Ang sumusunod na post ay ang ikapito sa serye ng mga diary na isinulat ng malayang filmmaker at peministang iskolar na si Ai Xiaoming at ng peministang aktibista na si Guo Jing. Pareho silang nakatira sa Wuhan sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic. Narito ang mga link sa una, ikalawa, ikatlo, ikaapat, ikalima, at ikaanim na bahagi ng serye.
Tunghayan ang special coverage ng Global Voices ukol sa pandaigdigang epekto ng COVID-19.
Isinulat itong yugto mula ika-28 ng Pebrero hanggang ika-2 ng Marso, 2020. Inilathala sa Matter News ang mga orihinal na diary sa Tsino.
Guo Jing: ika-28 ng Pebrero, 2020
疫情中的家暴正在浮出水面。疫情期间的封锁增加了受害者求助的难度,也增加了反家暴的支持工作的困难。
我也接到一些家暴的求助,有几个求助者是因为疫情不能上学的孩子,他们要天天面对父母的争吵和暴力而不知所措。即便有困难,受害者还是在求助,那我们要尽力让她们看到有人在支持她们。
下午,团购的水果到了。我买的是一份8斤的砂糖橘,50元。大家都说物业团购的水果质量很好,纷纷表示感谢。有人在家里做了炸鸡腿,拍照发到群里,外焦里嫩的,旁边还洒着胡椒面,大家都被馋得不行。
Lumilitaw ang karahasang pantahanan habang may pandemya. Dahil sa pandemya, mas nagiging mahirap para sa mga biktima na manawagan ng tulong at para sa amin na tulungan itong mga biktma.
Nakatanggap ako ng ilang mensahe mula sa mga biktima ng karahasang pantahanan na humihingi ng tulong. Ilan sa mga biktima ay mga batang hindi makapasok sa paaralan dahil sa pandemya. Pakiramdam nitong mga bata na wala silang magawa kapag nakikita nila ang mga alitan at karahasan sa pagitan ng kanilang mga magulang araw-araw. Sa kabila ng mga suliranin, humihingi pa rin ng tulong itong mga biktima. Kailangan naming gawin ang aming makakaya upang ipaalam sa mga biktima na handa kaming tulungan sila.Sa hapon, dumating ang mga prutas mula sa group buying. Bumili ako ng 8 catty ng mga dalanghita. Nagkahalaga ito ng 50 CNY (7 USD). Nagpahayag kaming lahat ng aming pasasalamat dahil napakaganda ng kalidad ng prutas. Nagluto ang ilang tao ng mga pritong chicken drumstick sa bahay at nagpadala sila ng mga larawan sa grupo namin. Sunog ang labas ng mga pritong chicken drumstick ngunit malambot ang loob na binudburan ng paminta. Nanabik kaming lahat para rito.
Ai Xiaoming: ika-28 ng Pebrero, 2020
明天缺货需要等值交换的品类如下:
1 五花肉3斤换成腊排骨3斤(退差价30)
2 瘦肉5斤换牛肉5斤
3 冻脊骨2斤换筒子骨2斤(补差价10)
大家今天收到了吐司,明天早上烤起啊,千万不要浪费每一口。
4 苹果,梨,砂糖橘,沃柑,不足的等价互换
5 小番茄8斤换耙耙柑4斤
6 火腿肠1箱换腊排骨1袋(退差价10)
你家有没有酵母呀?
7 牛奶12盒1箱换速溶咖啡40支
8 煎饺1斤换烧麦1kg(补4元)
9 番茄5斤 换随机等价值水果
Ang listahan ng mga pagkaing maaaring palitan sa isang grupo online dulot ng kakulangan ng suplay ng pagkain:
- 3 catty ng tiyan ng baboy (dagdag na 30 CNY o 4.2 USD) kapalit ng 3 catty ng pinatuyong mga buto-buto ng baboy
- 5 catty ng lomo kapalit ng 3 catty ng baka
- 2 catty ng mga frozen backbone kapalit ng 2 catty ng mga buto ng binti (dagdag na 10 CNY o 1.4 USD)
Para sa mga tumanggap ng tustadong tinapay ngayong araw, huwag kalimutang ihurno ito bukas ng umaga. Mangyaring huwag aksayahin ang kahit alin dito.
- Mga mansanas, mga peras, mga dalanghita, at mga Orah mandarin. Kung hindi ito sapat, magsagawa ng barter.
- 8 catty ng mga kamatis kapalit ng 4 catty ng mga dalandan
- isang kahon ng bacon sausage (dagdag na 10 CNY o 1.4 USD) kapalit ng isang pakete ng pinatuyong mga buto-buto
May pampaalsa ba kayo?
