‘Hindi kailangang iakma ng kababaihan ang mga sarili nila sa pananaw ng iba,’ saad ng Turkong aerospace engineer

Gökçin Çınar

Gökçin Çınar/ginamit nang may pahintulot

Ayon sa datos ng UNESCO (2014 – 2016), 30 porsyento lamang ng lahat ng babaeng mag-aaral sa buong mundo ay pumipili ng mga larangang may kinalaman sa STEM sa tersiyaryong edukasyon.

Malinaw na nakadokumento kung paano dumaragdag sa ganiyang hindi pagkakapantay-pantay ang mga pagkiling sa kasarian at mga nakasasamang stereotype na madalas itanim sa isipan ng mga bata mula sa murang edad.

Si Gökçin Çınar, isang 30 taong gulang na aerospace engineer mula sa İzmir, Turkey, ay kabilang sa minorya ng kababaihang kumuha ng karera sa STEM.

Kasalukuyan siyang mananaliksik sa Aerospace Systems Design Laboratory (ASDL) sa Georgia Institute of Technology (Georgia Tech) sa Atlanta, Estados Unidos. Ang trabaho niya ay sumesentro sa mga makabagong disenyo at teknolohiya ng sasakyang panghimpapawid na makatutulong na maging mas sustainable at hindi nakasasama sa kapaligiran ang paglipad.

Sa Youtube, nagpapatakbo ng isang sikat na channel tungkol sa agham at pag-iinhinyero sina Çınar at ang kanyang asawa. Ang mag-asawa ay madalas na nanghihikayat ng mga dalaga na sundin ang kanilang mga hilig at mga pangarap.

Nakausap ko si Çınar noong ikaapat ng Marso, bago ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, sa pamamagitan ng telepono at e-mail tungkol sa kaniyang karera, larangan, at mga pambihirang karanasan sa YouTube.

Na-edit ang panayam na ito para umikli.

Sevgi Yagmur (SY): Paano ka naging interesado sa aerospace engineering?

Gökçin Çınar (GÇ): As a child, I have always been fascinated by the concept of flight. I remember wanting to become a pilot from an early age. I also loved building stuff. I don’t think there is a single event or person who inspired me, but the engineering part definitely comes from the men in my family. My father is a very hands-on and creative person. I’ve always enjoyed helping him design and build things from scratch. When I was a little girl, I had my own little hammer that I used to build wooden airplanes with my grandpa. All I had to do was to combine my passion for flight and space with my interest in engineering. I guess it was meant to be.

Gökçin Çınar (GÇ): Noong bata pa ako, lagi akong nahahalina sa konsepto ng paglipad. Naalaala ko na gusto kong maging isang piloto mula sa murang edad. Gusto ko ring bumuo ng mga bagay-bagay. Sa tingin ko, wala ni isang pangyayari o tao ang nagbigay ng inspirasyon sa akin, ngunit talagang galing sa mga lalaki sa pamilya ko ang parteng pag-iinihinyero. Napaka-hands-on at malikhaing tao ang ama ko. Lagi akong nag-e-enjoy tulungan siya sa pag-design at pagbuo ng mga bagay mula sa umpisa. Noong bata pa ako, may sarili akong maliit na martilyo na ginamit ko sa pagbuo ng mga kahoy na eroplano kasama ang lolo ko. Ang kailangan ko lamang gawin ay pagsamahin ang hilig ko sa paglipad at kalawakan sa interes ko sa pag-iinhinyero. Palagay ko na nakatadhana ito.

SY: Naharap ka ba sa mga stereotype ng kasarian noong pumipili ka ng disiplinang aaralin mo? 

Aerospace engineering was the only profession I ever wanted in high school. My parents and I were overjoyed when I got my university entrance exam scores, that placed me into the top schools, and most importantly, my dream field.

