Mga diary tungkol sa COVID-19 mula sa Wuhan: Mga pakiramdam na walang kapanatagan

Isang asong tumatahol sa mundo sa labas. Larawang kuha ni Guo Jing. Ginamit nang may pahintulot.

Ang sumusunod na post ay ang ikawalo sa serye ng mga diary na isinulat ng malayang filmmaker at peministang iskolar na si Ai Xiaoming at ng peministang aktibista na si Guo Jing. Pareho silang nakatira sa Wuhan sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic. Narito ang mga link sa unaikalawaikatloikaapatikalimaikaanim, at ikapitong bahagi ng serye.

Tunghayan ang special coverage ng Global Voices ukol sa pandaigdigang epekto ng COVID-19.

Isinulat itong yugto mula ika-3 hanggang ika-5 ng Marso, 2020. Inilathala sa Matter News ang mga orihinal na diary sa Tsino.

Guo Jing: ika-3 ng Marso, 2020

弦子是我非常敬佩的一个人。…这次疫情期间,她也做了很多志愿工作。我就跟她聊了一下。
弦子负责对接医院的需求、采买物资。这些工作在封锁中困难度明显增加。不仅国内的医用物资匮乏,国外的医用物资也较平时短缺。有在国外的朋友跑药店找物资,海关一度对医疗物资管控比较严,她们就找人从国外人肉带物资回来。帮忙带物资的人知道物资是给捂汗的,就自己出了快递费。
弦子在采买紫外线灯管的时候,跟她沟通的店员自己花钱从店里多买了几个灯管一起寄给医院。有一次,一批防护服到了上海,很多快递都不往捂汗发货,她们通过各方联系,正好碰上百世快递要捐赠物资到湖北,就顺便帮她们把物资捎上了。
弦子说,医院在接受物资的时候都很谨慎,不接受除医疗物资外的物资,求助的医用物资只要最少的量,够用就建议分给别的医院。最常听到医生说的话是少买”。医生都不愿意麻烦别人,他们能自己想办法买到的物品就自己买,比如买菜。
有个医生跟她讲:“不知道一切是为了什么。医院一开始还给开单接受社会捐赠,后来医院不让他们接收捐助。”有医生连续上了十几天班,想请假,但医院不批。疫情期间,一些医生住在酒店,但酒店没有人负责打扫。医生上下班的路上要多次停下来出示证件,有的社区工作人员还会要求医生必须下车。
弦子说,每天打开手机都是关于肺炎的信息,一度觉得捂汗就是人间地狱,不知道什么时候会停下来。不过,做物资捐赠不直接接触病人,有很多事情做,会让人不沉浸在情绪中。

Isang taong sobra kong nirerespeto si Xianzi. Marami na siyang nagawang pagboboluntaryo sa panahon ng pandemyang ito, at nakipag-usap ako sa kaniya tungkol sa kaniyang gawain.

Tinutulungan ni Xianzi ang mga osiptal na bumili ng mga suplay. Hindi ito isang madaling gawain habang may lockdown. Hindi lamang sa aming bansa umiiral ang kakulangan ng mga medical supply, kundi pati na rin sa ibang mga bansa. Nagpunta sa mga botika upang bumili ng mga medical supply ang ilan sa mga kaibigan niyang nasa ibayong dagat. Pinigil ng opisina ng Customs sa Tsina ang mga medical supply sa umpisa ng outbreak, at pinakiusapan ng maraming Tsino sa ibayong dagat ang kanilang mga kakilala upang dalhin nang personal sa Tsina itong mga medical supply. Pumayag na magbayad ng delivery fee papuntang Wuhan iyong mga nagdala ng mga suplay pabalik sa Tsina.

Minsan, nang bumili ng mga ultraviolet light si Xianzi, napagpasyahan ng mga tinderong bumili ng ilan pang ultraviolet light mula sa sarili nilang mga bulsa. Ang volunteer network ay nakatanggap din ng maraming protective gown na dumating sa Shanghai, ngunit tumanggi ang karamihan sa mga delivery company na ihatid ang mga ito sa Wuhan. Kalaunan, nagawa nilang makakuha ng tulong mula sa isang delivery company, Bestax, na nagplanong maghandog ng mga suplay sa Hubei.

Sinabi ni Xianzi na sobrang maingat ang mga ospital sa pagtanggap ng mga handog na suplay. Tumatanggap lamang sila ng mga medical supply at sa kaunting dami lamang. Kung may sapat na mga suplay ang ospital, imumungkahi nila sa mga boluntaryo na ihandog ang mga suplay sa ibang mga ospital. Madalas silang paalalahanan ng mga doktor, “Huwag kayong bumili nang sobra.” Ayaw mang-abala ng iba iyong mga doktor. Susubukan nilang gawin ang mga bagay nang mag-isa kung maaari, tulad ng pagbili ng mga gulay.

