Ang sumusunod na post ay ang ikaapat sa serye ng mga diary na isinulat ng malayang filmmaker at peministang iskolar na si Ai Xiaoming at ng peministang aktibista na si Guo Jing. Pareho silang nakatira sa Wuhan sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic. Narito ang mga link sa una, ikalawa, at ikatlong bahagi ng serye.
Isinulat itong ikaapat na yugto mula ika-11 hanggang ika-16 ng Pebrero, 2020. Inilathala sa Matter News ang mga orihinal na diary sa Tsino.
Tunghayan ang special coverage ng Global Voices ukol sa pandaigdigang epekto ng COVID-19.
Guo Jing: ika-11 ng Pebrero, 2020
今天是阴天,早上我本不打算出门,结果看到武汉市新冠状肺炎防控指挥部在半夜发布通知,决定在全市范围内所有住宅小区实行封闭管理。这下我必须出去了。我要确认这是不是真的已经开始落实,以及封闭管理究竟是怎么回事。
小区门口除了保安还有3个人,我出门的时候并没有人阻止我。我去了超市,蔬菜很多,肉基本被抢空,酸奶在半价卖。我到肉柜前的时候刚好称重的工作人员又称了几包肉放过来,我就买了3袋肉。一些零食也被卖光了,我买了一些牛肉干。
这可能是我最后一天出门,我想在外面多待会,就骑着车游荡。
我进小区的时候,他们对我说:“尽量少出门。”我担忧地说:“那买菜怎么办?”
“多买一些。”
“那吃完了也要出去买。”
“可以出”
“你们每天都在这里吗?”
“不会,保安会在,市里检查。”
面子工程总还是会有人力。封锁的不只是病毒,还有人。
回家后,我把3袋肉分成了14份,接下来的两周我都有肉吃。
Maulap ang panahon ngayon. Hindi ko plinanong lumabas nitong umaga. Gayunpaman, may nakita akong isang patalastas na ipinadala kagabi mula sa Wuhan COVID-19 Prevention and Command Center at napagpasyahan nilang magpatupad ng lockup management ng lahat ng mga residential district sa buong lungsod. Pakiramdam ko na dapat akong lumabas upang makita kung nagsimula na ba itong bagong hakbang o hindi, at kung ano ang ibig sabihin ng “lockup management.”
May tatlong tao bukod sa guwardiya sa pasukan ng residential district. Walang pumigil sa akin nang lumabas ako. Nagpunta ako sa supermarket. Maraming gulay, ngunit ubos na ang karamihan sa mga karne. Ibinibenta sa 50 porsyentong diskwento ang yogurt. Nang nagpunta ako sa meat counter, naglagay ng ilang uri ng bagong balot na karne sa mga istante, at bumili ako ng tatlong pakete. Ubos na rin ang ilang miryenda. Bumili ako ng beef jerky.
Dahil inaasahan kong baka ito ang huling araw kong lalabas, gusto kong manatili sa labas hangga't maaari. Sinakyan ko ang bisikleta ko sa palibot ng lungsod. Nang bumalik ako sa pamayanan ko, sinabi nila sa akin, “Mas mainam na huwag masyadong lumabas.” Nag-alala ako at tinanong sila, “Paano kung bibili ng pagkain?”
“Bumili ng mas marami.”
“Kailangan ko pa ring lumabas kapag naubusan ako ng pagkain.”
“Maaari ka pa rin namang lumabas.”
“Narito ka ba araw-araw?”
“Hindi. Narito ang guwardiya araw-araw. Ngayon, may inspeksyon mula sa pamahalaang lungsod.”Hindi lamang nila ikinukulong ang virus, kundi pati na rin ang mga tao.
Pagbalik sa bahay, pinaghiwalay ko ang tatlong pakete ng karne sa 14 maliliit na pakete. Kaya may karne akong kakainin araw-araw sa susunod na dalawang linggo.
