Mga kwento tungkol sa India
Indiya, Pakistan: Paghihigpit sa Visa, Pinetisyon
Mahigpit sa pagbibigay ng visa ang mga bansang Indiya at Pakistan para sa mga mamamayang gustong bumisita sa kani-kanilang pamilya sa karatig-bansa. Sa kasalukuyan, may bagong idinagdag na alituntunin o...
Indiya: Pananaw ng mga Blogger ngayong 2012, Sinurbey
Tinukoy ni Prasant Naidu sa kanyang itinatag na website [en] ang ilang impormasyon na kanyang nahugot mula sa ginawang Bloggers’ Mindset Survey 2012 na inilunsad ng grupong 20:20 MSL at...
Bidyo: Tara na sa mga palengke ng mundo
Sagana sa iba't ibang kulay, tunog at punung-puno ng buhay ang mga palengke at pamilihan, saang dako man sa mundo. Samahan niyo kami sa aming pagbisita - sa pamamagitan ng mga litrato at bidyo - sa mga palengke ng El Salvador, Mehiko, Indiya, Indonesia at Thailand.
Bangladesh: Palabas na Cartoon, Nagtuturo sa mga Bata ng Dayuhang Wika at Pagsisinungaling
Isang sikat na palabas sa Disney Channel India, na isinalin sa wikang Hindi, ang pinag-uusapan ngayon sa Bangladesh. Sinasabing ang Japanese anime na Doraemon ay nagtuturo sa kabataan ng dayuhang lenggwahe at ng pagsisinungaling.
Indiya: Dalawang Petsa ng Kaarawan ng Iisang Tao
Malaking porsiyento ng mga taong nakatira sa subkontinenteng Indiyan ay nagdiriwang ng kani-kanilang kaarawan sa dalawang magkaibang petsa bawat taon – ang una ay ang opisyal na petsa, samantalang ang...
India: Sumali ang Kolkata sa “SlutWalk” Kilusan
Noong ika-24 ng Mayo, 2012, pinasinayaan ng Kolkata ang sariling bersyon ng kilusang SlutWalk, kung saan daan-daang binata at dalaga ang naglakad sa lansangan sa kabila ng matinding sikat ng araw. Sa internet, binigyang kulay ng mga netizen ang buong kaganapan sa pamamagitan ng mga talakayan, litrato at bidyo.
Bidyo: Pagpatay sa Mga Kababaihan at Sanggol sa Sinapupunan sa Indiya at Tsina
Sa mga bansang Indiya at Tsina, 200 milyong kababaihan ang iniuulat na "nawawala" dahil sa kaugaliang pagpapalaglag ng mga babaeng sanggol sa loob ng sinapupunan, samantalang pinapatay o iniiwan naman ang mga batang babae. Narito ang ilang dokyumentaryo at pag-uulat tungkol sa ganitong uri ng paghamak sa kasarian na kumikitil ng maraming buhay, at tungkol sa mga pagsisikap na bigyang lunas ang suliraning ito.
Living Tongues: Mga Kasangkapang Teknolohiya Upang Sagipin Ang Mga Wikang Nanganganib Mawala
Batid ng Living Tongues Institute for Endangered Languages na sa pagkamatay ng bawat katutubong wikang nanganganib mawala, kasamang nabubura sa kamalayan natin ang kasaysayan ng isang bahagi ng lipunan. Bilang tugon sa isyung ito, nagsasagawa ang naturang surian ng masinop na pagdodokyumento ng mga lenggwaheng sinasabing nasa peligro, at nagbibigay gabay sa mga pamayanan upang mapanatili o buhaying muli ang kanilang kaalaman tungkol sa katutubong wika, sa tulong ng ICT at mga kagamitang likha ng kanilang komunidad. Kumakalap din ito ng sapat na pondo upang makabili ng kagamitang pangrekord at mga kompyuter para sa 8 napiling indibidwal na nagsusulong ng kanilang katutubong wika sa mga pamayanan ng Indiya, Papua New Guinea, Chile at Peru.
Pagkanta ng Pambansang Awit sa Sariling Wika (Ikalawang Bahagi)
Sa aming pangalawang ulat, tampok ang mga bidyong gawa ng mga mamamayan na itinatanghal ang kani-kanilang pambansang awit na isinalin-wika sa mga wikang katutubo o malimit gamitin, at napag-alaman namin na ipinagbabawal ng mga batas sa maraming bansa na kantahin ang pambansang awit maliban sa anyo ng pambansang wika. Subalit hindi ito nakapag-patinag sa ilang ordinaryong sibilyan na gumamit ng tinaguriang media ng mamamayan upang kantahin ang kanilang pambansang awit sa sariling wika.
Isang Araw sa Earth: Pandaigdigang Music Video na Tulong-tulong na Binuo, Ipinalabas
Ipinalabas ang isang bagong music video bilang paghahanda sa pandaigdigang pagpapalabas ng pelikulang One Day on Earth ["Isang Araw sa Earth"], na gaganapin sa iba't ibang lokasyon kasabay ng Earth Day (ika-22 ng Abril, 2012). Tampok sa music video ang mga musikero, makata, at mananayaw na kuha ng bidyo sa loob ng iisang araw, noong ika-10 ng Oktubre 2010, at malikhaing inedit at niremix ni Cut Chemist.
Bidyo: Patimpalak na Firefox Flicks sa Paggawa ng Bidyo
Ang pandaigdigang patimpalak na Firefox Flicks ay magbibigay gantimpala sa mga maiikling pelikulang magtuturo sa mga gumagamit ng web browser tungkol sa isyu gaya ng privacy, choice, interoperability, at oportunidad, at kung papaano ito tinutugan ng tatak Firefox.
Indya: Paghabol sa Laho ng Araw
Sa ika-22 ng Hulyo, masaksihan natin ang pinakahabang laho sa ika-21 siglo. Ang laho ay makikita sa pagitan ng 5:20 ng umaga hanggang 7:40 ng umaga, mula sa loob ng...