See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa, pamumunuan ng isang babae ang isang pampublikong unibersidad sa Mozambique

Si Emília Nhalevilo, dekano ng Púnguè University. Ang larawan ay mula kay Emília Nhalevilo, ginamit ng may pahintulot.

Noong  Marso 2019, ang propesor mula Mozambique na si Emília Nhalevilo ay naihalal bilang dekano ng bagong tatag na Púnguè University, na siya ding naghirang sa kanya bilang kauna-unahang babaae na magsisilbi bilang pinuno ng isang pampublikong unibersidad sa isang bayan sa Aprika.

Ang nominasyon ay nagmula kay Presidente Filipe Nyusi, ngunit ang desisyon patungkol sa bagong tatag na mga unibersidad ay inanunsyo ng Kagawaran ng mga Ministro noong Enero 29. Si Nhalevilo ay mananatili sa kanyang posisyon, ayon sa nasasaad, sa loob ng apat na taon.

Ipinanganak sa Nampula, isang lalawigan sa Mozambique na may pinakamataas na populasyon, si Nhalevilo ay may doctorate at master's degree sa edukasyon mula sa University of Perth, sa Australia, at may bachelor's degree sa edukasyon ng agham mula sa Pedagogical University (UP).

Mula  2005 hanggang 2007, siya ay nagtrabaho bilang Propesor sa Curtin University of Technology, sa Australia. Noong 2008, si Nhalevilo ay naging pinuno ng departamento ng kimika sa UP, at pagkatapos ay naging kinatawan ng opisina ng Center for Mozambican Studies and Ethnoscience, isang sentro ng pagsasaliksik sa nasabing institusyon.

Noong 2017, siya ay naging kasapi ng Fulbright Visiting Scholar Program ng Steinhardt School of Culture, Education, and Human Development sa Unibersidad ng New York, sa Estados Unidos.

Si Nhalevilo ay naging pangalawang-dekano para sa pagsasaliksik at ekstensyon ng UP mula 2018.

Bilang dekano ng isang pampublikong unibersidad, ang kasakalukuyan niyang posisyon ay katumbas ng isang ministro ng Mozambique.

Ayon kay Eliana Nzualo, isang aktibista at peministang blogger, ang pagkakahirang kay Nhalevilo ay mahalagang pangyayari sa kasaysayan:

UM DIA NA HISTÓRIA

Professora Doutora Emília Nhalevilo é a primeira mulher na liderança de uma Universidade Pública em Moçambique. Parabéns à Magnífica Reitora!

Por mais mulheres nas Universidades,
Por mais mulheres na liderança!

ISANG MAKASAYSAYANG ARAW

Si Propesor Emília Nhalevilo ang kauna-unahang babae na naging pinuno ng Unibersidad ng Mozambique.

Ang aming pagbati sa Kahanga-hangang Rektor!

Para sa mas marami pang kababaihan sa mga Unibersidad,
Para sa mas marami pang babaeng pinuno!

Sa Mozambique, ang mga kababaihan ay patuloy na humaharap sa mga pagsubok sa pagkuha ng mga posisyon bilang pinuno at tagapamahala. Ngunit may mga kaaya-ayang pagbabago, sa kasalukuyang parliamento, halimbawa, ang presidente ng asembliya at ang mga pinuno ng pinakamalaking partido sa pulitiko ay mga kababaihan.

Subalit ang hindi pagkakapantay-pantay base sa kasarian ay nananatili sa bansang ito sa Timog na bahagi ng Aprika.

Ayon sa 2016 Africa Human Development Report, ng UNDP na may pamagat na “Pagsusulong sa Pagkakapantay-pantay Ng Kasarian at Pagpapalawig ng Kapangyarihan ng mga Kababaihan sa Aprika,” naisiwalat na ang mga kababaihan at batang babae sa Mozambique ay patuloy na nakakaranas ng hindi pagkakapantay-pantay tulad ng mas maliit na puwang sa hustisya, edukasyon, at kalusugan, at paulit-ulit na mga kaso ng karahasan.

Noong 2018, mayroong 25,356 na mga kaso ng karahasan sa tahanan sa Mozambique, 12,500 sa mga ito ay laban sa mga kababaihan at 9,000 ang laban sa mga bata.

Ang Mozambique ay lumalabas na pang-sampu sa buong mundo sa mga kaso ng child marriages o kasalang bata, ayon sa ulat ng UNICEF report noong 2015.

Ayon sa organisasyon, ang depinisyon ng isang “child marriage” ay isang kasalan kung saan ang isa sa kasapi ay wala pang 18 taong gulang.

Sa kalagitnaan ng 2018, ang pilotong si Admira António ay naging kauna-unahang babae na namuno sa isang biyaheng panghimpapawid sa Mozambique, samantalang noong Disyembre 2018, isang biyaheng panghimpapawid na pinangasiwaan ng isang grupo na puro kababaihan ang pumalaot sa kalangitan sa unang pagkakataon.

Noong 2014, noong ang Pulisya ng Republika ng Mozambique ay 39 taon na, si Arsenia Massingue ay tinanghal bilang unang babaeng heneral ng korporasyon.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.