Guo Jing: ika-12 ng Pebrero, 2020
风尘之后,有个女权伙伴问我是否了解风尘中的家暴问题,她担心地说“如果女人受到家暴,Jing茶还会不会出警?她能否获得支持?”
在封锁的城市里,一个女人遭受了家暴,一些认为这是家务事的Jing茶这个时候更加不愿意处理这样的案件。
受暴者此时也很难获得社会支持,社工机构也都没有上班。
她想离开家都是困难的,很难有人会收留她,没有交通也很难走远,酒店、旅舍也都没有营业。
Pagkaraan ng lockdown, tinanong ako ng isang kasamahan sa aming women's rights working group kung gaano ko kaalam ang tungkol sa karahasan sa tahanan sa isang lungsod na naka-lockdown. Sinabi niya na may pag-aalala, “Kapag naging biktima ng karahasan sa tahanan ang isang babae at isinumbong ito sa pulisya, iimbestigahan ba ito ng mga pulis? Makatatanggap ba ng suportang kailangan nila ang mga biktima?”
Sa isang lungsod na naka-lockdown, kapag naging biktima ng karahasan sa tahanan ang isang babae, mas mag-aatubiling imbestigahan ito ng mga pulis na madalas isiping isyu ng pamilya at hindi dapat nila pakialaman ang karahasang pantahanan.
Bukod dito, mahirap para sa mga biktima na maghanap ng social support dahil sarado ngayon ang lahat ng mga institusyon ng serbisyong panlipunan. Mahirap din para sa biktima na umalis ng kaniyang bahay dahil malabong makahanap ng isang taong handang magbigay sa kaniya ng pansamantalang tirahan ngayon. Dahil kasalukuyang natigil ang pagpasada ng pampublikong transpotasyon, hindi siya makapupunta sa isang malayong lugar, at sarado ang karamihan sa mga hotel.
Guo Jing: ika-13 ng Pebrero, 2020
早上出门的时候,阳光刚刚透过云层照到地上。我出门的时候,保安没有拦下我,也没有问我,能自由地出门让我感到幸运。昨天有朋友问我现在缺什么,我没有任何思考,脱口而出说“缺自由”。
风尘后,城市的马路上没有了喧嚣,可以听到鸟叫声。有个老人家在一栋楼的侧面打太极,超市开始控制人进入,队伍是从离门口五六米的地方才开始排的,人与人之间隔着一米的距离。
有一个路口摆着桌子,是供社区工作人员用的,桌子上放着体温仪和洗手液,旁边有八九个人,有两个人坐在桌子后面。有个老人家跟两个人说着什么,其中一个戴着社区工作人员专属的红帽子。
过了一会,老人家离开了,我走过去问她怎么回事。她着急地说:“老伴要去医院看病、开药,但他不是肺炎,是脑溢血,要一个月去一次医院,哪晓得出了这个事,都熬了好几天啦。他也走不到医院,社区不给安排车。”
她老伴吃的药有处方药,很难买。前面站着五个穿制服的人,老人家又过去跟他们说自己的情况,穿制服的人说:“这个还是找社区。”老人家无奈地走了。
Nitong umaga nang lumabas ako, nakita ko ang sikat ng araw na tumatagos sa mga ulap at tumatama sa lupa. Nang lumabas ako, hindi ako pinigilan o tinanong ng guwardiya. Pakiramdam ko ay mapalad akong nakalabas ako nang malaya. Kahapon, tinanong ako ng isang kaibigan kung may kulang sa akin ngayon. Kulang ako sa kalayaan.
Mas kaunti ang ingay ng trapiko magmula nang ma-lockdown ang lungsod. Nakaririnig ako ng mga umaawit na ibon. Nakita ko ang isang senior citizen na nagsasanay ng Tai Chi sa ibang bahagi ng gusali. Nagsimulang mamahala ng kanilang mga mamimili ang mga supermarket: kailangang pumila ng mga tao 5-6 metro ang layo mula sa mga pasukan, at kailangang panatilihin ng mga tao ang 1 metrong distansya.
