Ang sumusunod na post ay ang ikatlo sa serye ng mga diary na isinulat ng malayang filmmaker at peministang iskolar na si Ai Xiaoming at ng peministang aktibista na si Guo Jing. Pareho silang nakatira sa Wuhan sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic. Maaari niyo ritong basahin ang una at ikalawang bahagi ng serye.
Isinulat itong ikatlong yugto mula ika-5 hanggang ika-10 ng Pebrero, 2020. Sa loob ng linggong ito, pumanaw si Dr. Li Wenliang, ang whistleblower ng pagsiklab ng bagong coronavirus sa Wuhan. Inilathala sa Matter News ang mga orihinal na diary sa Tsino.
Tunghayan ang special coverage ng Global Voices ukol sa pandaigdigang epekto ng COVID-19.
Guo Jing: ika-6 ng Pebrero, 2020
早上接到一个网友发的求助,求助者的老公和她的公婆都被确诊为新型冠状病毒肺炎,两个老人已经去世,家里还有两个孩子,一个四岁,一个才一个月。她有疑似症状,现在也在隔离,担心孩子的照顾问题。我打电话过去了解情况,她说孩子暂时有人照顾,可是她的语气充满了忧虑,不确定隔离后的情况,不确定孩子是否能得到持续的照顾。
Pinadalhan ako ng mensahe ng isang kaibigan sa Internet at humingi siya ng tulong nitong umaga. Nasuri na may COVID-19 ang asawa niya at mga biyenan. Kalaunan, namatay ang mga biyenan niya. May dalawa siyang anak, ang isa ay 4 taong gulang at ang isa naman ay 1 buwang gulang. Ngayon, nakararamdam siya ng mga sintomas kaya nakwarentina siya. Nag-aalala siya sa mga isyung may kinalaman sa pangangalaga sa bata. Tinawagan ko siya pabalik at tinanong siya, at sinabi niya sa akin na may makapag-aalaga sa mga anak niya sa ngayon. Gayunpaman, puno ng pag-aalala ang boses niya. Hindi niya alam kung ano ang susunod na mangyayari at kung maaalagaan ba ang mga anak niya habang nasa kwarentina siya.
Guo Jing: ika-7 ng Pebrero, 2020
晚上继续和朋友聊天,主题是死亡。
大家纷纷讲了自己的死亡焦虑:
有人害怕死亡之前的痛苦,
有人害怕“我”的消失和自我意识的消亡
我们讲到疫情中充满了突然而集中的死亡,他们没有葬礼,无法和所爱的人告别,更别说临终关怀。
早上,我几次醒来翻个身又睡去,并没有睡着,只是不想起来面对。终于我还是起了床,打开手机,满屏都是关于李文亮的消息,有人戴着口罩拍照,口罩上写着“不明白”。
我又开始流泪。我要怎么在如此荒诞的社会生存呢?我还是得努力地活着,这也成为一种抗争。
Bumuo ako ng gawain kung saan makikipag-chat ako sa mga kaibigan sa gabi. Ngayong gabi, kamatayan ang paksa namin.
Pinag-usapan namin ang pagkabalisa namin ukol sa kamatayan.
Ang ilang tao ay takot sa kirot bago mamatay.
Ang ilang tao ay takot mawala ang “Sarili” at kamalayan sa sarili.
Pinag-usapan namin ang biglaan at pinagsama-samang kamatayan sa isang pandemya. Wala silang seremonya sa libing. Hindi sila makapagpaalam sa mga kaibigan nila. Pati na rin hospisyo.
Nitong umaga, nagising ako nang maraming beses. Pinilit ko ang sarili kong matulog muli, ngunit hindi ko kinaya. Hindi ko ginustong gumising at harapin ang mundo. Sa wakas, bumangon ako at binuksan ang cell phone ko. Tungkol kay Li Wenliang ang lahat ng mga mensaheng nakita ko. May mga kumuha ng mga larawan nila kung saan nakasuot sila ng face mask na may mga salitang “Hindi ko maintindihan.”
Patuloy akong umiyak. Paano ako makaka-survive sa isang katawa-tawang mundo? Gayunpaman, kailangan kong manatiling buhay dahil naging isang akto ng paglaban ito.