Little did I know about all the criticism I’d get from my extended family, teachers, or even total strangers. Many people didn’t think I’d have a future in aerospace engineering. Some thought I “wasted” my exam score by not choosing to study medicine, which apparently was more suitable for my gender, others thought if I wanted to study engineering, I should have chosen something that was more “girly”, whatever that meant. But I didn’t listen to any of it. I was sure of myself and I knew what I wanted so at the end of the day it didn’t have even the tiniest impact on my life. My parents supported me all the way, so I feel I’m privileged in that sense. 

Ang aerospace engineering ay ang nag-iisang propesyong nagustuhan ko noong high school. Napakasaya ko at ng mga magulang ko nang makuha ko ang mga iskor ko sa university entrance exam na naglagay sa akin sa mga nangungunang paaralan at, higit sa lahat, sa pangarap kong larangan.

Hindi ko inasahan ang pagpunang makukuha ko mula sa mga kamag-anak ko, mga guro, o maging mga estranghero. Sa tingin ng maraming tao, wala akong kinabukasan sa aerospace engineering. Sa tingin ng ilan, “sinayang” ko ang iskor ko sa pagsusulit sa hindi pagpiling mag-aral ng medisina na tila mas bagay sa kasarian ko. Sa tingin ng iba, kung gusto kong mag-aral ng pag-iinhinyero, dapat na pumili ako ng mas “pambabae,” kung anuman ang ibig sabihin niyon. Pero hindi ako nakinig sa alinman dito. May tiwala ako sa kakayahan ko at alam ko kung anong gusto ko, kaya sa huli, wala itong ni katiting na epekto sa buhay ko. Sinuportahan ako ng mga magulang ko hanggang sa dulo, kaya pakiramdam ko na maswerte ako kung iisipin. 

SY: Anong pinaka-excited ka sa trabaho mo?

My research focuses on novel aircraft designs and technologies that can make aviation more sustainable and environmentally responsible. Although the global aviation industry by itself is not a major contributor to climate change right now, we expect its share to grow rapidly as the demand in aviation increases. There are many design solutions, technologies, and operational improvements that can help reduce the amount of fossil fuel necessary to fly an aircraft. I did my Ph.D. in one of the most promising and most radical solutions: electrified aircraft. With the recent technological advances in electric machines and batteries, we can now talk about electrifying the aircraft propulsion system. Electrified aircraft propulsion is a novel technology that has the potential to significantly reduce, and even fully eliminate fuel consumption and aircraft emissions while allowing for more affordable and quieter flights. Of course, it also comes with many challenges that we engineers have to overcome. My current research projects funded by the US government, including NASA, are focused on finding the right solutions to these challenges.

Sumesentro ang pananaliksik ko sa mga makabagong disenyo at teknolohiya ng sasakyang panghimpapawid na makatutulong gawing mas sustainable at at hindi nakasasama sa kapaligiran ang paglipad. Bagaman ang pandaigdigang industriyang panghimpapawid ay hindi pangunahing nagdudulot ng pagbabago ng klima ngayon, inaasahan naming mabilis na lalaki ang share nito habang tumataas ang pangangailangan sa paglipad. Maraming design solution, teknolohiya, at pagpapabuti sa operasyon na makababawas sa laki ng fossil fuel na kailangan sa pagpapalipad ng sasakyang panghimpapawid. Kumuha ako ng Ph.D. sa isa sa mga solusyong may pinakamagandang hinaharap at pinakaradikal: de-kuryenteng sasakyang panghimpapawid. Dahil sa mga bagong kaunlaran sa teknolohiya sa mga de-kuryenteng makina at mga baterya, mapag-uusapan na natin ang tungkol sa pagpapakuryente ng aircraft propulsion system. Ang electrified aircraft propulsion ay isang makabagong teknolohiyang may potensyal na mabasawan nang malaki o ganap na maalis ang paggamit ng gasolina at mga aircraft emission habang nagbibigay ng mas abot-kaya at mas tahimik na paglipad. Syempre, marami rin itong kalakip na mga hamon na kailangang malampasan naming mga inhinyero. Ang aking mga kasalukuyang proyekto sa pananaliksik na pinondohan ng pamahalaan ng US, kabilang ang NASA, ay nakasentro sa paghahanap ng mga tamang solusyon sa mga hamong ito.

