Mga diary tungkol sa COVID-19 mula sa Wuhan: ‘Ang pagkilos namin ay nagdala sa amin ng pag-asa’

Mahilig magpa-araw ang mga tao habang may lockdown. (Larawang kuha ni Guo Jing.)

Ang sumusunod na post ay ang ikalima sa serye ng mga diary na isinulat ng malayang filmmaker at peministang iskolar na si Ai Xiaoming at ng peministang aktibista na si Guo Jing. Pareho silang nakatira sa Wuhan sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic. Narito ang mga link sa unaikalawa, ikatlo, at ikaapat na bahagi ng serye.

Tunghayan ang special coverage ng Global Voices ukol sa pandaigdigang epekto ng COVID-19.

Isinulat itong ikalimang yugto mula ika-17 hanggang ika-19 ng Pebrero, 2020. Inilathala sa Matter News ang mga orihinal na diary sa Tsino.

Guo Jing: ika-17 ng Pebrero, 2020

小区很小,能晒到太阳的地方也很少,我只能在两座楼的间隙里长50米的地方来回走。…终于我们都被指定监视居住了。指定监视居住一般是针对犯罪嫌疑人的,而现在很多人都在“享受”此待遇。
在湖北某县城的朋友说她那里戒严程度已经成了不能出户,有亲戚转发个视频,显示有人出门晒衣服都被抓走了。
有人说恒大房产发了特大优惠通知,2月18日至2月29日期间,全国各在售楼盘可享受75折优惠。这是很大的优惠,可是买不起的人依然买不起。现在全国高速公路免费,可是现在多少人还能开车上高速呀?
有钱人通过买房子增值,一般人只能通过买大米保命。有些便宜是普通人享受不到的
小区的群里开始发起各种团购,买菜的、买肉的,团购要达到一定份量才送。我昨天进了小区的群,群里偶尔在接龙买东西,我一开始很抗拒。风尘前,我都是在网上买菜,现在我极度渴望可以自己去买菜。今天,我终于还是参与了群里的团购接龙。

Sobrang liit ng residential district namin, at may isa lamang kaming maliit na pampublikong espasyo kung saan namin matatamasa ang sikat ng araw. Makapaglalakad lamang ako nang pabalik-balik sa isang 50-metrong espasyo sa pagitan ng dalawang gusali… Nasa ilalim kaming lahat ng home surveillance. Kadalasan, isinasailalim sa home surveillance ang mga hinihinalang kriminal lamang, ngunit ngayon, ‘tinatamasa’ ng maraming tao itong espesyal na pagtrato.

May kaibigan akong naninirahan sa isang bayan sa probinsya ng Hubei. Sinabi niya sa akin na nabubuhay sila sa ilalim ng batas militar, at walang sinuman ay pinapayagang lumabas ng kanilang mga bahay. Pinadalhan siya ng mga kamag-anak niya ng isang bidyo na nagpapakita ng pagdampot ng mga awtoridad sa isang tao nang lumabas siya upang magsampay ng mga damit.

May nagsabi na nag-anunsyo ng malaking diskwento mula ika-18 hanggang ika-29 ng Pebrero ang Evergrande Real Estate. Magbibigay sila ng 75 porsyentong diskwento sa mga pag-aari nila sa buong bansa. Malaki itong diskwento ngunit hindi pa rin abot-kaya. Ngayon, walang bayad ang lahat ng mga highway, ngunit ilang tao ba ang makararating sa highway ngayon?
Maaaring dagdagan ng mga masasalapi ang kanilang kayamanan sa pamamagitan ng pagbili ng mga bahay, ngunit ang isang ordinaryong tao ay makabibili lamang ng bigas para sa kaniyang survivalHindi matatamasa kahit kailan ng ordinaryong tao ang ilang ‘diskwento.’