Guo Jing: ika-8 ng Pebrero, 2020
我存的菜不多了, 今天要去超市补充一些食材。
有人说疫情过去,人们就很快会忘记。遗忘没有那么容易。我们可能无法记得所有人,但我们大部分人都无法忘记这段时间。我们还会跟别人讲起这段时间发生的事情、遇到的人,就像我们讲起非典、讲起汶川地震。我们还会带着这段日子的记忆生活下去。
大家担心的遗忘究竟是什么?是我们的社会不能因为这场疫情而有所改善,是下次发生类似的灾难的时候依然没有完备的防控体系,担心依旧会有人要做无谓的牺牲。
晚上和朋友聊天。我们都看到了网上有人发起的祭-奠LWL的活动,晚上8:55-9:00是关灯默哀,9:00-9:05用手中能发出光的所有物件指向窗外…我住的地方外面的楼本来也只有零星的灯光。9点钟,我看到这些楼上一些角落里亮起了微弱的光。那一刻,我们是彼此在黑暗中的光,这是穿破封锁的光。
我们都讨厌恃强凌弱的人,喜欢待人真诚,敢讲真话的人。而在大家都不敢讲真话,甚至讲真话要付出代价的社会,讲真话更加珍贵。李文亮是一个讲了真话的人。
Wala na akong masyadong gulay na natitira, kaya kailangan kong pumunta sa supermarket para bumili ng pagkain.
Sabi ng ilang tao na malilimutan namin agad pagkatapos ng pandemya ang nangyayari ngayon. Gayunpaman, hindi ganoon kadaling makalimot. Hindi man namin maalaala ang bawat taong nakita namin, ngunit hindi malilimutan ng karamihan sa amin itong yugto ng buhay namin. Kakausapin namin ang iba tungkol sa kung ano ang nangyayari ngayon at kung sino ang nakakasalubong namin, gaya ng pag-uusap tungkol sa SARS at lindol sa Wenchuan. Mabubuhay kaming kasama ang alaala ng panahong ito sa nalalabing buhay namin.
Ano ba talaga ang ikinababahala namin sa paglimot? Nababahala kami na hindi bubuti pagkatapos ng pandemya ang lipunan namin. Nababahala kami na hindi magkakaroon ng mas mabuting sistema ng pagsubaybay sa kalamidad ang lipunan kapag nahaharap kami sa isa pang kalamidad. Nababahala kami na mapupunta sa wala ang sakripisyo ng ilang tao.
Nakipag-chat ako sa mga kaibigan nitong gabi. Nakita namin ang mga event sa Internet bilang pag-alaala kay Li Wenliang: 8:55 n.g.-9:00 n.g., patay ang mga ilaw at tahimik na pagbibigay-pugay, 9:00 n.g.-9:05 n.g., itapat ang mga ilaw niyo sa mga bintana… Kakaunti ang kapitbahay ko at kadalasan, nakakakita ako ng iilang ilaw sa nalalapit na mga gusali. Pagpatak ng 9 n.g., may nakita akong ilang ilaw kung saan-saan. Sa sandaling iyon, naging ilaw kami para sa isa't isa. Ilaw ito na nakakatagos sa harang.Nagsalita kami laban sa mga maniniil at binigyang-pugay ang mga matatapat na taong naninindigan para sa katotohanan. Sa isang lipunan kung saan walang nangangahas na magsabi ng katotohanan, kung saan pinarurusahan ang mga taong nagsasabi ng katotohanan, napakahalaga ang pagsasabi ng totoo. Si Li Wenliang ay isang taong nagsabi sa amin ng katotohanan.
Ai Xiaoming: ika-8 ng Pebrero, 2020
昨天下午,我在天台上寫了一下午的字,為紀念李文亮醫生。一直寫到天要黑了,也感覺很冷了才停筆。如果不做這件事,我無法釋放李醫生之死給我帶來的情感沖擊。這一周裏,連續得到了三位武漢朋友長輩去世的消息。今天早上,我們的另一位好朋友的哥哥,家裏也有親人被告重症。
我的老父親在封城期間與世長辭,他本不應該屬於這個瘟疫故事,可是我們都無法預測死亡的時間。我願意說他半年都沒有出過自己房間,因此他不可能屬於新冠。但我並沒有醫學憑證來證明這件事,現在我和阿姨都在家自動隔離,待14天後再行出門。
事實上,我覺得老父親冥冥間選擇的永別時刻,簡直是無比的人間智慧。因為,說來令人難以置信的是,再過三天,即2月5日,武漢市將組織力量進社區,排查“四類人員”集中觀察,以便收治隔離。這對求治者或許是一件好事,但對於一位年屆九六、全部失能的高齡老人來說,我不能告訴你這將會多麽恐怖。實際上在聽到這個消息時我把我能夠在家抄起的所有傢伙都想了一遍。因為,我不可能容許任何人把我活著的父親抬出去隔離
Nagsusulat ako sa balkonahe ko kagabi upang gunitain si Dr. Li Wenliang. Tumigil ako nang dumilim at lumamig. Kung hindi ko ginawa iyon, hindi ko mailalabas ang mga matitinding emosyong dulot ng pagpanaw ni Dr. Li. Sa linggo lamang na ito, nakatanggap ako ng mga mensahe mula sa mga kaibigan ko ukol sa pagpanaw ng mga nakatatandang miyembro ng kanilang mga pamilya. Nitong umaga, sinabi ng kapatid ng isa naming mabuting kaibigan na nasa malubhang kondisyon ang isa sa pamilya niya.
