[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles, maliban na lang kung nakasaad.]
Mula sa tatlong dekada ng giyera at pagkawasak, lumaganap ang paggamit ng modernong teknolohiya at media sa bansang Afghanistan bilang kasangkapan sa muling pagbangon ng bansa at matiyak ang mas magandang bukas para sa mga susunod na henerasyon. Ang pelikulang ‘Buz-e-Chini‘ (o Kambing sa wikang Filipino) ay ang kauna-unahang 3D na animasyon ng bansa sa wikang Hazaragi, isang diyalekto ng lenggwaheng Farsi na ginagamit ng mga mamamayang Hazara sa Afghanistan at Pakistan.
Ang pelikula ay hango sa kwentong bayan na tungkol sa isang kambing at ang tatlong anak nito na niloko ng isang matalinong lobo. Ang lalawigan ng Bamyan sa gitnang Afghanistan ang siyang napiling tagpuan ng kwento, kung saan matatagpuan noon ang mga matatandang estatwa ng mga buddha na nilikha noong ikaanim na siglo ngunit winasak ng Taliban noong 2001.
Si Abbas Ali ang direktor ng ‘Buz-e-Chini’. Siya ay isang graphic designer mula Hazara na ipinanganak sa Afghanistan ngunit nilisan ang bansa noong sinakop ito ng mga Taliban. Naging kanlungan ni Abbas Ali ang bansang Pakistan kung saan siya nag-aral ng animasyon at nagsimulang gumawa ng mga pelikula. Nang mapatalsik sa Afghanistan ang pangkat ng Taliban, bumalik siya sa bansa upang tapusin ang pelikulang ‘Buz-e-Chini’.
Ayon kay Abbas Ali[fa], nahilig siya sa mga animasyon noong bata pa lang siya:
از زمانی که کودک بودم عشق عجیبی به فلم های کارتونی داشتم که از تلویزیون پخش می شد. بسیار وقت ها از مکتب می گریختم تا برنامه کارتونی دلخواهم را در تلویزیون تماشا کنم و گاهی به خاطر این کار لت هم می خوردم. این علاقه باعث شد که از بسیار خردسالی به طراحی و نقاشی شروع کنم و در نهایت به مدرسه هنر راه بیابم
Sa isang panayam kamakailan sa NATOchannel.tv, sinabi ng direktor na layon ng ‘Buz-e-Chini’ upang ipalaganap ang ‘mensahe ng kapayapaan’ at pigilan ang ‘pagkaubos ng kulturang Afghan’ dahil sa Taliban.
Unang napanood ang ‘Buz-e-Chini’ sa mga piniratang DVD at bidyo kaset. Unang ipinalabas ito sa legal na paraan sa loob ng isang kweba sa Bamyan.
Ayon kay Ali Karimi [fa] mula sa website na The Republic of Silence:
اهمیت این فلم در اینجاست که نشان می دهد هنرمندان افغان به مرحله یی رسیده اند که می توانند کودکان کشور را با قصه های افغانی سرگرم کنند. بدون شک، پس از سال ها تماشای «تام و جری» آمریکایی، دیدن «بز چینی» بامیانی برای هر طفل افغان تجربه ی لذت بخشی است که هیچ گاه فراموش نخواهند کرد.
Ang pelikulang ‘Buz-e-Chini’ ay patunay na marunong gumawa ang mga Afghan ng sariling cartoons. Walang duda, matapos mapanonood ng ‘Tom and Jerry’ ng maraming taon, matutuwa ang mga batang Afghan sa panonood ng ‘Buz-e-Chini’, at hindi nila ito makakalimutan.
Ayon kay Mohammad Amin Wahidi, blogger at ang nagtatag ng ‘Deedenow Cinema Production Afghanistan’ :
Although since 2004 there are animators who make short animations in Afghanistan, however [sic] the quality and the graphic style of “Buz e Chini” short animation is compared to the products of Pixar…
Dagdag ni Alessandro Pavone, isang mamamahayag sa Afghanistan, sa kanyang Twitter:
Is it the new
#Pixar's movie? No, it's the first Afghan 3D animation movie! “#Buz-e-Chini”
Ito naman ang isang komento ni Eftakharchangezi sa bidyo ng ‘Buz-e-Chini’ sa YouTube:
Mind Blowing Graphics – It is as professionally done as any Hollywood 3D movie. [T]hanks for such professionally accomplishment. Desperate to look forward for more efforts like this…