Nagpasimula ng group buying para sa mga gulay at karne sa mga online chat room ang mga tao. May delivery service lamang para sa mga bulk order. Sumali ako sa isang pangkat ng pamayanan kahapon at mag-aanyaya sa bawat isa ang mga tao upang maglagay ng mga group order. Noong una, pinigilan ko ang sarili ko. Nasanay akong bumili ng pagkain online bago ang lockdown, ngunit ngayon, masigasig na akong lumabas upang bumili ng pagkain para sa sarili ko. Ngunit ngayong araw, sumali ako sa pangkat sa wakas.

Guo Jing: ika-18 ng Pebrero, 2020

这几天,我有一种在沼泽地前行还被背后捅刀的感觉。我以为风尘已经很糟了,可是接下来还有封小区,从三天出一次门到不能出门。我没有反对这些措施的权利。这些措施是否必要也不重要,只要疫情会过去,它们就可以是有利措施
人们现在不得不被集体化,个人消失了。
团购只能顾及大家的一般性需求,没法考虑到每个人的特殊需求。有人在小区群里发了个蔬菜配送,有两个套餐:A套餐,50元,有冬瓜、芹菜、娃娃菜、茼蒿、土豆,5个品种,约13斤;B套餐,88元,豌豆、玉米、胡萝卜、红薯、茄子、青杭椒,6个品种,约13斤。
这是强制配的套餐,没法考虑到每个人的喜好。A套餐里我会不想要娃娃菜,B套餐里我又不喜欢豌豆。而且,看似有两个选择,其实没有选择。
别人选什么,我就要跟着选。套餐里也没有调味料。我是一个无辣不欢的人,幸亏自己囤了几瓶辣酱,不然吃饭就很痛苦。除了食物,人们还有很多日常需求,可能有人家里没有牙膏了,可能有人要买卫生纸。
我们谈到甘肃女护士被剃光头,而合照的照片中唯一的一个男性则是短发,很多女性在被剃头的时候极不情愿,甚至有人哭了。头发关乎的不只是外貌,而是尊严。剃头是否必要?是否经过同意?女性的身体从未真正属于自己,总是有人比女人自己更有权力处置女人的身体

Sa mga araw na ito, pakiramdam ko na tila sinasaksak ako sa likod habang naglalakad sa isang sapa. Napakasama ang pag-lock down ng isang buong lungsod, ngunit ngayon, nakulong kami sa mga residential district namin at makalalabas lamang nang isang beses kada tatlong araw. Walang akong kahit anong karapatang tutulan ang mga hakbang na ito. Hindi na mahalagang tanong kung kailangan ba o hindi ang mga hakbang na ito. Basta matatapos ang pandemya, itinuturing na mabuti itong mga hakbang.

Pinipilit kaming maging isang kolektibo, at nawala ang indibidwal.
Masasakop lamang ng group buying ang mga pangkalahatang pangangailangan namin, at hindi ito magagamit para sa mga indibidwal na pangangailangan. May nagpasimula ng group buying ng mga gulay at makapipili lamang kami sa pagitan ng Plan A at Plan B. Nagkakahalaga ng 50 CNY (8 USD) ang Plan A at naglalaman ito ng limang uri ng mga gulay na may bigat na 13 catty (6.5 kilo): mga kundol, mga kintsay, petsay Baguio, chrysanthemum greens, at mga patatas. Nagkakahalaga ng 88 CNY (14 USD) ang Plan B at naglalaman ito ng anim na uri ng mga gulay na may bigat na 13 catty: mga tsitsaro, mga mais, mga karot, mga kamote, mga talong, at mga berdeng sili.
Hindi namin maaaring ibilang sa mga sapilitang planong ito ang mga indibidwal na pangangailangan. Hindi ko gusto ang petsay Baguio sa Plan A, at hindi ko gusto ang mga tsitsaro sa Plan BBagaman mukhang may dalawa kaming pagpipilian, sa katunayan, wala kaming sariling desisyon sa pagpili.
Kailangan kong pumili ng kung ano ang pinipili ng ibang tao sa group buying. Hindi ako makahanap ng sawsawan sa mga planong ito. Mahilig ako sa maanghang na pagkain. Sa kabutihang-palad, nag-imbak ako ng maraming bote ng maanghang na sawsawan; kung hindi, mawawala ang lahat ng kasiyahan ko sa pagkain. Bukod sa pagkain, may iba kaming mga pangangailangan. Marahil nauubusan ng toothpaste ang ilang tao. Marahil kailangang bumili ng toilet paper ang ilang tao.
Pinag-usapan namin ang balita na nagpakalbo ang mga babaeng nars mula sa Gansu. Ang kaisa-isang lalaki sa group photo na iyon ay may maikling buhok pa. Nag-alangan ang maraming babaeng nars nang kinalbo sila, at umiyak ang ilan sa kanila. Higit pa sa hitsura ang tingin ng mga Tsino sa buhok; tungkol ito sa aming dignidad. Kailangan ba silang kalbuhin? May pahintulot ba sila mula sa mga babaeng iyon? Hindi talaga natin pag-aari ang katawan ng kababaihan. Laging may ibang taong sumusugpo ng kababaihan at gumagawa ng mga desisyon tungkol sa gagawin sa mga katawan ng kababaihan.

