See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Georgia: Mga Aktibistang LGBT, Binugbog ng Pangkat ng Orthodox

Sa kauna-unahang pagkakataon na ipinagdiwang ang Pandaigdigang Araw Laban sa Homophobia sa bansang Georgia noong ika-17 ng Mayo, hinarangan ng isang pangkat ng Kristiyanong Orthodox ang parada ng mga aktibistang LGBT sa gitna ng lansangan sa bayan ng Tbilisi, kabisera ng Georgia.

Nagmatigas ang grupong Union of Orthodox Parents (UOP) na pinamumunuan ng mga pari, at nanawagan na ipatigil ang nasabing pagmartsa. Niyuyurakan daw nito ang moralidad ng bagong henerasyon ng bansa na karamihan ay Kristiyano.

Nakiusap naman ang mga aktibistang LGBT na tumabi ang mga UOP upang maipagpatuloy nila ang pagmartsa. Ngunit matapos mabigong kumbinsihin ng UOP at mga pari ang mga nakabantay na pulis, naging pisikal ang kaguluhan.

Litrato mula sa TSpress.ge

@gabo_ge [geo]: პოლიციამ იდენტობის სამი აქტივისტი დააკავა მათ შორის ლევან გერიანიძე

@gabo_ge: Mga pulis inaresto ang tatlong aktibista ng Identoba, isang organisasyon na nagsusulong ng mga isyung LGBT.

@temuchin22 [geo]: მმკ ხალხს სცემს და ნაცემი ხალხი მიჰყავთ განყოფილებაში. მიმიფურთხებია ასეთი სამართალდამცავი ორგანოსთვის! მოვითხოვ მმკელების დაპატიმრებას!

@temuchin22: Nanggulpi ang UOP, at inaresto naman ng pulisya ang mga binugbog, anong klaseng
pulisya yan, dapat UOP ang inaresto.

@lishtotah [en]: LGBT activism limited to “holding the very first pride” will only fuel #homophobia in #Tbilisi :queer here:

@lishtotah: Titindi lamang ang #homophobia sa #Tbilisi, ngayong naunsyami ang kilusang LGBT na “makapagdaos ng kanilang kauna-unahang martsa”

@JohnHesslewood [en] If your main argument is ‘how can you promote something like that in the street’ then I would ask the same thing of you, christians #tbilisi

@JohnHesslewood: kung sasabihin niyong ‘bakit niyo ginagawa ang ganyang bagay sa kalye’, ganun din ang itatanong ko sa inyo, mga kristiyano #tbilisi

Litrato mula sa TSpress.ge

Litrato mula sa TSpress.ge

Sundan lamang ang link na ito [geo] para sa mga karagdagang litrato ng naturang kaganapan.

Kinundena naman sa Facebook ang kaguluhan, at pinalitan ng ilang mamamayan ang kanilang profile picture bilang pagsuporta sa mga aktibista.

Pandaigdigdang Araw Laban sa Homophobia at Transphobia

'Pandaigdigdang Araw Laban sa Homophobia at Transphobia'


Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nanggulo ang grupong UOP sa isang mapayapang pagtitipon. Noong 2008, halimbawa, ilang kabataang Georgian ang sinaktan ng grupo [en] dahil sa pag-oorganisa ng Halloween party sa lansangan.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.