Ang sumusunod na post ay ang ika-12 sa serye ng mga diary na isinulat ng malayang filmmaker at peministang iskolar na si Ai Xiaoming at ng peministang aktibista na si Guo Jing. Pareho silang nakatira sa Wuhan sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic. Narito ang mga link sa una, ikalawa, ikatlo, ikaapat, ikalima, ikaanim, ikapito, ikawalo, ikasiyam, ikasampu, at ika-11 bahagi ng serye.
Tunghayan ang special coverage ng Global Voices ukol sa pandaigdigang epekto ng COVID-19.
Isinulat itong yugto mula ika-15 hanggang ika-19 ng Marso, 2020. Inilathala sa Matter News ang mga orihinal na diary sa Tsino.
Ai Xiaoming: ika-15 ng Marso, 2020
早上起来,打开冰箱,手在饺子那里停了一会儿。春节前夕,老家的侄儿儿媳给我们姐弟两家包了一千个饺子送来。家里阿姨回乡过年前也包了上百个饺子留下。这些饺子,现在只剩了二、三十个。按理,我吃掉也没有关系。但是,弟妹带着孩子回来,就尝不到亲情饺子了。
衣食无忧如我,也会叹饺子所剩无几;由此想到一些小视频里出现的居民生活匮乏的场景。有的老人不会团购,听说社区要送菜,坐在家门口等了一整天,然后失望地告诉外地子女,今天没有等到菜。
每次经历了大灾难和生死劫,我们这里,都有两种力量的角力。一种是强化和坚持我们对于权利和尊严的珍视,另一种是降低标准,每过一劫降一次。这样,灾难节节长,受难者把苟活当幸运。疫情过后,我们注定会庆幸自己的存在;但整个社会将提升对生命和权利的尊重,还是放弃或拉低了它的标准?目前各地都有以防疫为名侵犯公民权利,以及对弱者缺乏保护的情形。大难不死很可能留下长久的负面遗产,那就是满足于苟活且放任自私自利,以邻为壑。
Nitong umaga, nang buksan ko ang ref upang maghanap ng pagkain, huminto ang kamay ko sa mga dumpling. Bago sumapit ang Bagong Taong Tsino, naghanda ang pinsan ko at ang asawa niya ng 1,000 dumpling para sa akin at sa kapatid ko, at iniwanan din ako ng katulong namin ng ilang daang dumpling bago siya umuwi para sa holiday break. Ngayon, 20-30 dumpling na lamang ang natitira. Kaya kong ubusin lahat itong mga dumpling. Kaya lang, kapag binisita ako ng hipag ko at mga anak niya, hindi nila matitikman itong mano-manong ginawang napakasarap na pagkain.
Kahit hindi ako mapag-alala, nag-aalala pa rin ako sa hindi pagkakaroon ng sapat na dumpling. Nagpaalaala ito sa akin ng ilang video clip na nagpapakita kung paano pingkaitan ng pagkain ang ilan. Ilang senior citizen na hindi alam kung paano sumali sa mga grupo upang bumili online—uupo sila sa labas ng bahay nila at naghihintay sa mga manggagawa sa pamayanan na maghatid ng mga gulay. Madalas, sa pagtatapos ng araw, sasabihin nila sa mga anak nila na nasa ibang lungsod na hindi sila nakakuha ng mga gulay.
Kapag may pinagdadaanang sakuna o traumatic na karanasan ang mga tao, nahihirapan silang pumili kung dapat ba silang maging matiyaga sa pagtatanggol ng mga karapatan at dignidad nila, o isuko ang mga prinsipyo nila. Sa ikalawang kaso, isinusuko natin ang ilan sa mga prinsipyo natin sa tuwing nakararanas tayo ng sakuna. Matapos ang ilang sakuna, maiisip ng mga biktima na mapalad ang maka-survive lamang. Pagkatapos nitong pandemya, malamang na mararamdaman nating maswerte tayo na buhay tayo. Ngunit paano ang lipunan natin sa kabuuan? Magkakaroon ba ito ng mas malaking respeto para sa buhay at mga karapatan ng tao? Isusuko ba nito ang mga panimulang prinsipyo? Nitong mga nakaraang araw, naobserbahan namin ang maraming hakbang sa pagkontrol sa pandemya na lumalabag sa mga karapatang pantao. Hindi napoprotektahan ang mga mahihina. Maaaring magresulta sa isang pangmatagalang negatibong epekto ang pag-survive sa isang sakuna, gaya ng pagiging kuntentong maka-survive lamang at ang pangingibabaw ng indibidwal na kasakiman at interes na ikasisira ng iba.
Guo Jing: ika-15 ng Marso, 2020
今天的阳光依然很好,连续几天天气都很好,春天似乎真的来了。一个城就这样从冬天封到了春天。
今天有人在群里发了最新的无疫情小区名单,我们小区终于上榜了。大家又关心起社区别的小区有没有上榜。下午,小区门口贴了“无疫情小区”的牌子,物业主任拍照发到了群里,大家又是点赞,又是鼓掌,又是感谢。
Maaraw ngayon. Nagkaroon kami ng ilang sunod-sunod na maaraw na panahon. Tila dumating na ang tagsibol. Naka-lockdown itong lungsod mula taglamig hanggang tagsibol.
