[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles, maliban na lamang kung may nakasaad.]
Noong Hunyo 3, 2012, 65 batang babae ang naging biktima ng panglalason habang nasa paaralan sa hilagang-silangang lalawigan ng Takhar sa bansang Afghanistan. Agad isinugod ang mga estudyante sa ospital ([en], [fa]) . Ang naturang pangyayari ay ang pinakabagong insidente sa serye ng pag-atake sa mga paaralang pambabae sa lalawigan. Noong ika-29 ng Mayo, humigit-kumulang 160 batang babae ang dinala sa mga ospital matapos ang isang gas attack sa eskwelahan. Mga ilang buwan bago nito, mahigit 270 batang babae naman ang nilason sa dalawang magkaibang lokasyon. Sa kabuuan, may daan-daang kababaihan sa iba't ibang panig ng bansa ang naging biktima ng ganitong uri ng pag-atake sa nakalipas na taon.
Sinisisi ng pamahalaan ang grupong Taliban sa mga insidente. Sa mga taong 1996 hanggang 2001, kung kailan sakop ng pangkat ang malaking bahagi ng bansa, ipinagbawal ang edukasyon para sa mga kababaihan. Bagamat matagal nang napatalsik ang Taliban at aabot na sa milyun-milyong kababaihan ang pumapasok sa mga paaralan, patuloy na pinaparusahan ng mga kasapi at kaanib ng kilusan ang mga babaeng nagnanais mag-aral.
Itinanggi naman ng Taliban na may kinalaman ito sa insidente. Subalit iilan lamang ang lubusang naniniwala dito.
Ayon sa opinyon ng blogger na si Ericka M. Johnson mula sa Estados Unidos:
Attacking girl’s schools and students has become a common tactic for the Taliban. It’s not enough for them to be treated as property. They must also punish [girls] for wanting to learn. They deny involvement in these attacks, but their own history — in which many girls were not even allowed to go to school during Taliban rule from 1996-2001 — suggests that educated women go against the Taliban’s interests.
Naghain ng kanyang paliwanag ni Katherine Lorraine tungkol sa mga pangyayari:
Educating women is the quickest and easiest way for true equality among the sexes – so naturally the all-boys’ club of the Taliban wants nothing more than to hold women down and force them to live at the lowest rungs of society.
Ganito naman ang panawagan ng batikang manunulat na si Judy Molland:
Anyone who can hate children enough to poison them has clearly lost touch with his own humanity. For the sake of these girls, the Afghan government must make the safety of its students a priority.
Pangamba naman ng Afghan blogger na si Hussain Ibrahimi [fa]:
حال دشمنان افغانستان از ابزار دیگری برای پیروزی شان در جنگ و مخالفت با دولت افغانستان استفاده می کنند و این ابزار چیزی نیست جز مسموم کردن شاگردان مدرسه ها و بسته شدن این نهادهای تعلیمی و آموزشی در ولایت های مختلف افغانستان که نگرانی ها را روز به روز افزایش می دهد و این خود می تواند ضربه بزرگ باشد برای دست آوردهای ده ساله افغانستان که باز شدن نهادی های تعلیمی و آموزشی بعد از سرنگونی رژیم طالبان خود یکی از بزرگترین دستآوردهای این دهه اخیر است.
Para sa ilang mamamayan, ang banta sa mga paaralan sa Afghanistan ay naging dahilan sa pagbabago ng kanilang pananaw tungkol sa pag-aaral. Ayon sa tweet ni Dineeta Kubhar:
@WordsOfDineeta: Taliban poisoning the water females drink at school in Afghanistan to stop them from an education.. And I'm complaining about studying smh.
Ikinakatakot ng mga netizen na sa oras na tuluyang lilisanin ng mga militar ng NATO ang bansa sa taong 2014, lalong titindi ang gagawing hakbang ng Taliban at iba pang mga fundamentalist upang hadlangan ang pag-aaral ng mga kababaihan.
Ito ang higit na inaalala ng manunulat ng Yahooo News na si Chloe Logan:
As these attacks continue while NATO forces are still in Afghanistan, we wonder if girls will remain brave enough to continue their education once that protection is gone. We know that their futures depend on the education they lack.
Ganito rin ang nararamdamang pangamba ng blogger na si Jan:
Sadly, once the last of the U.S. military presence is “officially” removed from Afghanistan, you know, and I know, and we all know, what will happen to any Afghani girl who dares to go to school, and to any Afghani female who wants to teach, or nurse in a hospital, or work as a secretary, or be a clerk in a grocery store, or try out for an Olympic running team, or play badminton or chess, or learn how to read and write…