Kumuha ng isang litrato kada araw sa loob ng dalawang taon ang litratistang si José Rodrigo Madera [es], bilang bahagi ng kanyang proyektong “365.” Tanging mga kaibigan lamang ang nakakakita sa kanyang mga larawan sa Facebook, hanggang sa mapansin ng magasin na Revista Cruce [es] ang kanyang mga gawa at inilathala ang 20 sa mga ito para masilayan ng lahat.
Inilalarawan ni José Rodrigo Madera ang sarili bilang:
…fotógrafo de profesión y nunca estudió Artes. Estudió Comunicaciones en la Universidad Interamericana y quiere enseñar fotografía. Cree en el matrimonio y se considera de izquierda. Dedica todo su trabajo al hombre de su vida, Emil Alejandro, y a la mujer de su vida, Penelope.
Narito ang piling larawan mula sa koleksyon ng kanyang magagandang litrato.*
*Lahat ng litrato ay inilathala dito nang may permiso mula sa litratista at sa Revista Cruce. Ang mga titik ng bawat larawan ay isinalin.