Bagaman walang kasiguraduhan kung pumayag na magpakalbo ang mga babaeng medical worker, nagresulta sa isang kaguluhan online ang insidente kung saan inaakusahan ng marami ang mga media outlet na pagmamay-ari ng estado ng paggamit sa kababaihan bilang mga kasangkapan para sa propaganda.

Kinailangang “magsakripisyo” ng mga babaeng manggagawa mula sa Gansu sa laban kontra COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapakalbo. Screen capture mula sa isang bidyo mula sa Facebook account ng Radio Free Asia.

Ai Xiaoming: ika-18 ng Pebrero, 2020

下午六點半,天氣也像戴了口罩,灰蒙不爽。七點後,小區依然處於武漢最嚴管制中,人車限行。因為有抗疫指揮部的放行證明,我們得以出了小區。
這天的工作是接收來自北京的一車物質: 女性衛生用品。 根據一周前報道,截至2月 11 日,武漢有超過 9 萬的醫護人員奮戰 在疫情防控一線,至 2 月 14 日,來自全國的醫療界支援醫護已近 2 萬。在這些醫生中,女性占多少比例我沒有統計,但是護士中百分之九十以上是女性。
女性經期用品的缺口有幾個原因,1、本地醫護人員被緊急召回上崗,隔離工作,缺乏後援。2、武漢封城後市場停業,物品斷供。3、外地醫護人員馳援武漢,未及準備。
即使在發出呼籲後有了社會捐助,還有運送和接收困難,一方面,有院方男性負責人不認為這是迫切需要。另一方面,女性衛生用品不算醫療物質,不能享受綠色通道。但在相關報道發出後, 「姐妹戰疫安心行動」在微公益平台和為愛聯合勸募平台(微信)開啟公募連接, 一天內籌得善款兩百三十多萬。此後全國婦聯所屬中國婦女發展基金會這一國家級公益組織也募集了 225 萬元,用於援助一線女性醫務人員物品。
司機來自山東,他說昨天晚上 6 點從北京出發,夜裏在邢台休息。今天一大早連續趕路,開了十多個小時到達武漢。也是本地志願者為他聯系並發去本地區防疫指揮部的通行證,他才得以進入武漢市內。
卸貨後,司機離開。他說今天他只吃了一餐飯。我說這麽晚了,街上也沒有地方賣吃的,怎麽辦?他說他車上還有泡面。

Pagpatak ng 6 n.g., kulay-abo ang langit na tila nakamaskara. Pagkaraan ng 7 n.g., nasa ilalim pa rin ng pinakamahigpit na pagkontrol ang aking pamayanan; ni tao o kotse ay hindi pinapayagang lumabas. Pero pinayagan kaming lumabas dahil sa isang pass mula sa COVID-19 Command Center.

