Mga kwento tungkol sa South Asia

Indiya, Pakistan: Paghihigpit sa Visa, Pinetisyon

  19 Oktubre 2012

Mahigpit sa pagbibigay ng visa ang mga bansang Indiya at Pakistan para sa mga mamamayang gustong bumisita sa kani-kanilang pamilya sa karatig-bansa. Sa kasalukuyan, may bagong idinagdag na alituntunin o protocol para sa pagkuha ng tourist visa sa pagitan ng dalawang bansa sa Timog Asya. Isinusulong ng inisiyatibong ‘Journeys To...

Maldives: Araw ng Kasarinlan, Ipinagdiwang

  6 Oktubre 2012

Ibinahagi ni Buggee sa kanyang blog [en] ang ilang litrato ng makulay na kaganapan sa Liwasan ng Galolhu sa lungsod ng Male, kabisera ng bansa, bilang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, ang ika-47 anibersaryo sa kasaysayan ng bansa.

Indiya: Pananaw ng mga Blogger ngayong 2012, Sinurbey

  4 Oktubre 2012

Tinukoy ni Prasant Naidu sa kanyang itinatag na website [en] ang ilang impormasyon na kanyang nahugot mula sa ginawang Bloggers’ Mindset Survey 2012 na inilunsad ng grupong 20:20 MSL at Blogathon India. Kanyang pinuna ang mga mahahalagang pangyayari sa panahon ngayon, gaya ng “paglipat ng mga tao mula blogs papuntang...

Bangladesh: Vikrampur – Ang Kinukubling Siyudad

  3 Oktubre 2012

Inilahad ng blog na Bangladesh Unlocked ang isa sa mga kinukubling lihim ng Bangladesh – ang mga lumang gusaling itinayo sa Vikrampur noong ika-6 at ika-7 siglo, na matatagpuan sa distrito ng Munshiganj sa kasalukuyan.

Indiya: Dalawang Petsa ng Kaarawan ng Iisang Tao

  19 Hunyo 2012

Malaking porsiyento ng mga taong nakatira sa subkontinenteng Indiyan ay nagdiriwang ng kani-kanilang kaarawan sa dalawang magkaibang petsa bawat taon – ang una ay ang opisyal na petsa, samantalang ang pangalawa ay ang mismong araw ng kapanganakan. Bakit nga ba? Narito ang paliwanag ni Binayak Ghosh [en].

Basahin ang post na ito.

Bangladesh: Ipapagawang ‘Siyudad Panturismo’ ng Taga-Indiya, Kinukwestiyon

  12 Hunyo 2012

Naging pangunahing balita kamakailan ang pamumuhunan ng mga dayuhan sa bansang Bangladesh na nagkakahalaga ng 10 bilyong taka (US$120 milyon), matapos bumisita sa lugar si Subrata Roy Sahara, ang tagapangasiwa ng Sahara India Pariwar, isa sa mga pinakamalalaking negosyanteng grupo mula sa bansang Indiya. Balak ng grupo na magpatayo ng proyektong pabahay na may lawak na 40 kilometro kwadrado at may 50 kilometro ang layo mula sa Dhaka, kabisera ng Bangladesh.

Basahin ang post na ito.

India: Sumali ang Kolkata sa “SlutWalk” Kilusan

  4 Hunyo 2012

Noong ika-24 ng Mayo, 2012, pinasinayaan ng Kolkata ang sariling bersyon ng kilusang SlutWalk, kung saan daan-daang binata at dalaga ang naglakad sa lansangan sa kabila ng matinding sikat ng araw. Sa internet, binigyang kulay ng mga netizen ang buong kaganapan sa pamamagitan ng mga talakayan, litrato at bidyo.

Basahin ang post na ito.

Bidyo: Pagpatay sa Mga Kababaihan at Sanggol sa Sinapupunan sa Indiya at Tsina

  26 Abril 2012

Sa mga bansang Indiya at Tsina, 200 milyong kababaihan ang iniuulat na "nawawala" dahil sa kaugaliang pagpapalaglag ng mga babaeng sanggol sa loob ng sinapupunan, samantalang pinapatay o iniiwan naman ang mga batang babae. Narito ang ilang dokyumentaryo at pag-uulat tungkol sa ganitong uri ng paghamak sa kasarian na kumikitil ng maraming buhay, at tungkol sa mga pagsisikap na bigyang lunas ang suliraning ito.

Basahin ang post na ito.

Isang Araw sa Earth: Pandaigdigang Music Video na Tulong-tulong na Binuo, Ipinalabas

  11 Abril 2012

Ipinalabas ang isang bagong music video bilang paghahanda sa pandaigdigang pagpapalabas ng pelikulang One Day on Earth ["Isang Araw sa Earth"], na gaganapin sa iba't ibang lokasyon kasabay ng Earth Day (ika-22 ng Abril, 2012). Tampok sa music video ang mga musikero, makata, at mananayaw na kuha ng bidyo sa loob ng iisang araw, noong ika-10 ng Oktubre 2010, at malikhaing inedit at niremix ni Cut Chemist.