Ang Scarborough Shoal na matatagpuan sa Dagat Timog Tsina o Dagat Kanlurang Pilipinas ay pinag-aagawan ng tatlong bansa: Tsina, Pilipinas at Taiwan. Sa mga nakalipas na buwan, umigting ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina nang buweltahan ng magkabilang pamahalaan ang mga akusasyon tungkol sa pagsakop sa likas yaman sa paligid ng shoal. Umusbong ang damdaming makabayan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at lalong uminit sa internet ang batuhan ng mga matatalas na salita.

Ipinakalat ng mga Pilipino sa internet ang mapa ng Google sa Scarborough Shoal upang ilarawan ang distansya nito sa Pilipinas
Narito ang ilan sa mga reaksyon mula sa Pilipinas na makikita sa social media:
@redsohigh [fil]: In terms of bullying and intimidation. Wala tayong laban sa China in terms of owning Panatag Shoal. Susme. Isang nuclear lang tayo.
@SoWhatsNews [fil]: China has caught all the fish in Panatag Shoal hence the stoppage and the fishing ban. Sweet n Sour Fish Fillet mabenta ngayon sa China.
Para na rin maibsan ang tensyon, magkahiwalay na nagpatupad ang dalawang bansa ng fishing ban [en] sa nasabing lugar.
@roilogolez [en]: It is unpatriotic for a Filipino to publicly express an opinion on the Panatag Shoal stand-off contrary to the government position.
@crystalbrosas [fil]: Scarborough Shoal and Spratlys Islands are for the Philippines. MAAWA NAMAN KAYO SA BANSA NAMIN, Kahit may lahi akong Chinese. -_-
Dahil higit na malaki kaysa sa Scarborough, ang isyu sa Spratly ay mas kontrobersyal at mas masalimuot dahil pinag-aagawan ng 6 na bansa sa Asya-Pasipiko ang mga islang pinaniniwalaang hitik sa likas-yaman.
Miko Lucena [en]: Call it desperate to regain economic strength. With the cost of labor rising they need another source of income, preferably what the world needs, oil.
Roselyne Bairan Cua [fil]: Ang laki laki ng china,pinagkaka interesan ang atin maliliit na isla. They should just stay away from our islands and focus on their own problem. Palibasa alam nila wala tayong military warfare. Dinaadaan tayo sa sindak. Takot naman sila sa FB.
Ed Dalisay [en]: China has a bigger problem at home. Their economy is falling and it is not that rosy as it seems to be. Leaders will always find distraction so that the people will rally behind them. One way is to wedge war against a small nation that they can easily bully. History is littered with this familiar story. This is what Bush did when he declared war against Iraq because he is becoming unpopular at home.
Joseph Corpuz [en]: We may not be strong as China in terms of military but we can be strong economically if only we get our act together, if they don't want our exports then let's look to other countries and we must be self-reliant we can do this.

Hitik sa yamang dagat ang Scarborough, gaya ng mga malalaking kabibe na kinumpiska mula sa mga mangingisda sa lugar. Litrato ni @karadavid
Nagkomento naman si Rieya Piscano tungkol sa patuloy na ‘cyberwar’ [en] sa pagitan ng mga makabayang netizens ng dalawang bansa:
Clearly, the internet has leveled the playing field even in political conflicts like the Scarborough Standoff. It has made both parties bolder in expressing their opinions toward the matter. Some, all in 140 characters. Hacking has also become a showcase of nationalism and political posts of young bloggers underline the new heights reached by cyberactivism. Crazy as it sounds, people would go out of their way to plot maps and photoshop pictures just to prove their point. It is not just a word war. It is a “meme” war and we are all “liking” it.

Mga hacker ng website ng isang pamantasan sa Pilipinas, nag-iwan ng mensahe: "Nagmula kami sa Tsina. Amin ang Isla ng Huangyan."
Nanawagan naman ang pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas sa kanyang opisyal ng pahayag [en] matapos babuyin ng mga hacker ang website ng pamantasan at ang iba pang website [en]:
Hacking selected websites at the suspected country of the hacker or hackers does not objectively articulate any political issue and only subjectively fulfills a personal desire to “get even”
…we also call on the concerned technology-savvy Filipinos to stop hacking other websites, particularly those from China. Filipinos are more sensible than this, and our expertise is better used in productive endeavors.
…nanawagan din kami sa mga Pilipinong marurunong na tigilan ang pangha-hack ng ibang website, lalo na sa mga nakabase sa Tsina. Mas matino tayo, at dapat nating gamitin ang ating kakayahan sa mas produktibong paraan.
Iminungkahi naman ni Carol P. Araullo [en] sa pamahalaang Aquino na resolbahin ang isyu nang hindi nangangailangan ng panghihimasok ng militar ng Estados Unidos:
…would it not be the better part of political wisdom, more so statesmanship, for the Aquino administration to seriously study and issue a rational and sober reply to the points raised by China rather than brandish the Philippines military alliance with the US to act as a counterfoil to China’s military strength and to make up for the Philippines’ military inferiority?
It also serves no purpose to keep whipping up pseudo-patriotic and ultra-nationalist sentiments against China and things Chinese.
Hindi rin makakatulong ang pagkukunsinti sa mga sentimiyentong makabayan laban sa Tsina at lahat ng bagay mula sa mga Instik.