Senegal: 18 Nasawi Matapos ang Matinding Pagbaha

[Lahat ng link dito ay nasa wikang Pranses maliban na lamang kung may nakasaad.]

Maladelubyong pagbaha ang naranasan ng malaking bahagi ng bansang Senegal noong Agosto 26, 2012, kung saan hindi bababa sa 18 ang nasawi at 42 ang sugatan. Agad namang naglunsad ang pamahalaan ng Senegal ng malawakang operasyon upang matulungan ang mga sinalanta ng pagbaha sa pangunguna ng grupong Pranses na Orsec [en]. Nagbahagi naman ng kani-kanilang mga karanasan at mga litrato ang mga internet users doon upang ilarawan ang pagbaha sa kanilang lugar.

Sa mga social network nagbahagi ng mga larawan at bidyo ang mga netizen. Sa YouTube ibinalita ng blogger na si Basil Niane ang mga kaganapan sa lungsod ng Dakar na apektado ng baha. Sa susunod na bidyo inilarawan niya ang sitwasyon sa distrito ng Grand Yoff:

Ibinalita naman ng blogger na si Diopweb ang mga pangyayari sa mga distrito ng Dalifort at Mariste:

Samantala inipon naman ni Anna Gueye sa kanyang blog ang mga kamangha-manghang litrato mula sa Twitter. Sinalaysay naman ni Claude André Coly ang mga paghihirap ng mga residente doon:

Au niveau de la ville où des sources renseignent que la quantité de pluie recueillie la nuit du dimanche avoisinerait les 140 mm, les sinistrés se comptent par milliers. Les quartiers de Sourah, Keur Niang, Darou Miname, Gare Bou­ndaw, Ndame et Darou khoudoss sont les plus touchés. Même la grande mosquée n’est pas épargnée, avec l’eau qui est rentrée dans le bâtiment, occasionnant ainsi des dégâts.

Sa lungsod, kung saan sinasabing umabot ng 140mm ang dami ng ulan na bumuhos noong araw ng Linggo, at libu-libo ang apektado. Ang mga distrito ng Sourah, Keur Niang, Darou Miname, Gare Boundaw, Ndame at Darou Khoudoss ang nagtamo ng pinakamalaking pinsala. Damay pati ang moske, pinasok ng tubig ang gusali at winasak ang mga kagamitan.

Pagbaha sa Dalifort. Litratong kuha ni Diopweb

Dagdag pa niya:

Un atelier de menuiserie sis à khaïra a été complètement détruit par un court-circuit électrique. Un poulailler au marché Ocass qui contenait 800 poulets a aussi été emporté par les eaux [..] Dans la commune de Mbacké également, les quartiers Pallène, Gawane, Route de kaël et Escale sont sous les eaux. De même que Taïf qui a reçu 149,6 mm d’eau de pluie.

Gawa ng short circuit, nawasak ang mga kagamitan sa isang paggawaan sa Khaira. Tinangay naman ng tubig ang 800 manok ng isang manukan sa Ocass [..] Samantala sa siyudad ng Mbacké, lubog sa baha ang mga distrito ng Pallène, Gawane, Route de Kaël at Escale, pati na ang Taif, kung saan bumuhos ang ulang umabot sa 149.6mm.

Ibinalita naman ng mga internet user ang lawak ng pinsala sa Twitter:

Mga sasakyan, lumulutang sa tubig-baha sa #OuestFoire #kebetu http://t.co/riNBDjMH

@diopweb: Lawa sa Mariste, umapaw http://t.co/NaqkSL3D #Inondation26Aout #Dakar #Kebetu #Senegal

Dulot ng matinding pinsala, nagdesisyon si Pangulong Sall na umuwi ng bansa mula sa kanyang opisyal na pagbisita sa Timog Aprika. Nagwelga naman sa Dakar ang ilang mamamayan dahil anila, naging matagal ang usad ng tulong na ipinapaabot ng gobyerno. ‘Di umano gumamit pa ang mga otoridad ng tear gas upang buwagin ang mga nagpoprotesta. Ipinaliwanag naman ni Malickou Ndiaye kung bakit ganoon na lamang ang galit ng mga tao:

Des maisons détruites, des pans de murs démolis, l’hôpital philipe Maguilène Senghor de Yoff inondé, d’où l’évacuation des malades, des routes coupées ;ça pataugeait partout . De Yoff en passant par Grand-Yoff, Parcelles assainies, Khar Yalla, le spectacle n’était pas beau à voir. Une situation indescriptible qui a poussé les populations à sortir dans la rue, pour montrer leur amertume. Les populations ont brûlé des pneus, car, disent-elles, les autorités n’ont jamais fait le moindre effort pour faire évacuer les eaux.

Nawasak ang mga tahanan, tuluyang nagiba ang mga pader, binaha ang Philipe Maguilène Senghor de Yoff Hospital, inilipat ang mga maysakit, hindi naman madaanan ang mga kalsada, maraming tao ang lumusong sa baha. Sa pagbiyahe mula Yoff patungong Grand-Yoff, hindi maipinta ang pagkawasak sa mga distrito ng Parcelles Assainies at Khar Yalla. Ito ang dahilan ng matinding galit ng mga residente dito. Sinunog nila ang mga gulong ng mga sasakyan, dahil ayon sa kanila, walang ginawa ang mga otoridad upang humupa ang tubig-baha.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.