Mga kwento tungkol sa Central Asia & Caucasus
Matapos Ipagbawal, Pelikulang ‘The Dictator’ Patok sa Tajikistan
Matapos ipagbawal sa bansang Tajikistan ang bagong pelikulang 'The Dictator', naging patok ito sa mga tindahan ng piniratang DVD doon. Naniniwala ang mga netizeng Tajik na naging popular ang pelikula sa bansa dahil sa ginawang pagbabawal.
Afghanistan: Mga Batang Babae, Nilason Dahil sa Pagpasok sa Eskwelahan
Bagamat matagal nang napatalsik ang Taliban noong 2001 at malaya nang makakapag-aral ang mga kababaihan sa bansang Afghanistan, patuloy na pinaparusahan ng mga grupong fundamentalist ang mga batang babaeng pumapasok sa mga paaralan. Naibalita kamakailan ang serye ng pag-atake sa mga eskwelahan sa hilagang-silangang lalawigan ng Takhar, kung saan daan-daang kababaihan ang naging biktima ng panglalason.
Pamumuhay ng may HIV sa Kazakhstan
Sa Vox Populi, isang Kazakh blog ng iba't ibang litrato, isinilarawan ni Gulnar Bazhkenova sa kanyang marubdob na pagsasalaysay [ru] ang mga kuwento ng mga indibidwal sa Kazakhstan na may...
Georgia: Mga Aktibistang LGBT, Binugbog ng Pangkat ng Orthodox
Noong ika-17 ng Mayo, bilang pagdiriwang sa Pandaigdigang Araw Laban sa Homophobia, nagmartsa ang kilusang LGBT sa lansangan ng Tbilisi, Georgia. Bigla naman humarang ang isang pangkat ng mga Kristiyanong Orthodox, at sumunod ang pisikal na salpukan. Ulat ni Mirian Jugheli.
Bidyo: Mga Ina Mula sa Iba't Ibang Bansa Nagbahagi ng Kani-Kanilang Karanasan
Sa Pandaigdigang Museo ng Kababaihan, kasalukuyang tampok sa kanilang website ang pagiging ina. Binigyang mukha ng eksibit na MAMA: Pagiging Ina sa Iba't Ibang Bahagi ng Mundo ang samu't saring aspeto ng pagiging ina, sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga kababaihan mula Nigeria, Kenya, Afghanistan, Estados Unidos, Colombia, Hungary, Tsina at Norway.
Isang Araw sa Earth: Pandaigdigang Music Video na Tulong-tulong na Binuo, Ipinalabas
Ipinalabas ang isang bagong music video bilang paghahanda sa pandaigdigang pagpapalabas ng pelikulang One Day on Earth ["Isang Araw sa Earth"], na gaganapin sa iba't ibang lokasyon kasabay ng Earth Day (ika-22 ng Abril, 2012). Tampok sa music video ang mga musikero, makata, at mananayaw na kuha ng bidyo sa loob ng iisang araw, noong ika-10 ng Oktubre 2010, at malikhaing inedit at niremix ni Cut Chemist.