Mga kwento tungkol sa Women & Gender

Basahin ang post na ito.

Togo: Lansangan sa Lomé, Binaha ng mga Nakapula

  18 Oktubre 2012

Libu-libong kababaihan na nakasuot ng pula ang dumagsa at nagmartsa sa Lomé, kabisera ng Togo, noong ika-20 ng Setyembre upang igiit ang repormang pampulitika. Ibinahagi ng samahang Let's Save Togo ang koleksyon ng mga litrato [fr] mula sa nasabing kaganapan.

Pransiya, Yemen: Naglalahong Kababaihan

Sa kanyang Facebook page[fr], inilagay ni Eloïse Lagrenée ang interesanteng larawang kuha ng litratistang si Bushra Almutawakel [en] na taga-Yemen. Sa larawan, ipinapakita ang unti-unting paglaho ng mga kababaihan dahil sa panggipit ng pundamentalismo at sa pagsusuot ng buong niqab. Umabot sa 1,500 shares ang natanggap ng naturang larawan.

Basahin ang post na ito.

Ehipto: Karapatan ng mga Kababaihan, Isinusulong ng ID Mo, Karapatan Mo

  8 Setyembre 2012

Aabot sa 4 na milyong kababaihan ng bansang Egypt ang walang opisyal na ID, na siyang kailangan upang mabigyan sila ng samu't saring serbisyo publiko at mga karapatang pambatas, panlipunan at pangpinansiyal. Layon ng proyektong "ID Mo, Karapatan Mo" na mabigyan ng ID ang 2 milyong kababaihan at mapalaganap ang kaalaman tungkol sa ganitong usapin at pati na ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay ng kasarian.