Minsang sinabi sa kaniya ng isang doktor, “Hindi ko alam kung anong nangyayari rito. Noong una, maglilista ng mga kailangan namin ang ospital at makatatanggap kami ng mga donasyon. Pagkatapos, nagbago ang patakaran at hindi sila pinayagang tumanggap ng mga donasyon.” Tuloy-tuloy na nagtrabaho sa loob ng mahigit sampung araw ang ilang doktor, at hindi sila pinayagang magpahinga muna kahit isang araw. Habang may pandemya, nanatili sa mga hotel ang ilang doktor, ngunit walang naglinis ng mga silid para sa kanila. Kapag pumapasok sa ospital at umuuwi ang mga doktor, kinailangan nilang ipakita ang mga ID nila nang maraming beses sa mga checkpoint sa mga kalsada at sa mga ospital. Minsan, pinakikiusapan pa silang bumaba ng bus ng mga manggagawa sa pamayanan.

Sinabi ni Xianzi na sa tuwing binubuksan niya ang telepono, tungkol sa pulmonya lamang ang impormasyong natatanggap niya, at pakiramdam niya na tila impyerno ang Wuhan. Walang nakaaalam kung kailan matatapos ang pandemya. Dahil sa pagboboluntaryo, nawala ang atensyon niya sa mga negatibong emosyon dahil ang trabaho niya ay paghahatid ng mga suplay sa halip na pangangalaga ng mga pasyente.

Isang babaeng nagkakabit ng paskil para sa ‘adbokasiya laban sa karahasang pantahanan.’ Larawang kuha ni Guo Jing. Ginamit nang may pahintulot.

Guo Jing: ika-4 ng Marso, 2020

万飞是湖北省监利县公安局法制大队民警。从警30年,他接触了大量家暴案件,他看到了受害者求助难的问题。万飞发起成立了“监利县蓝天下妇女儿童维权协会”,并与妇联共同发起“万家无暴”公益项目,推动反家暴工作的多部门联动。
他在接受采访时说,“根据我们的统计数据,90%的暴力原因与COVID-19流行有关。”荆门监利县派出所在2月份收到162个家庭暴力的报警,是去年同期(47起)举报的三倍。一月份报告的案件数量也比去年同期翻了一番。
每个数字背后都是真实的伤痛,而这些数字还不是全部,还有很多家暴受害者由于种种限制和困难没能报警。
今天早上阳光还不错,有种久违的感觉。我到楼下散步。物业的三个工作人员在院子里聊天。
遛狗的男人见我天天下楼,就过来跟我搭话。他姓周,跟我住一栋楼,住在10楼。周先生的妻子在捂汗市人民医院工作,之前一直在上班,前几天才调休。他听妻子说,12月底,医院的人都在传费盐的事情,而且情况已经很严重,当时就有很多人去世,但不让外传。
他妻子在肿瘤科,肿瘤科的很多医护人员和病人都感染了费盐。医院现在只接受新·冠费盐的病人,其他科室基本都关了。
周先生是开酒店的,酒店一个月的租金就要11万。他的酒店有三十多个人,现在只能发一半的工资,都没有缴社保。这个月的十五号快到了,又要发工资了,他也很发愁。
平时酒店的营利比较少,只能保本,主要的营利时间是春节前后的两个月。春节前,周先生的酒店还进了几十万的野味,现在也没法处理。周先生说:“这次疫情之后,会有五六成的酒店倒闭。”
中午送煤气罐的人来了,他穿着防护服,只把煤气罐送到小区楼下,不上楼。我把煤气罐换上,又可以炒菜了。

Isang pulis sa Jianli county sa lalawigan ng Hubei si Wanfey. Tatlumpung taon na siyang pulis, at marami na siyang hinawakang kaso ng karahasang pantahanan. Palagay niya na sobang hirap para sa mga biktima ng karahasang pantahanan na humingi ng tulong at dahil dito, noong 2014, nagpasimula siya ng isang NGO na tinatawag na “Samahan para sa mga Karapatan ng Lahat ng Kababaihan at Kabataan sa Jianli.” Nakipagtulungan din siya sa All-China Women's Federation sa isang proyektong kawanggawa na tinatawag na “Walang Karahasang Pantahanan,” kung saan pinalalakas nito ang magkatugmang pagkilos ng mga kagawarang lumalaban sa karahasang pantahanan.

Sa isang panayam, sinabi niya, “Ayon sa estadistika namin, may kinalaman sa COVID-19 pandemic na ito ang 90 porsyento ng karahasang pantahanan.” Ang himpilan ng pulis sa Jianli ay nakatanggap ng 162 tawag tungkol sa karahasang pantahanan nitong Pebrero na tatlong beses na mas marami kaysa noong Pebrero 2019 (47). Mas mataas din ang bilang ng mga tawag na natanggap nila nitong Enero kaysa noong Enero 2019. Ang bawat isa sa mga bilang na ito ay kumakatawan ng isang masakit na kwento at hindi sumasalamin sa kabuuan. Maraming biktima ng karahasang pantahanan ay hindi makahanap ng mga paraan upang makausap ang pulisya.