Namatay ang ama ko habang may lockdown. Hindi siya dapat kasali sa kwento nitong pandemya, ngunit wala sa amin ang makahuhula kung kailan darating ang kamatayan. Masasabi ko na walang kinalaman sa COVID-19 ang pagpanaw niya dahil hindi siya lumabas sa loob ng nagdaang kalahating taon. Gayunpaman, wala akong katibayang pangmedikal na magsusuporta sa mga sinabi ko. Ngayong naka-self-isolate ang katulong at ako, mananatili kami sa bahay sa loob ng 14 araw bago kami lumabas muli.
Sa katunayan, sa tingin ko ay napakamautak ng ama ko sa pagpili ng oras ng pagpanaw niya dahil pinaplano ng pamahalaan ng Wuhan na magpadala ng mga working team sa lahat ng mga residential community upang suriin ang bawat apartment sa ika-5 ng Pebrero. Kung may mamarkahan bilang isa sa apat na uri ng mga tao [kumpirmadong kaso, kahina-hinalang kaso, mga taong may lagnat, at mga taong may close contact sa mga kumpirmadong kaso], dadalhin sila sa mga quarantine facility. Maaaring mabuting patakaran ito para sa mga taong humihingi ng medikal na atensyon. Gayunpaman, hindi ko masabi sa iyo kung gaano magiging mahirap ito para sa isang 96 taong gulang na wala nang kakayahang pangalagaan ang kaniyang sarili. Sa katunayan, nang marinig ko ang patalastas, pinag-isipan ko ang lahat ng bagay na magagamit ko upang depensahan ang pamilya ko dahil hindi ko hahayaan ang kahit sino na kunin ang ama ko para ikwarentina noong nabubuhay pa siya.
Guo Jing: ika-9 ng Pebrero, 2020
什么人不道歉?
父母很少道歉,即便道歉的时候也总是说“为你好”,暗含着一种指责,似乎是子女不领情。
性骚扰的施害者很少道歉,他们甚至用指责受害者的话语来为自己辩解,企图说明不是自己的错,他们说“你穿太少了”“你不应该晚上出门”“你勾引我”。
很遗憾,不被尊重的人、权利被侵害的人很难获得道歉。李-w-l是否能获得道歉呢?
睡觉前,我刷手机的时候刷到2月4日一个公众号发了一段录音,是一个山东姑娘打给捂汗市长热线的电话,电话中她表达了对武汉政府处理山东捐赠的350吨蔬菜的不满,认为政-府不应该拿去卖,对政-府分配物资的流程提出了建议,希望物资以最快的方式到达一线工作人员那里。
那段录音十分令人感动,她在电话结束的时候说希望市长可以给她一个回复。在很多人都充满无力感的时候,她依然坚持问责,这是一个明知不可为而为之的行为。而社会改变是由无数这样的人一起推动的。
Sino ba ang hindi humihingi ng paumanhin?
Bihirang humingi ng paumanhin ang mga magulang. Kahit na ginagawa nila, lagi nilang sinasabi, “para sa kabutihan mo,” na pahiwatig na hindi tinatanggap ng mga anak ang mabuti nilang layunin.
Bihirang humingi ng paumanhin ang mga sexual harasser. Sinisisi pa nila ang mga biktima upang mabigyang-katwiran ang mga asal nila at malusutan ang kaso. Sabi nila, “masyadong kakaunti ang suot mong damit,” “hindi ka dapat lumalabas sa gabi,” o “inakit mo ako.”Sobrang nalulungkot ako na ang pagkuha ng paumanhin ay naging napakahirap para sa mga taong nawalan ng dignidad at nilabag ang mga karapatan. Makatatanggap ba ng paumanhin si Li Wenliang?