Sa isang interseksyon ng kalsada, may isang mesa para sa mga manggagawa sa pamayanan. May mga termometro at mga sanitizer sa mesa. Nakita ko ang isang matandang babaeng nakikipag-usap sa dalawa sa kanila.
Makalipas ang ilang sandali, umalis iyong matandang babae. Nilapitan ko siya at tinanong kung anong nangyari. Sinabi niya sa akin, “Kailangang pumunta ng asawa ko sa ospital upang magpadoktor at bumili ng gamot. Wala siyang pulmonya. Na-stroke siya, at kailangan niyang pumunta sa ospital nang isang beses sa isang buwan. Sinong makahuhula ng mga nangyayari ngayon? Ilang araw na kaming naghihintay. Hindi siya makalakad papuntang ospital, ngunit tumanggi ang pamayanan na maghanda ng sasakyan para sa kaniya.”
Mahirap bumili ng gamot na kailangan ng asawa niya. Kinausap niya ang lima pang mga naka-uniporme sa harap namin. Sinabi nila sa kaniya na dapat niyang tanungin ang mga manggagawa sa pamayanan. Umalis siyang bigo.
Guo Jing: ika-14 ng Pebrero, 2020
一个在湖北某县城的朋友说她所在的小区已经被限制出入好几天,社区通知昨天开始完全禁止出入,买菜都不行。
昨天早上,她家人赶快带着口罩和通行证出门买菜,很多人在菜市场抢菜,她家人去买土豆的时候前面一个人打算买完所有的土豆,她家人请求他留一些,她家人才买到一点土豆。下午,她家人想再出去买一些东西就出不了小区了。这如同武汉风尘时的套路,临时通报,没有告知居民生活如何得到保障。
Z_F在应对传染病的时候,除了控制病毒本身,还要将人们的恐惧考虑在内。可是恰恰相反,有的地方开始鼓励举报,举报一个新冠状病毒肺炎病人奖励1万元,病人自觉去医院也会奖励一些钱。
人们对Z_F的信任、人与人之间的信任不断地被消耗,恐慌却在被加强。这几天周围被管控得越来越严,超市限制进入的人数、周边被封起来的地方越来越多、更多的隔离区域。而很多人需要帮助的时候,社区工作人员、穿制服的人都成了无能者。我感到深深地绝望。
Sinabi sa akin ng isang kaibigan sa ibang lungsod sa probinsya ng Hubei na hinigpitan ang paglabas niya sa loob ng ilang araw. Kahapon, nakatanggap siya ng patalastas na walang sinuman sa pamayanan ay pinapayagang lumabas, kahit bibili ng pagkain.
Kahapon ng umaga, nagsuot ng mask ang isang miyembro ng kaniyang pamilya at nagmadaling bumili ng pagkain na may dalang pass. Nag-panic buying sa palengke ang maraming tao. Nang nagpunta siya sa tindahan ng mga patatas, sinunggaban ng taong nasa unahan niya ang lahat ng patatas sa istante at kinailangan niyang magmakaawa sa tao upang tirhan siya ng ilan. Sa hapon, nang nagtangkang lumabas ang mga miyembro ng kaniyang pamilya upang bumili ng mas maraming pagkain, walang pinayagang umalis pa. Ito mismo ang nangyari nang ni-lock down ang Wuhan—biglaan itong inanunsyo nang hindi ipinaaalam sa mga nakatira kung paano nila pangangasiwaan ang kanilang mga buhay.Kapag tumutugon ang pamahalaan sa isang pandemya, bukod sa pagpigil ng virus, dapat din nitong isaalang-alang ang takot ng mga tao. Gayunpaman, bagkus, hinihikayat ng ilang lokal na pamahalaan ang mga tao na ipagbigay-alam ang mga pinaghihinalaang may COVID-19. Gagantimpalaan ng 10,000 CNY (humigit-kumulang 1,400 USD) ang isang report. Kung ipinagbigay-alam ng isang pasyente ang kaniyang sarili, makatatanggap din siya ng pera.