- isang kahon ng gatas (12 pakete) kapalit ng 40 pakete ng instant coffee
- 1 catty ng mga pritong dumpling kapalit ng 1 kilo ng mga pinasingaw na dumpling (dagdag na 4 CNY o 0.57 USD)
- 5 catty ng mga kamatis kapalit ng mga prutas na napili nang sapalaran (barter)
Guo Jing: ika-29 ng Pebrero, 2020
今天,我想讲一讲那些在努力发声的人。
下面是我跟一个志愿者的对话
我:这次费盐对你有什么样的影响?
志愿者:很幸运的是,我和我身边的人都没有感染。但是我觉得这次费盐对我的影响很大,封锁是一个强制性的措施,将每个公民原子化,让我们在感到无力和绝望的时候不知道该如何求助。
另一方面看到那些绝望的求助的声音,我非常害怕人们会在一切结束之后忘记这些,就像我们一直以来做的那样,所以我很希望能够找到一种方式,让大家记住。这也是我个人想做这个项目的原因之一。那种行动的欲望很强烈。
我:你们开始做这个项目后,你的状态有变化吗?
志愿者:其实没有太多变化,尤其是每次整理那些求助信息的时候,都很想大哭一场。而且我好怕我在做这样琐碎的工作时一不小心就把他们当成了一个信息、一个数据 ,害怕自己看不到或者忘记背后这些家庭的挣扎,害怕自己麻木,害怕自己把它当成一项琐碎的工作。但好在,还没有。
只是我发现行动本身似乎并不能改善状态,行动不是一种自我救赎,行动可能甚至并改变不了什么,但是我们仍然需要行动这个志愿者已经复工,在家办公,每天再花一个小时收集信息。这个项目志愿者人数也不多,目前搜集了一百三十多个案例。有兴趣的朋友可以加入TA们。
未被记录的TA们
https://shimo.im/docs/jj3wR6h6jCpKGDjX/read
Ngayong araw, gusto kong pag-usapan iyong mga gumawa ng kanilang makakaya upang gumawa ng ingay.
Sa ibaba ay ang pag-uusap namin ng isang volunteer (V).
I: Paano ka naaapektuhan nitong pandemya?
V: Maswerte na ako at ang mga tao sa paligid ko ay hindi nahawa. Gayunpaman, palagay ko na naapektuhan ako nang sobra nitong pandemya. Ang sapilitang lockdown ay inalis ang pansariling pagkakakilanlan ng mga tao. Ni hindi namin alam kung paano hihingi ng tulong dahil masyadong nakayayanig ang pakiramdam na walang magawa at walang pag-asa.
Sa kabilang banda, nang mabasa ko ang mga mensaheng ipinadala ng mga nawalan ng pag-asa, natakot ako na baka malimutan namin ang nangyari pagkatapos ng pandemya, tulad ng napagdaanan namin dati. Samakatuwid, gusto kong maghanap ng paraan upang ipaalaala sa ating lahat ang nangyari. Isa ito sa mga dahilan kung bakit gusto kong gawin itong proyekto. Kailangang may gawin ako.
I: Nagbago ba ang kalagayan mo matapos mong simulan itong proyekto?
V: Sa totoo lang, hindi masyadong nagbago ang kalagayan ko. Sa tuwing itinatala ko iyong mga mensahe ng paghingi ng tulong, lagi kong gustong umiyak. Sa tuwing ginagawa ko itong tila baga mumunting gawain, natatakot ako na tatratuhin ko itong mga mensahe bilang kapirasong impormasyon o data at maging manhid ako o mabigong makita ang mga pakikibaka nila sa likod ng kanilang mga mensahe. Natatakot akong maging manhid at maliitin ang kanilang gawain… ngunit salamat sa Diyos at hindi ko ito nagawa.
Gayunpaman, napagtanto kong hindi makapagpapabago ng ating kalagayan ang mismong pagkilos. Hindi dapat isang uri ng kaligtasan ng sarili ang pagkilos. Wala man itong mabago, ngunit kailangan nating kumilos.Bumalik sa trabaho itong volunteer. Nagtatrabaho siya sa bahay, at ginugugol niya ang isang oras kada araw sa pangangalap nitong mga mensahe. Wala masyadong mga volunteer na sumali sa proyektong ito, ngunit kumalap sila ng humigit-kumulang 130 kaso. Kung interesado ka, mangyaring huwag mag-atubiling sumali sa kanila. Ang proyekto ay tinatawag na “Ang mga hindi dokumentadong tao.”