Bago ako natulog, ginamit ko ang cell phone ko upang mag-online, at may natagpuan akong isang voice recording na inilathala ng isang official account noong ika-4 ng Pebrero. Mula ito sa isang babae sa probinsya ng Shandong. Tinawagan niya ang hotline ng alkalde ng Wuhan. Sa tawag sa telepono, pinuna niya ang ginawa ng pamahalaan ng Wuhan sa 350 tonelada ng mga gulay na handog ng probinsya ng Shandong, na hindi dapat ibinenta ng pamahalaan ng Wuhan iyong mga gulay.
Nagbigay siya ng mga mungkahi ukol sa pamamahagi ng mga resources upang matanggap ng mga frontliner ang mga ito sa lalong madaling panahon.
Sobrang nakatataba ng puso iyong recorded message. Sa dulo ng tawag sa telepono, sinabi niya na umasa siyang mabibigyan siya ng tugon ng alkalde. Kapag nawawalan ng lakas ang marami sa amin, iginiit niya na pananagutin niya ang pamahalaan. Suntok sa buwan ito, ngunit itong uri ng mga tao ay pwersang magdadala ng pagbabago sa lipunan.
Guo Jing: ika-10 ng Pebrero, 2020
昨天的晚餐是香菇炒香肠加稀饭。香菇是在封城的第一天买的,在冰箱里放了十多天,有一个香菇变成了黑红色,我还是把它切了,又有些担心,就上网查了一下,看到有人说香菇变黑代表发霉,最好不要吃。谨慎起见,我还是扔了那个已经切好的香菇。
蔬菜屯太多容易变质,就会导致浪费。然而,为了生存我们又不得不屯。
有朋友前几天推荐《浩劫求生》,这是一部模拟真实生活环境下的灾难系列教学纪录片。中午看了第一集,是关于劫飞机的,有一个人全程在教大家如何制服劫持飞机的人和自救,在将劫匪的手脚都绑起来的过程,他说:“现在要剥夺他们的感官能力,此刻最重要的就是控制,我们要尽量剥夺他们的掌控能力,视力、说话能力,甚至塞住他们的耳朵,这些人会完全变成废物。”那一刻,我和劫匪产生了共鸣。
我们像是被当作劫匪一样对待,虽然不是被直接地剥夺这些能力。然而,我们看到的和听到的信息被过滤,我们经常发不出声。有关李-w-l的一些信息已经在消失。社会让我们自我审查,一些人还审查别人,建议别人删除和他无关又没有侵害任何人的言论。
Lugaw at pritong kabute na may sausage ang hapunan ko kagabi.
Binili ko iyong mga kabute sa umpisa ng lockdown. Nasa ref sila sa loob ng mahigit sampung araw. Nangitim ang isa sa mga kabute, ngunit hiniwa ko pa rin ito. Pagkatapos, nag-alala ako, nagsaliksik ako online at iminungkahi ng ilan na maaaring dulot ng amag ang maitim na kulay at mas mabuting hindi na kainin iyong mga kabute. Upang maging maingat, itinapon ko iyong kabute.
Kung nag-iimbak kami ng masyadong maraming gulay, mabubulok sila at nagsasayang kami ng pagkain. Gayunpaman, upang maka-survive, kailangan naming mag-imbak ng mga gulay.
Inirekomenda ng isa sa mga kaibigan ko ang isang serye sa TV na “Surviving Disaster” ilang araw na ang nakararaan. Ginagaya nitong serye ng dokumentaryo ang kalamidad sa tunay na buhay upang turuan ang mga tao. Nanood ako ng isang episode nitong hapon, at tungkol ito sa pag-hijack ng isang eroplano. Nagtuturo ang isang tao kung paano lulupigin ang hijacker at iligtas ang aming mga sarili. Nang itinali niya ang mga braso at binti ng hijacker, sabi niya, “Ngayon, aalisin natin ang mga pandama nila. Tungkol ito sa pagkontrol. Kailangan nating alisin ang kapangyarihan nila, ang paningin nila, ang kakayahan nilang magsalita hangga't maaari. Dapat din nating takpan ang mga tainga nila at gawing mga bagay ito.”
Sa sandaling iyon, nakisimpatya ako sa hijacker.
Trinato kaming tulad ng hijacker na iyon, bagaman hindi kami direktang inaalisan ng mga kakayahang iyon. Gayunpaman, finifilter ang impormasyong nakikita at naririnig namin, at lagi kaming tulala. Naglalaho ang impormasyon ukol kay Li Wenliang. Pinipilit nitong lipunan na isensura ang aming mga sarili, at aktibong sinesensura pa ng ilan ang iba, at sinasabihan ang iba na tanggalin ang impormasyong walang kinalaman sa kanila at hindi nakapipinsala sa sinuman.