[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles, maliban na lamang kung may nakasaad].
Halos isang buwan pagkatapos ipagbawal sa bansang Tajikistan ang pelikulang The Dictator o ‘Ang Diktador’, na siyang pinakabagong spoof na pinagbibidahan ni Sacha Baron Cohen, naging pinakamainit na pamagat ang nasabing pelikula sa mga tindahan ng DVD. Ayon sa blogger na si Harsavor (Donkey Rider) na taga-Tajikistan, ‘The Dictator’ ang palaging hinahanap ngayon [ru] ng mga mamimili ng piniratang DVD. Ipinagbawal ng pamahalaan ang naturang pelikula noong Mayo, dahil hindi raw ito angkop sa “lokal na pananaw” o dahil wala raw itong “potensiyal na kumita ng pera”..
Nagkasundo naman ang mga netizeng Tajik sa paniniwalang biglang sumikat ang ‘The Dictator’ dahil sa pagbabawal dito. Matapos maiulat sa isang pambalitaang website [ru] ang tungkol sa pagkumpiska ng otoridad sa mga binebentang piratang DVD ng ‘The Dictator’, pinuna ito ng isang mambabasa [ru]:
чушь полнейшая…глупо изымать из проката нелицензированные диски просто потому, что после искусственно разведенного ажиотажа желание посмотреть этот фильм и все ниже перечисленные будет еще сильнее, а интернет еще ни кто не отменял. фильмы вышедшие в мировой прокат буквально через неделю появляются на торрентах пусть и в плохом качестве их можно с легкостью скачать – самому посмотреть и друзьям дать […]. запретный плод всегда сладок и приятен!
Dagdag ni Abdumannon Sheraliev sa kanyang komento [tj] sa grupong ‘Platforma‘, isang pangkat sa Facebook na tumatalakay ng patungkol sa pulitika at samu't saring balita sa Tajikistan:
Ачаб масъулине мо дорем! Хар хидмате ба давлат мехоханд кунанд ба хидмати хирсона табдил меёбад. Хамин падарлаънати “Диктатор”-ро агар манъ намекарданд, шояд касе намоиш хам намедод. Агар намоиш медоданд, шояд 0,1 фоизи мардум тамошо мекард […]. Акнун чунон карданд, ки онро хама мехоханд бинанд.
Paliwanag pa ni Jasur Ashurov sa kanyang reaksyon [ru] sa ‘Platforma':
Глупо! В Таджикистане всего 4 кинотеатра, где показывают лицензионное кино: 2 в Душанбе, 1 в Курган-Тюбе и 1 в Худжанде. Ну сколько человек посмотрели бы этот фильм в четырех кинотеатрах? Тысяча человек максимум. А теперь о фильме говорят все и все хотят его посмотреть. Наверняка теперь “Диктатор” станет самым ходовым фильмом в местах продажи пиратских DVD и самым скачиваемым фильмом в Таджикистане.
Nag-aalala naman ang Tajik blogger na si Salimi Ayoubzod tungkol sa pagbabalita ng pandaigdigang media tungkol sa pagbabawal ng pamahalaang Tajikistan. Pinangangambahan niya [tj] ang negatibong imahe ng bansa dahil sa pagbabawal:
Ман ёд надорам, ки дар ду-се соли охир дар ягон мавзӯи марбут ба Тоҷикистон расонаҳои ҷаҳон ин гуна таваҷҷӯҳ […] нишон дода бошанд.
Bagamat hindi inaamin ng mga opisyales ng gobyerno, pinaniniwalaang ipinagbawal ang ‘The Dictator’ dahil natatakot silang mapanood ng mga mamamayang Tajik ang pelikula at ihambing ang karakter na si Heneral Aladeen, pinuno ng bansang Wadia sa Hilagang Aprika, sa pinuno ng bansa na naluklok sa puwesto magmula pa noong 1992. Naunang ipinagbawal ang nasabing pelikula sa mga karatig-bansang Kazakhstan at Turkmenistan.
2 Mga Komento
What’s with the ban of the movie? Sacha is one heckuva comedian!!
pati ako, makikinood na rin pagdating nito sa july!