Mga kwento tungkol sa Religion

Mga Bansang Arabo: Mga Salafist, Naging Tampulan ng Biro

  28 Oktubre 2012

Kilala sa kanilang mahahabang balbas, at mga saplot na hanggang talampakan (thobe), naging tampulan ng mga katagang pabiro sa Twitter ang mga Salafists, na naniniwala sa istriktong interpretasyon ng mga kaugaliang Islam. Sa hashtag na #SalafiAwkwardMoments, pinuna ng mga netizen sa Twitter ang mga nakakatawang bagay tungkol sa mga Salafist, habang pinag-uusapan sa mga kanluraning bansa kung ano ang magiging pakikitungo nito sa naturang pangkat.

Mga Bansang Arabo: Pagpaslang sa Embahador ng US sa Benghazi, Kinundena

  13 Setyembre 2012

Ikinagalit ng mga Arabong netizens ang duwag na pag-atake sa Konsulado ng Estados Unidos sa Benghazi, Libya. Apat na dayuhang Amerikano, kabilang na ang Embahador na si Christopher Stevens, ang pinatay nang pinapaputukan sila ng mga militante ng isang missile, habang inililikas ang dayuhang grupo sa mas ligtas na lugar, matapos paligiran ang gusali ng kanilang konsulado.

Mga Bansang Arabo: Naiibang Eid sa Syria, Palestina at Bahrain

  9 Setyembre 2012

Sa iba't ibang panig ng mundo, ginunita ang nakalipas na Eid Al Fitr sa loob ng tatlong araw, na siyang takda ng pagtatapos ng Ramadan - ang isang buwan ng pag-aayuno. Ngunit naging tahimik ang selebrasyon sa mga bansang Syria habang nagluluksa ang buong bayan para sa mga mamamayang nasawi, at sa bansang Bahrain kung saan napaslang ng pulisya ang isang 16-na-taong gulang na binata.

Afghanistan: Mga Batang Babae, Nilason Dahil sa Pagpasok sa Eskwelahan

  16 Hunyo 2012

Bagamat matagal nang napatalsik ang Taliban noong 2001 at malaya nang makakapag-aral ang mga kababaihan sa bansang Afghanistan, patuloy na pinaparusahan ng mga grupong fundamentalist ang mga batang babaeng pumapasok sa mga paaralan. Naibalita kamakailan ang serye ng pag-atake sa mga eskwelahan sa hilagang-silangang lalawigan ng Takhar, kung saan daan-daang kababaihan ang naging biktima ng panglalason.

Tsina: Pagpapatawad sa May Sala sa Masaker sa Tiananmen?

  10 Hunyo 2012

May 180,000 katao ang lumahok sa pagsisindi ng kandila at vigil sa Hong Kong na ginaganap sa ika-4 ng Hunyo taun-taon, bilang paggunita sa serye ng mga protesta sa Liwasan ng Tiananmen noong 1989. Ayon naman sa dating lider ng mga kabataan na si Chai Ling, napatawad na niya ang mga nagkasala sa masaker sa Tiananmen. Agad namang inulan ng samu't saring reaksyon ang kanyang pahayag at sinimulan ang matinding debate.

Indonesia: Bolyum ng Pagdadasal ng mga Moske, Dapat Bang Hinaan?

  5 Hunyo 2012

Ginagamit ng mga moske sa Indonesia limang beses kada araw ang mga loudspeaker upang manawagan sa publiko na magdasal kasabay ng "adzan". Kamakailan, hinimok ng Bise Presidente ng bansa na hinaan ang bolyum ng mga ito nang hindi makadistorbo sa ibang tao. Kasunod na umusbong ang makulay na palitan ng kuru-kuro tungkol sa isyu.

Hong Kong: Lady Gaga Nililigaw ng Landas ang Kabataan, Ayon sa Ilang Evangelist

  5 Mayo 2012

Nililibot ngayon ng sikat na mang-aawit na si Lady Gaga ang iba't ibang bahagi ng Asya para sa kanyang 'Born this Way Ball'. Ngunit sa bisperas ng kanyang unang pagtatanghal sa Hong Kong, sumiklab ang matinding pagtatalo dahil sa pangangampanya ng isang pangkat ng mga evangelist laban sa pagpunta ng naturang artista sa lugar. May ilang Kristiyanong tumututol habang ilan naman ang sumasang-ayon at nagsasabing nalalason ang isipan ng mga kabataan dahil sa kanyang pagbisita sa siyudad.