Guo Jing: ika-una ng Marso, 2020
小区已经封了近两个星期了,依然有新增病例,昨天武汉市新增565例,这确实令人心慌。问题是,我们并不知道新增的病例究竟为何感染,大家就会猜测,觉得都是出门导致的。希望卫健委除了统计确诊的数字,也开始分析新增病例感染的原因,以减轻公众的恐慌。
Dalawang linggo na magmula nang ni-lock down ang mga residential district. Gayunpaman, may mga bago pa rin kaming kumpirmadong kaso. Kahapon, nagkaroon kami ng 565 bagong kumpirmadong kaso sa Wuhan. Nag-aalala kami dahil dito. Ang problema ay hindi namin alam kung paano nahawa itong mga bagong kaso. Nagsimula kaming maghaka-haka at mag-isip na baka ang paglabas ay ang dahilan. Bukod sa bilang ng mga taong nahawaan, sana masuring mabuti ng kagawaran ng kalusugan kung paano nahawa ang mga bagong kaso upang hindi masyadong makaramdam ng pagkataranta ang mga tao.
Guo Jing: ika-2 ng Marso, 2020
今天,物业的主任在小区群里发了一个紧急通知,内容是:即日起居民购药必须由所在社区指定工作人员或志愿者代购,禁止对个人售卖,销售前必须核对社区代购人员相关证明,代购感冒药、退烧药,必须查验身份证,同时药店按要求做好销售登记及上报。无法提供证明材料或身份证的,一律不得销售。
今天翻看了一下那个群,群里有一百多个人,每天都有人在买药,大家的需求各种各样,有买口罩和酒精的,还有很多慢性病人买降血压的药、痔疮膏、治皮肤病的药、控制糖尿病的药、治鼻炎的药,还有买维生素、眼药水、消炎药的。
社区工作人员是否能够承担得了那么多工作吗?团购蔬菜如果不及时,可能不会威胁到生命。可是,如果有些慢性病人不能及时拿到药物,可能会出现危及生命的情况。我有时候想这是不是一场试验,测试人可以被管控到什么程度,人类可以的承受极限是什么。
我到院子里走一下,小区的清洁工对我说“我看你也是关不住,天天都下来。”我笑着说:“是呀。”她说:“我也是关不住。”
她在做清洁,她女儿在医院做护士,她也不太担心,说:“生死是一定的,没有什么好怕的,有的人得病就好了,有的人得病就死了。”
Ngayong araw, pinadalhan kami ng direktor ng pamamahala ng ari-arian ng isang emergency notice. Sinabi sa pabatid na simula ngayon, hindi makabibili ng mga gamot ang mga residente nang mag-isa. Kailangan naming pakiusapan ang mga itinalagang tauhan o volunteer upang bumili ng mga medical item para sa amin. Susuriin ng botika ang mga nauugnay na katibayan bago ibenta ang mga gamot sa mga itinalagang mamimili. Kapag pinakiusapan namin silang bumili ng mga gamot para sa sipon o lagnat, itatala ng mga itinalagang tao ang mga ID namin at ibibigay ang mga ito sa botika. Pagkatapos, ipadadala sa pamahalaan ang tunay na pangalan ng mga mamimili at ang rekord ng pagbili. Walang makabibili ng mga gamot mula sa botika nang walang katibayan o ID.
Ngayon, tiningnan ko ang isang pangkat (na nagkokoordina ng pamimili ng gamot). May mahigit 100 katao sa pangkat, may mga taong bumibili ng mga medical item araw-araw. May iba't iba tayong mga pangangailangan. Bumibili ang ilang tao ng mga face mask o rubbing alcohol. Ang ilang taong may mga kronikong karamdaman ay kailangang bumili ng mga gamot sa altapresyon, almuranas, mga sakit sa balat, diabetes, at rhinitis. Bumibili ang ilang tao ng mga bitamina, pampatak sa mata, o mga gamot laban sa pamamaga.
Makagagawa ba ng ganito karaming trabaho ang mga tauhan ng pamayanan? Hindi nakamamatay kung hindi sila makabibili ng pagkain namin sa tamang oras. Gayunpaman, para sa mga may kronikong karamdaman, nakataya ang buhay nila sa tamang oras na pagbigay ng gamot. Minsan, naiisip ko na nilalagay kami sa isang uri ng eksperimento, kung saan sinusubok nito kung hanggang saan kayang tanggapin ng mga tao na kinokontrol sila at kung hanggang saan ang kaya naming tiisin.
Nagpunta ako sa bakuran upang maglakad-lakad. Kinausap ako ng babaeng tagapaglinis ng pamayanan namin, “Nakikita kitang bumababa araw-araw. Hindi mo matiis na manatili lagi sa bahay, ano?” Ngumiti ako at sinabing, “Oho.” Saad niya, “Hindi ko rin matiis na manatili lagi sa bahay.”
Tagalinis siya, at isang nars na nagtatrabaho sa isang ospital ang anak niyang babae. Hindi siya nag-aalala rito. Wika niya, “Napagpasyahan na ang mabuhay o mamatay. Walang dapat ipag-alala. Nahawaan ang ilang tao ngunit gumaling. Nahawaan ang ilang tao at namatay.”