Ang trabaho namin ngayon ay tumanggap ng trak ng mga suplay mula sa Beijing: mga feminine hygiene product. Ayon sa isang ulat noong nakaraang linggo, may mahigit 90,000 medical frontliner sa Wuhan noong ika-11 ng Pebrero. Noong ika-14 ng Pebrero, lumampas sa 20,000 ang bilang ng medical personnel na nagmumula sa ibang mga bahagi ng bansa papunta sa Wuhan. Wala akong estadistikang nagpapakita kung ilang porsyento ng mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan ay babae. Gayunpaman, alam ko na higit sa 90 porsyento ng mga nars ay babae.

May ilang dahilan para sa kakulangan nila ng mga feminine hygiene product: una, pinatatawag sa trabaho nang biglaan ang mga medical staff, at nagtatrabaho sila habang nakabukod at walang masyadong suporta; ikalawa, sarado pagkaraan ng lockdown ang karamihan sa mga tindahan, at walang mabibilhan ng mga bagay-bagay; at ikatlo, hindi nagdala ng sapat na kagamitan ang mga medical staff mula sa labas ng Wuhan nang tinawagan sila upang tumulong.

Bagaman nakatanggap kami ng maraming donasyon matapos naming manawagan ng tulong sa publiko, may mga suliranin pa rin kami pagdating sa transportasyon at paghahatid. Sa isang banda, palagay ng ilang lalaking direktor ng mga ospital na hindi ito seryosong pangangailangan. Sa kabilang banda, hindi mga medical supply ang mga feminine hygiene product, at hindi namin sila maihahatid nang direkta sa mga medical institute.

Gayunpaman, dahil lumitaw ang mga ulat tungkol sa mga pangangailangan ng mga babaeng medical worker, naglunsad sa WeChat ng isang online crowdfunding campaign na tinatawag na “Pagkilos upang suportahan ang mga kapatid nating lumalaban sa pandemya” at nakakalap ng mahigit 2,300,000 CNY sa loob ng isang araw. Pagkatapos, ang China Women's Development Foundation, isang pambansang organisasyon ng kawanggawa na kabilang sa All-China Women's Federation, ay nakalikom din ng 2,250,000 CNY na gagamitin sa pagbili ng mga produkto para sa mga babaeng medical frontliner.

Mula sa Shandong ang aming tsuper ng trak. Sinabi niya na umalis siya sa Beijing ng 6 n.g. kahapon at nagpahinga sa Xingtai kagabi. Nagmaneho siya sa loob ng mahigit sampung oras magmula nitong umaga bago siya nakarating sa Wuhan. Makapapasok siya sa Wuhan dahil pinakiusapan ng mga volunteer ng Wuhan ang lokal na COVID-19 Command Center na bigyan siya ng pass.
Matapos idiskarga ng tsuper ang mga pakete, umalis muli siya. Sinabi niya sa akin na kumain siya nang isang beses lamang ngayong araw. Tinanong ko siya kung ano ang makakain niya sa dis-oras ng gabi kung sarado ang mga tindahan at restawran. Sinabi niya sa akin na may instant noodles siya sa trak niya.

Patong-patong sa labas ng ospital ang mga handog na suplay. (Larawang kuha ni Ai Xiaoming.)

Ai Xiaoming: ika-18 ng Pebrero, 2020

今天上午先去到工地,和那裏的朋友一起分別送醫院。
小袁打電話過去,得知我們的接收人在武漢市中心醫院的南京路院區,於是繼續啟動車輛前往。
我們在在靠江邊的老街巷繞行,終於到達武漢市中心醫院行政辦公樓的門前。
一眼望去,路面上堆滿了大大小小的包箱。
我觀察了一下,主要是各地的捐贈物質…這些千里萬里、破疫而來的捐贈,凝聚了多少同胞手足的情誼;又有多少人徹夜不眠,傳遞信息,捐資采購,找車找人,聯絡對接……無數志願者一路協調,終於落地醫院大門口。

Nitong umaga, nagpunta ako sa isang lugar ng konstruksyon upang makipagkita sa mga kaibigan ko, at pagkatapos, naghatid kami ng mga pakete sa iba't ibang mga ospital. Tinawagan ni G. Yuan ang ospital. Nakakuha siya ng impormasyon na dapat kaming maghatid ng mga pakete sa kampus sa Nanjing Road ng Wuhan Central Hospital, kaya nagpunta kami roon. Bumiyahe kami sa mga lumang kalsada sa tabi ng ilog. Makalipas ang ilang sandali, nakarating kami sa pintuan ng gusali ng administrasyon ng Wuhan Central Hospital.