SY: Bilang isang dayuhang babaeng inhinyero, humarap ka ba sa mga hamon dulot ng kasarian at etnisidad mo? Anong ginawa mo upang malampasan ang mga ito?

I think, in the US, we live in a transition era where diversity, equity, and inclusion is becoming more and more important in both every day and professional life. But we are not there yet. Especially those of us in STEM have a very, very long road ahead of us. I am lucky that my current working environment supports diversity, but obviously, I don't always stay within my bubble. As a foreign female engineer working in a white-male-dominated field, I have had many unpleasant experiences over the years.

Recently, I was told by a source of authority that I should change my name to be more successful because it was hard to pronounce. We are expected to deal with such daily micro-aggressions, with a smile, looking our best without trying hard. And although there is a rising awareness to be more inclusive, there are still not many female engineers in high-level positions. There are not many female academics in the aerospace engineering departments of top universities. Most panels are still male-dominated. And as many of my other female colleagues do, I try to overcome such challenges by excelling in my field, working harder and putting more effort into everything I do.

Sa tingin ko, sa US, nabubuhay tayo sa panahon ng pagbabago kung saan ang pagkakaiba-iba, pagkakapantay-pantay, at pagsasama ay mas lalong nagiging mahalaga sa pang-araw-araw at propesyonal na buhay. Pero wala pa tayo roon, lalo na kaming nasa STEM na mahaba pa ang landas na tatahakin. Maswerte ako na sumusuporta sa pagkakaiba-iba ang kasalukuyang working environment ko, pero siyempre, hindi ako palaging nasa loob ng working environment ko. Bilang isang dayuhang babaeng inhinyerong nagtatrabaho sa isang larangang pinangingibawan ng mga puting lalaki, nagkaroon ako ng mga hindi kanais-nais na karanasan sa paglipas ng mga taon.

Kamakailan, sinabihan ako ng isang nakatataas na dapat kong palitan ang pangalan ko para maging mas matagumpay dahil mahirap itong bigkasin. Kailangang harapin namin ang ganoong mga pang-araw-araw na micro-aggression nang nakangiti at magmukhang presentable at relaxed. At bagaman may tumataas na kamalayan upang maging mas inclusive, kakaunti pa rin ang mga babaeng inhinyero sa mga matataas na posisyon. Kakaunti ang mga babaeng propesor sa mga departamento ng aerospace engineering sa mga nangungunang unibersidad. Karamihan ng panel ay pinangingibawan pa rin ng kalalakihan. At gaya ng ginagawa ng iba kong kasamahang babae, sinusubukan kong pagtagumpayan ang ganoong mga hamon sa pamamagitan ng pagiging magaling sa larangan ko, pagsusumikap, at paglalagay ng mas malaking effort sa lahat ng ginagawa ko.

SY: Nabanggit mo na nakikipagtulungan ka sa NASA at sa ibang aviation giant, gaya ng Boeing at Airbus. Paano nakatutulong ang trabaho mo sa industriya?

I joined the Aerospace Systems Design Lab (ASDL) at Georgia Tech as a Ph.D. student and graduate research assistant eight years ago. ASDL is a very unique lab. It consists of a very large and multidisciplinary group of students and faculty. The close relationship we at ASDL enjoy with the industry allows us to work on real-world problems and make a significant research impact in our field. The findings of our research in academia are being utilized in real-world applications and informing the decision-makers in the government and the industry, which is the most exciting part of my job.

Sumapi ako sa Aerospace Systems Design Lab (ASDL) sa Georgia Tech bilang isang mag-aaral ng Ph.D. at graduate research assistant walong taon na ang nakararaan. Isang napakakakaibang lab ang ASDL. Ito ay isang napakalaking grupo ng mga mag-aaral at mga guro mula sa iba't ibang larangan. Ang malapit naming relasyon sa industriya ay nagpapahintulot sa aming magtrabaho sa mga suliraning pantunay na buhay at gumawa ng makabuluhang pananaliksik sa aming larangan. Ang mga natuklasan sa pananaliksik namin sa akademya ay ginagamit sa tunay na buhay at sa pagpapaalam sa mga gumagawa ng desisyon sa pamahalaan at sa industriya. Ito ay ang pinaka-exciting na bahagi ng trabaho ko.