Ngayong araw, may nag-post sa chatroom namin ng na-update na listahan ng mga pamayanang walang kumpirmadong kaso, at sa wakas, nasa listahan ang pamayanan namin. Tiningnan din namin ang ibang pamayanan sa lugar namin. Sa hapon, nakapaskil sa tarangkahan ng distrito namin ang karatulang may nakasulat na “pamayanan na walang kumpirmadong kaso.” Kumuha ng larawan ang tagapamahala ng ari-arian at ipinadala ito sa chatroom namin. Ni-like namin ang larawan, pumalakpak, at nagpasalamat.
Guo Jing: ika-16 ng Marso, 2020
前几天有网友曝光了医护人员在疫情期间拿到的工资反而比平时少。这是因为医护人员平时的收入除了基本工资,还有绩效奖金,而疫情期间医院只发基本工资加补贴,有些人的工资反而少了。
Ilang araw na ang nakalilipas,ibinunyag ng ilang netizen na tumanggap ang medical staff ng mas maliit na sweldo kaysa sa dati habang may pandemya. Kadalasan, tumatanggap ang mga medical worker ng basic salary at bonus, ngunit binayaran sila ng mga ospital ng basic salary at subsidiya lamang habang may pandemya. Dahil dito, mas kaunting salapi kaysa sa karaniwang kinikita nila ang natanggap ng ilan sa kanila.
Guo Jing: ika-17 ng Marso, 2020
湖北一些地方解封也有几天了,可是朝令夕改的现象却让人摸不着头脑。昨天群里有个麻城的朋友说:“麻城明天又要封城了”,有人问:“为什么啊”,这人也不知道,说是村里刚发的通知,还艾特了大家,说:“政策有变,高速明天早上九点将禁止通行,办理了通行证的请抓紧时间返岗”。大家都紧张起来了,让有通行证的人赶紧走。
有个湖北的朋友小区解封了几天后,突然有一天,她的家人不知从哪里收到的消息,说是不让说的秘密消息,据说他们市要再封城,她和家人赶快去囤了一些米、油之类的食物,结果几个小时后又有人说再次封城的消息是谣言。
朝令夕改会让政府失去公信力,也会让人们没有安全感,无所适从。
Inalis ng ilang rehiyon sa lalawigan ng Hubei ang lockdown sa loob ng ilang araw. Gayunpaman, pabago-bago ang mga panuntunan at nalilito ang mga tao. Kahapon, sinabi ng isang taga-Macheng sa chatroom namin, “Ila-lockdown na naman ang Macheng bukas.” Tinanong ng isa pang tao kung bakit, ngunit hindi alam ng taong iyon ang dahilan. Sinabi niya lamang na tumanggap sila ng isang paunawa mula sa opisina ng village na nagsasabing: “Nagbago ang patakaran. Isasara ang highway bukas ng 9 n.u. Kung may pass ka [pahintulot na lumabas ng lungsod], mangyaring lumisan at bumalik sa trabaho sa lalong madaling panahon.” Lubhang balisa ang mga tao at hinimok iyong mga may pass na lumisan. Sinabi ng isa pang kaibigan mula sa Hubei na narinig ng pamilya niya mula sa di-kilalang source na ila-lockdown muli ang lungsod nila. Kumalat ang mensahe ilang araw matapos tanggalin ang lockdown sa lungsod. Tumakbo siya at ang pamilya niya upang bumiili ng bigas, mantika, at pagkain. Pagkalipas ng ilang oras, sinabi sa kanila na tsismis lamang ang naturang mensahe.
Patuloy na nagbabago ang patakaran, at hindi na kapani-paniwalang source ang pamahalaan. Hindi mapanatag at balisa ang mga tao.
Guo Jing: ika-18 ng Marso, 2020
有人说:“武汉的情况在好转”,武汉的疫情确实在好转,可是疫情引发的隔离、恐慌、牺牲、创伤是否在好转呢?新冠肺炎会给一些病人带来身体的后遗症,还会造成在武汉的人的心理后遗症,这需要多久才能好起来呢?
布鲁克林创伤中心的创始人巴塞尔·范德考克博士讲到创伤的时候曾指出,经历911的人们受到的创伤相对较小。他提到三个重要的影响因素:行动、关注、讲述。
行动”是指灾难发生的时候人们可以行动…“关注”是指911事件获得了全世界的关注…“讲述”则是人们能够去谈论自己的遭遇,更不会因为讲述而被指责。
这次疫情中,从封城到封小区,我们的行动空间却在逐步缩小,我们被困住。就关注而言,武汉确实获得了全世界的关注,可是人们的支持一度被阻断,医生不经医院允许不得向社会求助,志愿组织的医疗物资被官派机构所拦截。很多关注难以转化为实际的帮助。关于讲述,一些讲述在被封杀,很多网友纷纷准备了微博的备用号。
当悲剧接连发生,真话被当作谣言,“正能量”却被鼓吹。悲剧得到的社会关注遭到限制,问责得不到回应,人们的情绪就会慢慢地被消耗,愤怒在消失,无力在增强。
May nagsabi na “bumubuti ang kalagayan sa Wuhan.” Talagang kontrolado ang pandemya sa Wuhan. Gayunpaman, paano ang pagkataranta, sakripisyo, pag-iisa, trauma, at paghihirap na nauugnay sa pandemya? Gumaling ba ang mga ito? Nagdulot ng parehong pisikal at sikolohikal na pinsala ang COVID-19. Gaano katagal bago gumaling ang mga tao?