Kahit mula sa malayo, nakakikita ako ng maraming paketeng patong-patong sa kalsada. Tiningnan ko iyong mga pakete. Karamihan sa kanila ay mga inihandog na suplay mula sa ibang mga lugar. Itong mga inihandog na suplay ay inihatid mula sa libo-libong milya ang layo, at kinakatawan nila ang pagmamahal sa ating lahat. Naiisip namin kung ilang tao ay nilaktawan ang pagtulog upang magpadala ng mga mensahe, maghandog ng salapi, bumili ng mga suplay, maghanap ng mga trak at mga sasakyan, maghanap ng mga volunteer, at makipag-ugnayan sa mga taong namamahala sa iba't ibang bagay. Matapos magtrabaho nang sama-sama ng maraming volunteer, nakikita namin ang mga suplay sa harap ng ospital.

Guo Jing: ika-19 ng Pebrero, 2020

尽管我们的处境极其被动,人们依旧在其中寻找主动性。有一天我看到一个采访,在一线救治病人的医生说:“总想能再做点什么。”这十分令人感动。不止医护人员是这么想,很多志愿者也在这么做。
疫情中,有肺炎感染病人和疑似患病的人在网上求助,有一些志愿团体会收集网上的求助信息,联系当事人,确认需求,有志愿医生帮病人看CT,协助判断病人的病情,有人协助联系社区和医院。有人关注慢性病人的求医需求,有人关注医护人员的就餐问题,有人关注到女性医护人员的需要,有人关注环卫工的工作状况,有人组成志愿车队……
封锁也给这些志愿工作带来了阻碍,大家并没有轻易放弃。救援物资曾被红➕字会拦下来,他们就想别的办法,尽管不确定能不能成功,但他们都尽力去做。人们不是因为有希望而行动,而是在用行动创造希望。

Bagaman nasa isang hindi aktibong kalagayan kami, sinusubukan naming maging proactive. Nakita ko ang isang panayam noong isang araw kung saan ipinahayag ng isang doktor na nagtatrabaho sa frontline, “Gusto ko laging gumawa ng higit pa sa makakaya ko.” Nakatataba ito ng puso. Pareho ng iniisip ang mga medical staff at mga volunteer.

Sa pandemya, naghahanap ng tulong online ang mga pasyente at mga hinihinalang pasyente na may COVID-19. Mangangalap ng nauugnay na impormasyon at tutulong sa mga nangangailangan ang mga volunteer. Nagboboluntaryo ang ilang doktor na magbasa ng mga imahe sa CT scan at magbigay ng payo. Nilalapit ng ilan ang mga pasyente sa mga ospital at mga manggagawa sa pamayanan. Tumutulong ang ilan sa mga taong may mga kronikong karamdaman. Pinangangasiwaan ng ilan ang mga meal service para sa mga medical staff. Binibigyang-pansin ng ilan ang mga pangangailangan ng mga babaeng medical worker. Inaalala ng ilan ang mga kalagayan sa pagtatrabaho para sa mga tagalinis. Tumutulong ang ilan sa paghahanda ng mga sasakyan para sa mga volunteer.

Bagaman nagdadala ng mga paghihirap sa kanilang pagboboluntaryo ang lockdown, hindi sila agad sumuko. Bagaman hinarang ng (Tsinong) Red Cross Society ang mga handog na resources at suplay, maghahanap sila ng ibang paraan. Kahit anong mangyari, gagawin nila ang kanilang makakaya. Ang pag-asa ay hindi nagtutulak sa amin upang kumilos, ngunit ang pagkilos namin ay nagdala sa amin ng pag-asa.

Tunghayan ang special coverage ng Global Voices ukol sa pandaigdigang epekto ng COVID-19.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.