Nagdiwang sa lansangan ang maraming botante ng Myanmar habang ipinakita ng mga netizen sa Facebook ang kanilang tuwa sa ginanap na by-election [en] na nagresulta sa isang landslide na pagkapanalo ng oposisyon.
Ayon sa resulta ng dinaos na halalan [my], 43 sa 45 na puwesto sa parliyamentaryo ang nasungkit ng partido ng oposisyon na National League for Democracy (NLD), kung saan kabilang ang kanilang lider at kilalang simbolo ng demokrasya na si Aung San Suu Kyi. Kahit na kaunti lamang ang bilang ng kanilang napanalunang puwesto kumpara sa kabuuang 600 upuan sa parliyamentaryo, naniniwala ang mga mamamayan ng Myanmar na ang tagumpay ng mga kandidato ng oposisyon ay bahagi ng pagbabago tungo sa demokrasya.
Sa Facebook, ikinatuwa [patay na link] ni Wai Soe na totoo ang mga komento tungkol sa halalan at hindi pang-April Fool's Day:
Today very happy coz all I've seen today facebook page are not april fool ………… :) :) :) ♥ ♥ ♥ ,,, smiling on every face
Inilabas naman ni Su Myat Lwin [en] ang kanyang tuwa sa isang maikling kataga:
We win!
Marahil tinutukoy ng “tayo” ang higit sa 50 milyong katao ng Myanmar.
Natutuwa ang mga botanteng lumahok sa nagdaang halalan noong 1990 kung saan nagwagi ng NLD na naging matagumpay ulit ang partido ni Aung San Suu Kyi sa taong ito. Ngunit para sa mga kabataang botante, lalo na ang mga bumoto sa unang pagkakataon, ipinagmamalaki nila si Zay Yar Thaw, isa sa apat na nagsimula ng Hip-Hop music sa Myanmar, na nakasungkit ng puwesto para sa NLD. Inilagay [my] ni Yan Yan Chan, isang rapper mula sa grupong ACID, ang litrato ng kanyang kaibigan na kinunan ni Linn Yaung [my].
Ibinalita naman ni Thanthar Win [en], isang kilalang mang-aawit, ang mga kaganapan at selebrasyon sa mismong kalye kung saan matatagpuan ang Punong-Tanggapan ng NLD:
just got back home..People are celebrating in front of NLD's main office at Shwegone dine. Yayyyy!!!
Sa kabila ng kaliwa't-kanang pagdiriwang ng kanyang mga kababayan, pinaalalahanan ni Aung San Suu Kyi [my] ang kanyang mga kapartido na iwasang gumawa ng mga pagkilos na maaring ikasama ng loob ng ibang mga partido at mga miyembro nito.
Sa kabilang banda, binigyan-diin ng ilang mamamayan na ituring ang tagumpay sa eleksyong ito bilang mahalagang hakbang tungo sa demokrasya at pagpapatibay ng mas maraming reporma sa gobyerno. Nagkomento [patay na link] si Cho Zin Wint sa isang artikulo na nilagay ni Nyein Chan Htwe:
Yes, we all need to understand that it may take quite sometimes to reform.. We shouldn't expect a lot..
Ibinuhos naman ni Myint Mo Oo [en] ang kanyang saloobin at pananaw tungkol sa hinaharap ng bansa:
The day we've been waiting for. Our dream finally coming true. Now it's our duty to be united, uphold discipline and be respectful towards each other so that we can successfully and peacefully build a better future for our country and its people.
Kasabay nito, nag-trend sa Twitter ang mga salitang “Aung San Suu Kyi” dahil sa malaking interes ng ibang bansa sa naging by-elections sa Myanmar. Kinunan ni Tracy Nang ng screen shot [patay na link] ang pandaigdigang Twitter trend kung saan nakasama si Aung San Suu Kyi:
I am shaking. Can't believe still. We tried so many times to trend her name. Today was a fairytale!!!!! Aung San Suu Kyi. Top 7, WORLDWIDE TREND.
Matapos kumpirmahin ng MRTV, ang pangbalitaang ahensya ng gobyerno, ang naging resulta, napalitan ang paksa ng mga netizens sa Myanmar mula sa mga isyung halalan at napag-usapan ang listahan ng TIME ng isang-daang pinakamaimpluwensiyang tao sa taong 2012. Parehong kabilang sa listahan ang pangulo [en] ng Myanmar at ang pangunahing lider ng oposisyon sa bansa [en].
1 Komento
ngayon dapat tama ang mag boto. kong may manalo tapat may tulong sa katawhan.