Nang tinalakay ni Dr. Bessel van der Kolk, ang tagapagtatag ng Trauma Center sa Brooklyn, ang sikolohikal na trauma, nabanggit niya mas kaunti ang trauma ng mga nakaranas ng 9/11 kaysa sa iba. May tatlong elementong nakapagpapagaan sa sikolohikal na trauma: Pagkilos, Pangangalaga, at Pagkukuwento.
Ang “pagkilos” ay nangangahulugang makakikilos ang mga tao kapag may nangyaring sakuna… Ang “pangangalaga” ay nangangahulugang nakuha ng pag-atake noong ika-11 ng Setyembre ang atensyon ng mundo… Ang “pagkukuwento” ay nangangahulugang makapag-uusap ang mga tao tungkol sa karanasan nila at hindi sila sisisihing mag-usap.
Sa pandemyang ito, lumiliit ang pagkakataon upang kumilos kami magmula nang palawigin ang lockdown mula sa lungsod hanggang sa mga residential district. Nakakulong kami. Kung isasaalang-alang ang “pangangalaga,” nakuha ng Wuhan ang atensyon ng mundo, ngunit minsang hinarang sa pagpasok ang dayuhang tulong—pinagbawalan ang mga medical worker na humingi ng tulong nang walang pag-apruba ng mga awtoridad ng ospital, at hinarang ng mga itinalagang organisasyon ng pamahalaan ang mga medical supply ng mga pangkat ng volunteer. Hindi naging pagkilos ang atensyon ng mga tao. Ukol sa “pagkukuwento,” sinensura ang ilan sa mga kuwento namin, at kailangang maghanda ng mga backup account sa Weibo ang marami.
Sa harap ng mga trahedya, tinatawag bilang tsismis ang mga totoong kwento, samantalang isinusulong ang “positibong enerhiya.” Kapag hinihigpitan ang pampublic atensyon para sa mga trahedya, at hindi natutugunan ang mga kahilingan ng mga tao na managot ang mga opisyal, unti-unting nawawala ang mga emosyon, at nilalamon ng pakiramdam na walang magawa ang galit.
Guo Jing: ika-19 ng Marso, 2020
武汉今天新增病例为0,这信息可信吗?
11点多,物业的工作人员在群里发消息说:“大家好,我们联系了理发师师傅,有需要的业主,可下来理发,每人20元。”马上就有男人到物业办公室的门口剪起来头发,有四五个男人还排起了队。
我前几天问一个律师有没有接到疫情期间的家暴受害者的求助。她今天告诉我,听当地妇联讲有个单亲妈妈打死了自己的孩子。朋友说可能是生存压力太大了,没有收入,因为封锁也不能出门,各种因素夹杂在一起导致了悲剧的发生。
可怕的是,她听说不止一个这样的惨剧。孩子死了,妈妈会被判刑。孩子很可怜,可我们也不能一味地指责妈妈,因为这是一个社会性的悲剧。
Walang kumpirmadong kaso ang Wuhan ngayong araw. Maaasahan ba ang impormasyong ito?
Ngayong araw, bandang 11 n.u., ibinalita sa chatroom namin ng tauhan ng opisina ng pamamahala ng ari-arian, “Kamusta, pinakiusapan namin ang isang barbero na pumunta sa pamayanan natin. Kung mayroon sa inyong gustong magpagupit, mangyaring pumunta. 20 CNY (2.83 USD) ang bayad kada tao.” Agad na nagpunta ang isang lalaki sa opisina ng pamamahala ng ari-arian, at kalaunan, may apat hanggang limang lalaki sa pila.
Ilang araw na ang nakalilipas, tinanong ko ang isang abugada kung tumanggap ba siya o hindi ng mga mensahe ng paghingi ng tulong mula sa mga biktima ng karahasang pantahanan habang may pandemya. Sinabi niya sa akin ngayong araw na sinabi sa kaniya ng lokal na branch ng All-China Women’s Federation na binugbog ng isang single mom ang anak niya hanggang sa mamatay ito. Sinabi niya na baka masyadong na-stress ang ina, baka wala siyang kita, o baka pakiramdam niya na nakulong siya habang may lockdown—humantong sa trahedya ang lahat ng pinagsama-samang sanhi na ito.
Ang mas kalagim-lagim ay hindi lamang ito ang trahedyang nabalitaan niya. Patay ang isang bata at sesentensiyahan ang isang ina. Nakaaawa ang kwento tungkol sa bata, ngunit hindi natin basta-basta masisisi ang ina. Isa itong trahedyang panlipunan.