Mga kwento tungkol sa Women & Gender noong Mayo, 2012
Pilipinas: Dahil sa Mga Litratong Naka-bikini sa Facebook, Mga Estudyante Hindi Nakadalo sa Pagtatapos
Inulan ng batikos ang isang Katolikong paaralang eksklusibo para sa mga kababaihan sa lalawigan ng Cebu at pinapangasiwaan ng mga madre, matapos nitong pagbawalan ang limang estudyante na makadalo sa kanilang pagtatapos ng hayskul. Ito'y matapos mapag-alaman ng paaralan ang tungkol sa mga litrato ng mga dalaga sa Facebook na kuha habang naka-bikini ang mga ito.
Ecuador: Mga Kababaihang Refugee Pinapasok ang Prostitusyon
Inalam ng bidyo dokyumentaryo ang kalagayan ng mga kababaihang mula Colombia na nangibang bayan dahil sa karahasan, at napadpad ngayon sa bansang Ecuador. Dahil sa kawalan ng legal na hanapbuhay doon, karamihan sa mga kababaihan at kanilang mga anak na menor-de-edad ay napipilitang pumasok sa kalakaran ng prostitusyon.
Bidyo: Mga Ina Mula sa Iba't Ibang Bansa Nagbahagi ng Kani-Kanilang Karanasan
Sa Pandaigdigang Museo ng Kababaihan, kasalukuyang tampok sa kanilang website ang pagiging ina. Binigyang mukha ng eksibit na MAMA: Pagiging Ina sa Iba't Ibang Bahagi ng Mundo ang samu't saring aspeto ng pagiging ina, sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga kababaihan mula Nigeria, Kenya, Afghanistan, Estados Unidos, Colombia, Hungary, Tsina at Norway.