Ang ulat na ito ay bahagi ng aming espesyal na pagtalakay sa Protesta sa Syria 2011/12.
Nagsilbing inspirasyon para sa maraming manunulat, pintor, direktor, litratista, at mga alagad ng sining ang rebolusyon sa bansang Syria. Pinukaw nito ang kaisipan at minulat nito ang diwa ng mga malikhaing taga-Syria, na kaagad nagpahayag ng kanilang likhang-sining sa pamamgitan ng internet.
Nagbunga ito ng mga samu't saring litrato, larawan, awit, at tula, na hindi lamang patungkol sa pagdurusa at kahirapan sa Syria, kundi pati na rin ang mga pangarap at pagpupunyagi tungo sa isang malaya at demokratikong bayan.
Si Wissam Al Jazayri ay isang binatang graphic designer sa Syria, na nakilala dahil sa kanyang blog [en] at Facebook page [ar] na nagsusulong sa diwa ng rebolusyon.
Ito ang kanyang naging sagot sa panayam ng Global Voices:
I decided to work for the revolution, following the storming of Al Omari Mosque in Daraa in April 2011. I tried to resort to Metaphysics to express my ideas, in order to reach the unconscious mind rather than the traditional and ordinary political design.
Nagsimula akong tumulong sa rebolusyon matapos ang sagupaan sa Moske Al Omari sa bayan ng Daraa noong Abril 2011. Sa halip na gumamit ng tradisyonal na pamamaraang pampulitika, Metapisika ang aking naging instrumento upang maipahayag ang mga ideya, nang mapukaw ang mga nakatagong kaisipan.
Hindi naging madali para kay Wissam ang buhay aktibista. Nakatanggap na siya ng maraming pagbabanta, at pinaghahanap siya ngayon ng kasalukuyang rehimen sa Syria. Sa ngayon siya ay nagtatago sa isang lihim na lugar, at nilisan na rin ng kanyang mga magulang ang bansa para na rin sa kanilang kaligtasan.
Narito ang ilan sa kanyang mga nilikhang disenyo, na matatagpuan sa kanyang Facebook Page [ar] at website [en]. Lahat ng mga inilathala dito ay may kaukulang pahintulot mula sa kanya.
Ang ulat na ito ay bahagi ng aming espesyal na pagtalakay sa Protesta sa Syria 2011/12.