Mga kwento tungkol sa Photography
Hijras, ‘Ikatlong Kasarian’ ng Bangladesh, Nagdiwang sa Kaunaunahang Parada ng Karangalan
Ang komunidad ng Hijra sa Bangladesh ay nagkamit ng pagkilala bilang hiwalay na kasarian noong nakaraang taon, nakunan ng larawan ang makulay na istilo ng pagdiriwang ng kanilang anibersaryo.
Hong Kong: Reporma sa Edukasyon, Mariing Tinutulan
Ibinahagi ni John Choy ang litratong panorama [en] ng kilos-protestang tinutuligsa ang panukalang reporma sa edukasyon na mas kilala sa tawag na “National Education”. Isinagawa ang protesta noong ika-8 ng...
Pransiya, Yemen: Naglalahong Kababaihan
Sa kanyang Facebook page[fr], inilagay ni Eloïse Lagrenée ang interesanteng larawang kuha ng litratistang si Bushra Almutawakel [en] na taga-Yemen. Sa larawan, ipinapakita ang unti-unting paglaho ng mga kababaihan dahil...
Mali: Ang Ilog Niger sa Mga Larawan
Nilibot ni Boukary Konaté, miyembro ng samahang Global Voices sa bansang Mali, ang mga paaralang rural sakay ng isang tradisyonal na bangkang Malian, bilang bahagi ng isang proyektong literasiya patungkol sa internet. Nagbigay naman ito ng oportunidad sa kanya na malibot ang sariling bansa at ipakita sa ibang tao ang maraming aspeto ng 2,600-milyang haba ng Ilog Niger. Narito ang ilang mga litrato mula sa kakaibang paglalayag.
Puerto Rico: 365 Na Mga Litrato
Pawang sa mga kaibigan lang ibinahagi ni José Rodrigo Madera ang mga litrato sa Facebook, bilang bahagi ng kanyang proyektong "365", hanggang sa mapansin ito ng magasing Revista Cruce at inilathala ang 20 sa mga ito. Narito ang piling larawan mula sa koleksyon ng kanyang magagandang litrato.
Puerto Rico: “Revuelo,” Isang Kaaya-ayang Pagkaligalig
"Revuelo" (Ligalig) ang tawag sa kabigha-bighaning proyektong pangsining at arkitektura sa Pambansang Galeriya sa Lumang San Juan. Ibinahagi ng litratista at arkitektong si Raquel Pérez-Puig dito sa Global Voices ang ilang magagandang litrato ng naturang sining.
Estados Unidos: “Shooting Blind” – Ang Pagtingin Gamit ang Naiibang Mata
Isang pangkat ng mga litratistang may kapansanan sa paningin ang nagtitipon-tipon sa Manhattan, New York kada Martes; sila ang Seeing with Photography Collective. Narito ang ilan sa mga kamangha-manghang larawang kuha ng mga kasapi ng grupo.
Myanmar: Netizens Ipagdiwang ang Kaarawan Ni Aung San Suu Kyi
Gamit ang internet, ipinadala ng mga netizen ng Myanmar ang kanilang pagbati sa kaarawan ni Aung San Suu Kyi, ang lider ng oposisyon, na kasalukuyang bumisita sa Europa sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang dekada. Ipinagtaka ng mga netizen kung bakit hindi ibinalita ng midya na kontrolado ng gobyerno ang talumpati ni Suu Kyi sa kanyang Nobel Peace Prize lecture doon.