Halos isanlibong Hijras ang lumahok sa kaunaunahang “Hijra Pride” sa Dhaka, Bangladesh noong nakaraang linggo upang ipagdiwang ang unang anibersaryo ng pagkilala sa kanila ng gobyerno bilang isang hiwalay na kasarian. Ang Hijra ay pambabaeng kasarian na inaakong pagkakakilanlan ng mga taong ipinanganak na lalake o intersex, mas kilala ito bilang transgender sa Kanluran.
Matagal na nakaranas ng diskriminasyon ang halos 10,000 Hijras ng Bangladesh. Sa kaunaunahang Parada ng Karangalang ito, ang mga kalahok na nakagayak ng makukulay na damit ay kumanta at sumayaw sa mga lansangan habang bitbit ang bandila at banderitas ng Bangladesh na nagpahayag na: “Ang mga araw ng pagdungis, diskriminasyon, at takot ay tapos na.”
Tingnan ang ilang mga kuhang-larawan ng kasiyahan:
Marami rin ang nakisaya sa kanila at nagpahayag ng pagsuporta sa Twitter:
First ever transgender Pride march held in Dhaka being a Muslim majority country. http://t.co/RLms00Lmha #thirdgender #hijra #Bangladesh
— Lenin (@nine_L) November 11, 2014
Hena Festival is the part of Hijra Pride 2014 in Bangladesh. All designers come from Hijra Community. pic.twitter.com/K1LVdZnyoU
— BSWS (@bandhubd) November 9, 2014
Congratulations to the #Hijra community in #Bangladesh. Here's to moving forward! #solidarity #hijrapride pic.twitter.com/ttz1l2iVGN
— Moncho (@projectmoncho) November 11, 2014