Maaraw nitong umaga. Matagal ko nang hindi nasisilayan ang araw. Bumaba ako upang maglakad-lakad. Nag-uusap sa bakuran ang tatlong tauhan ng pamamahala ng ari-arian. Kinausap ako ng isang lalaking may kasamang aso, at sinabi niya na nakita niya akong lumalabas araw-araw. “Chou” ang apelyido niya. Nakatira kami sa parehong gusali. Nasa ikasampung palapag ang tirahan niya. Nagtatrabaho sa Wuhan Renmin Hospital ang asawa ni G. Chou, at nagtrabaho siya magmula noong lockdown, at sa wakas, nagawa niyang makapagpahinga muna ilang araw na ang nakalilipas. Sinabi sa kaniya ng asawa niya na pinag-usapan ng mga tauhan sa ospital ang pulmonya magmula noong Disyembre. Seryoso ang kalagayan, at maraming namatay na tao. Gayunpaman, hindi sila pinayagang sabihan ang ibang tao.

Nasa Departamento ng Onkolohiya ang asawa niya. Nahawaan ang maraming medical staff at pasyente sa departamento niya. Ngayon, tumatanggap lamang ang ospital ng mga pasyenteng na-diagnose na may COVID-19. Sarado ang ibang mga departamento.

Nagpapatakbo ng isang hotel si G. Chou. Ang renta para sa hotel niya ay 110,000 CNY (15,524 USD). Nagha-hire siya ng mahigit 30 katao, ngunit ngayon, nababayaran niya lamang sila ng kalahati ng kanilang sweldo. Hindi na niya binabayaran ang social insurance nila. Nanlulumo siya dahil kailangan niyang swelduhan ang mga empleyado niya ngayong kinsenas.
Kadalasan, napupunta sa mga bayarin ang kinikita niya mula sa hotel. Ang pangunahing kita ng hotel niya ay ang maaari niyang kitain mula sa buwan bago at pagkatapos ng Bagong Taong Tsino. Gumastos siya ng libo-libong yuan upang bumili ng pagkain para sa hotel niya bago ang Bagong Taong Tsino. Ngayon, hindi niya alam kung anong gagawin niya sa pagkaing iyon. Sinabi sa akin ni G. Chou, “Palagay ko na isasara ang 50 hanggang 60 porsyento ng mga hotel pagkatapos ng pandemya.”

Guo Jing: ika-5 ng Marso, 2020

一个在湖北荆州的朋友说,昨天荆州网发了微信文章预测荆州各县市3月10日解禁,还写着“权威发布”。她说:“希望不要是假新闻。”我听到这个消息也很激动,任何一个城市的解封都是好消息,就问她要文章链接来看。她边找边开心地说:“解封了想去公园溜达。”
结果,找到的文章是《荆州10号解封是谣言,zf免费送10斤菜是真的!》。朋友立刻失落起来,叹了口气说:“一下子又觉得遥遥无期了。”
下午,团购的生活物资到了。我买了5瓶老干妈,下单的时候我就在想是不是没有必要买那么多,但还是没法理性地判断该买多少。最近跟很多朋友聊天的时候都谈到囤积癖。…这次疫情可能会增加很多人在物质方面的不安全感,不自觉地囤积物品

Sinabi ng isang kaibigan mula sa Jingzhou sa lalawigan ng Hubei na ang media outlet ng lungsod ay nag-repost ng isang artikulo sa WeChat na naghuhula na iaalis ang lockdown sa Jingzhou sa ika-10 ng Marso. Binigyang-diin ng artikulo na galing ang balita sa “source na may kapangyarihan.” Saad niya, “Sana hindi ito pekeng balita.”

Sobrang natuwa rin ako tungkol dito. Talagang magandang balita ang pag-alis ng lockdown. Hiningi ko sa kaniya ang link ng artikulo. Habang hinahanap niya ito, sinabi niya, “Gusto kong pumunta sa parke upang maglakad-lakad pagkatapos ialis ang lockdown.” Sa huli, nalaman niyang peke ang balita, ngunit totoo ang balita tungkol sa pamimigay ng pamahalaan ng 10 kilo ng gulay. Sobrang nadismaya ang kaibigan ko. Bumuntong-hininga siya at sinabing, “Pakiramdam ko bigla na hindi na darating ang araw na iyon.

Sa hapon, dumating ang inorder ko mula sa group buying. Bumili ako ng limang bote ng Lao Gan Ma (isang maanghang na sawsawan). Nang inilagay ko ang order, inisip ko nang maigi kung kailangan ko ba talagang bumili ng sobrang dami. Hindi makatwiran ang naturang desisyon. Sa chat namin, nagbahagi ng parehong kwento ang marami sa kaibigan ko tungkol sa hindi-mapigilang pag-imbak. Dahil sa pandemyang ito, nawalan kami ng kapanatagan at nag-iimbak kami ng mga bagay nang hindi namamalayan.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.