Ipinalabas ang isang bagong music video [en] bilang paghahanda sa pandaigdigang pagpapalabas ng pelikulang One Day on Earth [“Isang Araw sa Earth”], na gaganapin sa iba't ibang lokasyon kasabay ng Earth Day (ika-22 ng Abril, 2012). Tampok sa music video ang mga musikero, makata, at mananayaw na kuha ng bidyo sa loob ng iisang araw, noong ika-10 ng Oktubre 2010, at malikhaing inedit at niremix ni Cut Chemist.
The collaborative film One Day on Earth was filmed all on the same day, October 10, 2010, with more than 3,000 hours of footage sent in from all corners of the world, showcasing the amazing diversity, conflict, tragedy, and triumph that occurs in one day. The Global Screening will take place on Earth Day (April 22, 2012) in every country of the world, with the assistance of World Heritage Sites and the United Nations.
Mapapanood sa music video ang mga isinumite mula sa mga bansang Indya, Papua New Guinea, Benin, Burkina Faso, Estados Unidos, Tsina, Hilagang Korea, Mongolia, Kenya, Afghanistan, Jamaica, Espanya, Taiwan, at marami pang iba.
Basahin ang tungkol sa gaganaping palabas mula sa naunang artikulo Isang Araw sa Earth: Pandaigdigang Pagpapalabas ng Pelikulang Tulong-Tulong na Binuo at maari kang mag-sign up upang makasali sa gagawing palabas sa inyong lungsod o bayan sa site ng One Day on Earth [en].