SY: May YouTube channel ka rin na sumesentro sa STEM at sa isang seryeng tinatawag na #kadındediğin [babae ba kamo]. Anong nagtulak sa iyong simulan ang channel at ang serye at ano ang pangunahing layunin?

Back in 2016 when I was a grad student at Georgia Tech, I came up with an idea to combine my passion for acting and engineering. My then-boyfriend and now-husband liked the idea and together we created Biz Siz Onlar [Us, You, Them], our YouTube channel.

We made videos about various engineering fields where we interviewed each other and our friends with STEM degrees. I wanted these videos to help break the gender stereotypes that I experienced back in high school. I wanted to encourage young women to follow their dreams and choose their professions according to their passions, not according to society’s expectations. Shortly after releasing these interview videos, I started to receive messages from high school students from around Turkey. This helped me realize all the challenges some of these young, brilliant girls have to overcome. Their stories about suppression and their admirable resilience against it are the main reasons why I will never stop advocating for equality and social justice. My goal is to show them that they don’t have to fit themselves into someone else’s perception of who they should be, how they should behave, what they should dream and achieve. I think showing the younger generation that it is possible to live your life outside the boxes that their society might try to put them in is a powerful inspiration.

Noong 2016 nang grad student pa ako sa Georgia Tech, nakaisip ako ng isang ideya upang pagsamahin ang hilig ko sa pag-arte at pag-iinhinyero. Nagustuhan ng kasintahan ko noon at asawa na ngayon ang ideya at magkasama naming ginawa ang Biz Siz Onlar [Tayo, Kayo, Sila], ang YouTube channel namin.

Gumawa kami ng mga bidyo tungkol sa iba-ibang larangan ng pag-iinhinyero, kung saan nakapanayam namin ang bawat isa at ang mga kaibigan naming may degree sa STEM. Gustong kong ang mga bidyong ito ay makatulong tanggalin ang mga stereotype sa kasarian na naranasan ko noong high school. Gusto kong manghikayat ng mga dalaga na sundin nila ang mga pangarap nila at piliin nila ang propesyong naaayon sa mga hilig nila, hindi ayon sa inaasahan ng lipunan. Hindi nagtagal matapos ilabas itong mga bidyo ng panayam, nagsimula akong tumanggap ng mga mensahe mula sa mga high school student mula sa may Turkey. Natulungan nitong maintindihan ko ang lahat ng pagsubok na kailangang mapagtagumpayan ng ilan sa mga bata at matatalinong babaeng ito. Ang mga kwento nila tungkol sa pagsasawata at ang kahanga-hangang katatagan nila laban dito ay ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit hindi ako titigil sa pagsuporta sa pagkakapantay-pantay at katarungang panlipunan. Ang layunin ko ay ipakita na hindi kailangang iakma ang mga sarili sa pananaw ng iba sa kung sino dapat sila, kung paano sila dapat kumilos, kung anong dapat nilang pangarapin at tamuhin. Sa tingin ko, ang pagpapakita sa nakababatang henerasyon na posibleng mabuhay nang hindi naaayon sa inaasahan ng lipunan ay isang makapangyarihang inspirasyon.

SY: Anong susunod para sa iyo?

Many things! The more steps I climb, the higher I’d like to go. I wouldn’t be able to list all the things I’d like to do here even if I wanted to. But my top two goals in the near future are to become a successful academic faculty member and get my private pilot’s license.

Maraming bagay! Habang parami nang parami ang hakbang na inaakyat ko, mas tumataas ang gusto kong puntahan. Hindi ko malilista ang lahat ng bagay na nais kong gawin dito kahit gustuhin ko. Pero ang dalawang pangunahing layunin ko sa nalalapit na hinaharap ay maging isang matagumpay na miyembro ng academic faculty at makuha ang Private Pilot License ko.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.