Nauubos ang tiwala natin sa pamahalaan at ang tiwala natin sa ibang tao, ngunit lumalaki ang takot natin. Sa panahon ngayon, pahigpit nang pahigpit ang pagkontrol. Hinihigpitan ng mga supermarket ang bilang ng mga mamimili sa loob. Parami nang parami ang mga distritong ni-lock down, at parami nang parami ang mga sentro ng kwarentina na itinayo. Kapag kailangan ng mga tao ng tulong, walang magagawa upang makatulong ang mga social worker at iyong mga naka-uniporme. Desperado ako.
Guo Jing: ika-15 ng Pebrero, 2020
下午我发现我住的房子外侧漏雨,水渗进了里面…我跟房东说了房子漏水,房东让我跟物业讲一下。这也不是紧急的事情,现在物业肯定不会管。
下午下了雪,作为一个北方人这几年在南方很少见到雪,我想着可以顺便看看雪,就下了楼。我看到物业的门关着,以为没人,就去门卫室问一下物业的情况。到了小区的门口,我还没开口,保安就拦下我,说:“现在只有看病和上班可以出门,要去物业开出门证。”我担心地问:“那买菜怎么办?”
“买菜也可以,要开出入证才行。”
“什么时候不让出门的?”
“今天开始,市里发的通知。”
我问社区的人说:“买菜怎么开出入证吗?”
“三天出一次。”
“我刚好下了楼,这个口罩都用了,能不能让我出门买个菜?”
“不能因为这个出门”
我只得上了楼。
Napag-alaman kong may tubig na tumutulo sa labas ng dingding ng apartment ko nitong hapon, at pumasok ang tubig sa apartment ko… Sinabihan ko ang kasera tungkol dito, at pinayuhan niya ako na sabihan ang tagapamahala ng ari-arian. Hindi ito kailangang gawin agad, kaya sa tingin ko na hindi mag-aabalang ayusin ito ng tagapamahala.
May niyebe nitong hapon. Lumaki ako sa hilagang Tsina, ngunit bihira akong makakita ng niyebe magmula nang paglipat ko sa Timog Tsina. Naisip ko na kung bumaba ako, makikita ko ang niyebe. Nang bumaba ako, nakita ko na sarado ang pinto ng tagapamahala ng ari-arian, kaya akala ko na walang tao sa loob. Nagpunta ako sa guwardiya upang magtanong tungkol sa serbisyo sa pamamahala ng pag-aari. Nang naglakad ako papunta sa tarangkahan ng pamayanan namin, pinigilan ako ng guwardiya bago ako nagsalita. Sinabi niya sa akin, “Makalalabas ka lamang kung pupunta ka sa ospital o papasok sa trabaho, at kailangan mong sabihan ang tagapamahala ng ari-arian na bigyan ka ng pass.” Nag-alala ako, “Paano ang pagbili ng pagkain?”
“Makalalabas ka upang bumili ng pagkain kung may pass ka.”
“Kailan nag-umpisa ang patakarang nagbabawal sa aming lumabas?”
“Nagsimula ito ngayon. Natanggap namin ang patalastas mula sa lokal na pamahalaan.”
Tinanong ko ang ibang tao sa pamayanang ito, “Paano tayo makakukuha ng pass upang bumili ng pagkain?”
“Makalalabas tayo nang isang beses kada tatlong araw.”
“Ginamit ko na itong mask at bumaba na ako. Maaari mo ba akong payagang lumabas at bumili ng pagkain?”
“Hindi ka makalalabas.”
Ang tanging magagawa ko lamang ay bumalik sa apartment ko.
