Puerto Rico: “Revuelo,” Isang Kaaya-ayang Pagkaligalig

Binalot ng 500 nakahabing saranggola ang buong kalangitan sa tanawing nakapalamuti sa gitnang liwasan sa loob ng Pambansang Galeriya (Galería Nacional) sa Lumang San Juan, ang malakolonyal na bahagi ng San Juan, kabisera ng bansa. Ang “Revuelo” [es] (Ligalig) – ang tawag sa kamangha-manghang likhang sining at arkitektura – ay proyekto ng mga tagapagdisensyo at arkitektong sila Doel Fresse at Vladimir García, na nagwagi sa patimpalak ng Ephemeral Architecture na idinaos ng Institute of Puerto Rican Culture, National Gallery at Gallery Espacio-Temporal. Masisilayan ang “Revuelo” hanggang sa katapusan ng Hulyo 2012.

Ayon sa isang patalastas [es] para sa “Revuelo”:

Revuelo sumerge al espectador sumerge en una experiencia visual, auditiva y táctil que celebra nuestro trópico y la manera en que nos interrelacionamos con este, mientras reafirma nuestra identidad de pueblo.

Nilulukob ng Revuelo ang paningin, pandinig at pandamdam ng manonood sa isang masayang pagdiriwang ng karanasang tropikal at ang ating pagtangkilik sa karanasang ito, habang kinikilala ang sariling kakanyahan bilang lipunan.

Ibinahagi naman ni Raquel Pérez-Puig, arkitekto at litratista, sa pangkat ng Global Voices ang mga kabigha-bighaning larawang nagpapakita sa bawat hakbang ng buong proseso ng pagbuo sa naturang sining. Narito ang isang sulyap, na talaga namang kaaya-aya sa mata!

Ang pagbuo ng "Revuelo".

Ang pagbuo ng "Revuelo".

Ang pagbuo ng "Revuelo".

Ito naman ang bidyong nagdedetalye sa proseso ng pagbuo ng “Revuelo” (mula kay Roberto Rivera Sánchez):

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.