Mga kwento tungkol sa Myanmar (Burma)
Mga ilustrador ng Myanmar, nagkaisa upang ipamahagi nang libre ang sining ng pagpoprotesta
"Gaya ng ibang mamamayan ng Myanmar, nais ng mga ilustrador na mag-ambag sa pambansang pakikibaka... Makatutulong [kami] sa ibang nagpoprotesta sa pamamagitan ng mga likhang sining namin..."
Kabataang Refugee sa Myanmar Nagbahagi ng Kuwento Gamit ang Sining Biswal
Batay sa serye ng mga workshop ng kabataang refugee mula sa Burma, binabalak ng Amerikanong awtor na si Erika Berg na maglimbag ng librong kalipunan ng mga likhang sining ng kabataang dumalo sa kaniyang mga seminar.
Myanmar: Pagpoprotesta sa Kakapusan ng Koryente, Lumaganap
Dahil sa paulit-ulit at matagalang brownout sa ilang mga bayan sa Myanmar, mapayapang idinaos ng taumbayan ang mga kilos-protesta sa iba't ibang bahagi ng bansa. Dinakip at idinitine ang ilan sa mga lumahok sa pagtitipon, ngunit hindi pa rin nagpapigil ang mga residente at mga konsumer sa kanilang nararamdamang galit tungkol sa matinding kakapusan ng koryente. Humihingi sila ng paliwanag mula sa gobyerno kung bakit patuloy itong nagluluwas ng supply ng koryente sa Tsina sa kabila ng kakulangan ng elektrisidad sa loob ng bansa.
Myanmar: Pagbabalik-Tanaw sa Naging Resulta ng Halalan
Nagdiwang sa lansangan ang mga botante ng Myanmar habang sa Facebook ipinakita ng mga netizen ang kanilang tuwa sa ginanap na by-election na nagresulta sa isang landslide na pagkapanalo ng oposisyon. Nagbunyi ang buong mundo sa naging tagumpay ng simbolo ng demokrasya na si Aung San Suu Kyi, ngunit para sa maraming kabataang botante ng Myanmar isa pang dahilan ng pagdiriwang ay ang pagkapanalo ng isa sa mga nagpasimula ng hip-hop music sa bansa.