Guo Jing: ika-16 ng Pebrero, 2020
我对限制出门感到担忧,我再次有一种恐慌感,聊天的时候我有点像吃东西,好像也不是因为饿,但不知道什么时候会没吃的,吃了一个牛肉粒,也不敢多吃。
睡前我开始胡思乱想:如果物业不让出门,我可以从被暴风雨破坏的临时围栏的空隙中偷着跑出去。可是,我不知道如果我偷着跑出小区被发现会有什么惩罚,我担心我现在承受不起破坏规则的代价,尽管这个规则是不合理的。
因为昨天要求出小区被拒绝,我不知道今天能不能开到出门证。我抱着试一试的心态到了物业管理室,我说要出去买菜,工作人员给我开了个“居民临时通行证”,这个通行证看起来是批量生产的,上面写着住址和出入日期,出入日期最早是2月12日。
超市门口水果架上的水果比以往空了一些。蔬菜挺齐全的。有个放速冻食品的冰柜空了,酸奶的架子比较空,午餐肉、香肠这些都没了。今天的肉柜里有肉。
我今天的心情和第一天风尘有点像,再次为生存担忧。现在是三天外出一次,不知道明天会不会改成五天一次,甚至十天一次,一个月一次。我又买了5公斤大米、两袋面条和够我吃一星期的菜。
从风尘到封小区,我们的活动被控制得越来越紧,我们对世界的掌控感被一点点剥夺。
我下次出门的日期是2月19日。
Nag-aalala ako sa mga bagong patakarang nagbabawal sa aking lumabas. Nakaramdam muli ako ng pagkataranta. Nang nakipag-chat ako sa mga kaibigan, kumain ako hindi dahil gutom kundi dahil hindi ko alam kung kailan ako hindi makakakain muli. Kumain ako ng isang piraso ng karne ng baka. Hindi ako naglakas-loob kumain nang sobra.
Nagkaroon ako ng mga kaisipang hindi kanais-nais bago ako nakatulog: Kapag hindi ako pinayagang lumabas ng tagapamahala ng ari-arian, maaari akong tumakas mula sa sirang bakod. Gayunpaman, hindi ako sigurado kung anong uri ng parusa ang haharapin ko kung tatakas ako. Natatakot ako na hindi ko makakaya ang mga kahihinatnan ng paglabag ng patakaran ngayon, kahit na hindi makatwiran ang patakaran.
Dahil tinanggihan ako nang nakiusap akong lumabas kahapon, hindi ko alam kung makakukuha ba ako ng pass ngayon o hindi. Sinubukan ko at nagpunta ako sa opisina ng tagapamahala ng ari-arian. Sinabi ko sa kaniya na gusto kong bumili ng pagkain, at binigyan ako ng tagapamahala ng ‘pansamantalang pass para sa mga residente.’ Nakasulat sa pass ang address ko at ang mga petsa na makalalabas ako. Ika-12 ng Pebrero ang unang petsang nakasulat dito.
Hindi gaanong sagana kaysa sa dati ang mga prutas sa istante sa labas ng supermarket. Maraming gulay. Ubos na ang mga frozen fast food sa isang ref. Mas kakaunti ang yogurt kaysa sa dati. Walang luncheon meat o mga sausage. May karne sa meat counter ngayon.
Ang naramdaman ko ngayon ay tulad ng naramdaman ko sa unang araw ng lockdown ng lungsod. Nag-aalala naman ako sa survival. Ngayon, makalalabas kami nang isang beses kada tatlong araw. Hindi ko alam kung magiging isang beses kada limang araw ito, o isang beses kada sampung araw, o kahit isang beses kada buwan. Bumili ako ng isa pang 5 kilong pakete ng bigas, dalawang pakete ng noodles, at mga gulay na sapat para sa isang linggo.
Mula sa lockdown ng lungsod hanggang sa lockdown ng pamayanan, mas lalong naging limitado ang aming mga gawain, at unti-unti kaming tinatanggalan ng aming kapangyarihan.Ang susunod na petsang makalalabas ako ay ika-19 ng Pebrero.
Tunghayan ang special coverage ng Global Voices ukol sa pandaigdigang epekto ng COVID-19.