Ehipto: Karapatan ng mga Kababaihan, Isinusulong ng ID Mo, Karapatan Mo

Ayon sa datos ng Ministry of Interior sa bansang Egypt, aabot sa 4 na milyong kababaihan [en] sa kanilang bansa ang walang opisyal na pambansang ID. Ang isang babaeng walang ganitong ID ay hindi maaaring magmay-ari ng lupain [ar], makabili o makapagbenta ng mga ari-arian at mabahagian ng pamana [ar] mula sa mga kamag-anak.

Ang kawalan ng ID ang siya rin dahilan kung bakit hindi nakakatamasa ang maraming kababaihan ng serbisyo ng gobyerno, katulad ng edukasyon, pangkalusugan, kakayahang bumoto at iba pang mga karapatang pantao. Dahil dito, isang bagong kampanya ang inilunsad upang mabigyan ang lahat ng kababaihan ng pambansang ID.

Ito ang kampanyang “ID mo, Karapatan mo”, kung saan layong mabigyan ng ID ang 2 milyong kababaihan ng libre. Inilunsad ang paunang kampanya nitong taon lang [ar].

2 Milyong IDs para sa 2 Milyong Kababaihan

2 Milyong IDs para sa 2 Milyong Kababaihan

Ayon sa Facebook page ng nasabing programa [ar]:

المرحلة التجريبية سوف تشمل الـ 3 شهور القادمة (ابتداءا من مارس) و سوف تبدأ في محافظة القليوبية و هي تضم 14 مركز و تهدف أكثر من 40 ألف سيدة لا تملك بطاقة رقم قومي. تم أختيار المراكز التالية فى محافظة القليوبية للمرحلة التجريبية: مركز بنها، مركز قليوب، مركز شبين القناطر ومركز القناطر الخيرية

Magmula Marso, tatagal ang paunang programa ng tatlong buwan, at gagawin ito sa 14 na distrito sa rehiyon ng Qaliobeya, kung saang bibigyan ang 40,000 kababaihan doon na walang ID. Ang mga distritong napili sa Qaliobeya para sa paunang bahagi ng kampanya ay ang mga sumusunod: Benha, Qalioub, Shebin El Kanater at El-Kanater El-Khayreya.
Ayon sa ulat ng UN noong 2006, 41% ng mga babae sa Egypt ay hindi marunong magbasa o sumulat. Larawan mula kay Ilene Perlman.

Ayon sa ulat ng UN noong 2006, 41% ng mga babae sa Egypt ay hindi marunong magbasa o sumulat. Larawan mula kay Ilene Perlman.

Bagamat hindi ito ang unang kampanya na may katulad na hangarin, nakakuha naman sila ngayon ng suporta mula sa iba't ibang NGO, kabilang na ang UN Women (United Nations Entity for Gender Equality and the Empowerment of Women), UNDP (United Nations Development Program), MSAD (Ministry of State for Administrative Development), SFD (Social Fund for Development), MoFA (Ministry of Foreign Affairs), at iba pa.

Naging kasangkapan naman ang social media upang mapalaganap ang nasabing proyekto. Sa tulong ng Twitter [ar] at Facebook [ar], napalaganap ng proyekto ang kaalaman tungkol sa mga isyung pangkasarian ng bansa.

Sa Twitter, halimbawa:

@Million_ID: تم تصنيف مصررقم 120 من بين 128 دولة علي قياس الفجوة بين الجنسين
@Million_ID: Ika-120 ang Egypt sa 128 bansa pagdating sa karapatang pangkasarian.
ID mo, Karapatan mo

ID mo, Karapatan mo

Nais din ng proyekto na mapakalat ang mga ganitong usapin sa pamamagitan ng pag-repost at pag-retweet ng mga tao sa Facebook at Twitter.

Narito ang kanilang apela:

@Million_ID: هدفنا اونلاين مش اننا نوصل للنساء في القري و لكن هدفنا هو نشر الوعي للناس من الطبقة المتوسطة و العليا
@Million_ID: Ang layon ng aming pagkilos online ay hindi para sa mga kababaihan sa kanayunan, kundi para ipalaganap ang ganitong kaalaman sa mga middle at upper class.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.