Mga kwento tungkol sa Breaking News

Senegal: 18 Nasawi Matapos ang Matinding Pagbaha

Dahil sa matinding pag-ulan noong Agosto 26, 2012, nakaranas ng malawakang pagbaha ang maraming rehiyon sa bansang Senegal. Hindi bababa sa 18 ang bilang ng mga nasawi at 42 ang sugatan. Nagpaabot naman ang pamahalaan ng Senegal ng paunang tulong sa mga sinalanta, sa pangunguna ng grupong Pranses na Orsec. Sa kabila nito, marami ang naniniwalang hindi naging agaran ang pag-aksyon ng pamahalaan, dahilan upang magsagawa ng isang kilos-protesta sa siyudad ng Dakar.

28 Oktubre 2012

Pilipinas: Kalakhang Maynila at Karatig-Lalawigan, Lubog sa Baha

Dahil sa malalakas at tuloy-tuloy na pag-ulan, nakaranas ng matinding pagbaha ang maraming bahagi ng Kalakhang Maynila at mga karatig-lalawigan sa Luzon. Nilikom ng taga-Maynilang si Mong Palatino, patnugot ng Global Voices, ang mga litratong mula sa social media na naglalarawan ng kabuuang lawak ng delubyo sa kabisera ng bansa.

7 Agosto 2012

Ehipto: Mubarak, Habambuhay na Mabibilanggo

Sinubaybayan ng buong mundo ang paglilitis sa dating pangulo ng bansang Egypt na si Hosni Mubarak at kanyang Ministro ng Interyor na si Habib Al Adly, na parehong hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa pagkamatay ng mga demonstrador noong 2011. Sabay na napanood ng mga mamamayan sa kani-kanilang telebisyon ang sesyon sa hukuman. Samu't saring opinyon ang kanilang ipinahayag sa internet.

4 Hunyo 2012

Pransiya: Mga Litrato ng Reaksyon Matapos ang Halalan sa Pagkapangulo

Agad nabigyang kasagutan ang ginanap na halalan sa pagkapangulo ng bansang Pransiya noong ika-6 ng Mayo 2012. Nakakuha si Francois Hollande ng 51.90% ng kabuuang boto, samantalang 48.10% naman ang napunta sa kasalukuyang Pangulo na si Nicolas Sarkozy. Bakas sa mga litrato online ang bawat kaligayahan at panghihinayang ng magkabilang kampo matapos ilabas ang resulta.

8 Mayo 2012