Often I'm in Manila, or perhaps in Davao a few times in a year, but you can always find me at www.schubertmalbas.net
#itsmorpanindapilipins
Mga bagong posts ni Schubert Malbas
New Caledonia: Pagmimina ng Nickel, Humantong sa Away-Pulitika
Siniyasat ni Claudine WERY ang tensyon sa pulitika [fr] sa bansang New Caledonia sa pagitan ng mga partidong independentist at non-indenpendentist, na nag-ugat sa isyu ng pagmimina ng nickel. Banat...
Japan: Pagsugod ng “1,000 Barkong Instik”, Pinasinungalingan
Mali ang impormasyong nakasulat sa mga pahayagan [jp] tungkol sa Senkaku (Diaoyu) Islands, mga teritoryong pinag-aagawan ng Japan at Tsina. Ayon ito sa ulat ng Gohoo.org [jp], isang website na...
Bahrain: Apat na Katao, Arestado Dahil sa Paggamit ng Twitter
Sa bansang Bahrain, may apat na katao ang inaresto dahil sa maling paggamit ng social media, ayon sa Ministeryo ng Interyor. Ngunit hindi idinetalye sa opisyal na pahayag ng pulisya...
Babala: Hindi Ligtas sa Internet!
Pinapakita sa infographic na ito ang iba't ibang paraan ng pagnanakaw ng mga personal na impormasyon sa internet.
Mga Bansang Arabo: Mga Salafist, Naging Tampulan ng Biro
Kilala sa kanilang mahahabang balbas, at mga saplot na hanggang talampakan (thobe), naging tampulan ng mga katagang pabiro sa Twitter ang mga Salafists, na naniniwala sa istriktong interpretasyon ng mga kaugaliang Islam. Sa hashtag na #SalafiAwkwardMoments, pinuna ng mga netizen sa Twitter ang mga nakakatawang bagay tungkol sa mga Salafist, habang pinag-uusapan sa mga kanluraning bansa kung ano ang magiging pakikitungo nito sa naturang pangkat.
“Kakayahan ng ‘Tayo'”, Ipinagdiwang sa Blog Action Day
Taon-taon nagsasama-sama ang mga bloggers mula sa iba't ibang bahagi ng mundo upang magsulat tungkol sa iisang paksa, sa loob ng isang araw, upang mabasa ito ng milyun-milyong katao. Noong ika-15 Oktubre isinagawa ang Blog Action Day, at nilikom namin ang mga akdang isinulat ng mga blogger na kasapi ng Global Voices.
Japan: Mamamahayag, Hindi Pinayagang Magbalita sa Diet Press Hall
Hinarang sa tanggapan ng Diet Press Hall ang kilalang mamamahayag na si Hajime Shiraishi, mula sa website na Our Planet TV. Hindi nito pinayagan si Shiraishi na makaakyat sa tuktok ng gusali dahil hindi daw ito kabilang sa opisyal na hanay ng Press Club.
Senegal: 18 Nasawi Matapos ang Matinding Pagbaha
Dahil sa matinding pag-ulan noong Agosto 26, 2012, nakaranas ng malawakang pagbaha ang maraming rehiyon sa bansang Senegal. Hindi bababa sa 18 ang bilang ng mga nasawi at 42 ang sugatan. Nagpaabot naman ang pamahalaan ng Senegal ng paunang tulong sa mga sinalanta, sa pangunguna ng grupong Pranses na Orsec. Sa kabila nito, marami ang naniniwalang hindi naging agaran ang pag-aksyon ng pamahalaan, dahilan upang magsagawa ng isang kilos-protesta sa siyudad ng Dakar.
Japan: Biyolin sa Customs ng Frankfurt, Ipinetisyon
Hinarang ng mga opisyales ng customs sa Paliparan ng Frankfurt sa Alemanya ang isang Guarneri biyolin na pagmamay-ari ng musikerong Hapones na si Yuzuko Horigome noong ika-16 ng Agosto, 2012....
Mozambique: Ang Layon ng Isang Musikero
Sa bayan ng Maputo, Mozambique, mapapanood si Ruben Mutekane na kumakanta at tumutugtog ng Ndjerendje, isang instrumentong kanyang inimbento. Mapapanood dito ang maikling bidyong kuha ni Miguel Mangueze (@FotoMangueze).
Pandaigdigang Araw ng mga Rhino
Itinalaga ang ika-22 ng Setyembre, 2012, bilang World Rhino Day. Sa kasalukuyan, tinatayang may 22,000 puting rhino at 4,800 itim na rhino [en] ang natitira sa Aprika. Dahil sa walang...
Indiya, Pakistan: Paghihigpit sa Visa, Pinetisyon
Mahigpit sa pagbibigay ng visa ang mga bansang Indiya at Pakistan para sa mga mamamayang gustong bumisita sa kani-kanilang pamilya sa karatig-bansa. Sa kasalukuyan, may bagong idinagdag na alituntunin o...
Togo: Lansangan sa Lomé, Binaha ng mga Nakapula
Libu-libong kababaihan na nakasuot ng pula ang dumagsa at nagmartsa sa Lomé, kabisera ng Togo, noong ika-20 ng Setyembre upang igiit ang repormang pampulitika. Ibinahagi ng samahang Let's Save Togo...