin nitong dalawang araw. Kumpara sa kung ano nakasanayan kong iluto, nagluluto na lang ako ngayon ng kalahati ng dami ng mga gulay. Sana hindi ko kailangang kumain agad-agad ng mga prineserbang gulay.

Nang kumakain ako, nagkaroon ako ng group video chat kasama ang ilang kaibigan. Hindi namin maiwasan ang paksang pulmonya ng Wuhan. Sa katunayan, halos naimpluwensyahan nito ang mga tao sa buong Tsina.

Ang pinakaseryosong sikolohikal na stress ko ngayon ang posibilidad na ma-infect ako. Nabigla ako nang bumahing ako at nakita kong may dugo sa sipon nitong umaga. Matapos kong itapon ang tisyu, hindi ko mapigilang isipin ang posibilidad na magkasakit ako.

Guo Jing: ika-26 ng Enero, 2020

正在被封锁的不只是一个个城市,还有人们的声音。

我第一天把笔记发微博的时候图片就上传不了,文字也发不出去,我只得把文字转成图片发。昨天,我把文字转成图片也无法在朋友圈发,微博发出来之后明显被限流。1月24日的微博有近5000人转发,而昨天的微博只有45人转发。有一瞬间我还怀疑是不是我写得不好。互联网的审查和限制不是现在才有,可在这个时候却显得更加残忍。很多封城的人被困在家里,大家靠互联网获取信息,保持和家人朋友的联系,让我们不用真的是孤岛。

Dito ay hindi lamang naka-lockdown ang isang lungsod, kundi pati na rin ang aming mga boses.

Hindi ako makapag-upload ng mga larawan nang sinubukan kong i-upload ang diary ko sa Weibo noong unang araw. Hindi rin ako makapagsumite ng teksto. Kailangan kong gawing mga larawan ang teksto para maisumite sila. Kahapon, hindi ko maipadala sa grupo ng mga kaibigan ko ang mga larawang iyon na kinonvert mula sa teksto. Matapos kong maglathala sa Weibo, malinaw na nilimitahan ang bilang ng mga mambabasa. Ipinadala ng halos 5,000 katao sa Weibo noong ika-24 ng Enero ang artikulo ko, pero ang isa ko pang artikulo ay ipinadala ng 45 katao lamang sa Weibo kahapon. Sa isang punto, naisip ko na baka hindi ko siya naisulat nang mabuti. Hindi unang araw ngayon na may Internet monitoring at restriction kami, pero sa sandaling ito, nagiging mas malupit kaysa dati itong mga hakbang. Pinananatili sa bahay ang maraming tao, at kailangan namin ng Internet upang kumalap ng impormasyon at mapanatili ang koneksyon sa aming pamilya at mga kaibigan. Kung hindi, magiging ilang ang isla namin na hiwalay sa mundo.

Wuhanstreet

Sa isang lugar sa Wuhan habang may lockdown. Larawang kuha ni Guo Jing.

Guo Jing: ika-28 ng Enero, 2020

整个城市都被沉重的氛围笼罩着,身处其中,我不自觉地小心翼翼起来,不敢随意去和人沟通。封锁让人们的生活进入原子化的状态,失去和他人的联系。

然而人们并不甘于现状。昨晚八点左右,窗外响起呼喊声,大家一起开窗喊“武汉加油”。这个集体的呐喊是一种自我赋权,人们从中寻找联结,从中获取力量。

Nababalot ng mabigat na atmospera ang buong lungsod. Bilang isang miyembro sa lungsod, hindi ko mapigilang mas lalong maging maingat. Hindi ako nangahas makipag-usap sa iba. Inaalis ng lockdown ang pansariling pagkakakilanlan ng aming mga buhay, pati na ang koneksyon namin sa iba. Gayunpaman, hindi pumapayag ang mga tao na bumigay sa kasalukuyang kalagayan. Kahapon ng bandang 8 ng gabi, may mga taong nagsisigawan sa labas ng bintana ko. Binuksan ng maraming tao ang kanilang mga bintana at sumigaw, “Patuloy na lumakad, Wuhan!” Isang uri ng pagbibigay ng kapangyarihan sa sarili ang gawaing ito. Sinusubukan ng mga tao na makahanap ng koneksyon sa iba, at sinusubukan ng mga tao na makahanap ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsigaw nang magkakasama.

Mula pa noong ika-27 ng Enero, sumisigaw ang mga residente ng Wuhan ng “Wuhan, add oil!” bandang 8 ng gabi. [Note: Ang “add oil” ay isang ekspresyon mula Hong Kong kung saan nagpapahayag ito ng pagsuporta sa isang tao.] May katulad na gawi na naganap sa mga protesta laban sa extradition sa Hong Kong noong nakaraang taon nang sumigaw ang mga tagasuporta ng protesta ng “Hong Kong, add oil!” tuwing 10 ng gabi.

Sa ibaba ay isang bidyo ng South China Morning Post tungkol sa “pagsigaw” ng mga residente ng Wuhan sa gabi:

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.