See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Gresya: Partidong Neo-Nazi ‘Golden Dawn’, Nais Paimbestigahan

Mga kasapi ng partidong Golden Dawn na nagpapanggap na mga pulis.

Mga kasapi ng partidong Golden Dawn na nagpapanggap na mga pulis – at biglang inatake ang isang tindahan.

Sinuportahan ng mga Twitter users mula sa iba't ibang panig ng mundo ang petisyon online para imbestigahan ang mga reklamong kriminal laban sa partidong Golden Dawn sa bansang Greece.

Sa bidyong ito [en], na ini-upload ni [en] sa YouTube noong ika-9 ng Setyembre, 2012, makikitang nilusob ng mga taga-suporta ng Golden Dawn Party ang bayan ng Rafina, malapit sa Athens, at hinanapan ng mga papeles at sedula ang mga dayuhang manininda. Pagkatapos, kaagad sumugod ang isa pang grupo, at pinagsisipa ang isang tindahan at winasak ang mga paninda nito. Sinusulong ngayon ng mga Twitter users [en] ang isang malawakang petisyon upang pasimulan ang imbestigasyon sa pagkakasalang kriminal [en] ng partidong Golden Dawn. Maaaring kang lumagda sa nasabing petisyon sa website na ito [en].

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.