Mga kwento tungkol sa Migration & Immigration
Mula kamatayan sa Syria hanggang kuwarentina sa Madrid
Dito sa Madrid, ang kalayaan ay ipinagbawal para sa iyong proteksyon, samantalang sa Syria, ang pagkakait ng kalayaan ay dinisenyo upang mamatay ka ng ilang daang libong ulit.
Kabataang Refugee sa Myanmar Nagbahagi ng Kuwento Gamit ang Sining Biswal
Batay sa serye ng mga workshop ng kabataang refugee mula sa Burma, binabalak ng Amerikanong awtor na si Erika Berg na maglimbag ng librong kalipunan ng mga likhang sining ng kabataang dumalo sa kaniyang mga seminar.
Gresya: Partidong Neo-Nazi ‘Golden Dawn’, Nais Paimbestigahan
Sinuportahan ng mga Twitter users mula sa iba't ibang panig ng mundo ang petisyon online para imbestigahan ang mga reklamong kriminal laban sa partidong Golden Dawn sa bansang Greece.
Kilos-Protesta ng mga Anarkistang Griyego sa mga Litrato
Noong Setyembre 1, isinagawa sa gitnang Athens ang isang kilos-protesta. Daan-daang demonstrador, na karamihan ay kasapi ng kilusang anarkiya, ang nagtipon-tipon bilang pagkundena sa marahas na pag-atake laban sa mga dayuhan at mga imigrante.
Bidyo: Kalakaran sa Iba't Ibang Lipunan – Pagsilip sa mga Kakaibang Kaugalian
Hatid ng VJ Movement, sa pakikipagtulungan ng London School of Economics, ang mga bidyo at kwento ng buhay tungkol sa mga lipunan mula sa bawat sulok ng mundo na nasasadlak sa iba't ibang uri ng krisis at kaguluhan. Tampok dito ang kani-kanilang pagpapahalaga sa mas magandang kinabukasan.
Bidyo: Botohan sa Adobe Youth Voices Aspire Awards, Binuksan
Ibinida ng mga kabataan ang kanilang mga gawa sa Adobe Youth Voices Aspire Awards, gamit ang mga kagamitang multimedia na kanilang natutunan. Kabilang sa mga kalahok ng patimpalak ang mga dokyumentaryo, music bidyo, tula, audio, graphic design, salaysay, animasyon, at potograpiya.
Ecuador: Mga Kababaihang Refugee Pinapasok ang Prostitusyon
Inalam ng bidyo dokyumentaryo ang kalagayan ng mga kababaihang mula Colombia na nangibang bayan dahil sa karahasan, at napadpad ngayon sa bansang Ecuador. Dahil sa kawalan ng legal na hanapbuhay doon, karamihan sa mga kababaihan at kanilang mga anak na menor-de-edad ay napipilitang pumasok sa kalakaran ng prostitusyon.