Mga diary tungkol sa COVID-19 mula sa Wuhan: Paghahanap ng koneksyon sa ibang mga tao habang nag-iisa

Slogan sa kalsada: ‘Pigilin sa siyentipikong pamamaraan ang sakit. Huwag mataranta. Huwag hayaang palalain ng mga tsismis ang sitwasyon.’ (Larawang kuha ni Guo Jing.)

Ang sumusunod na post ay ang ikalawa sa serye ng mga diary na isinulat ng malayang filmmaker at peministang iskolar na si Ai Xiaoming at ng peministang aktibista na si Guo Jing. Pareho silang nakatira sa Wuhan sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic. Maaari niyong basahin dito ang unang bahagi ng serye.

Isinulat itong ikalawang yugto mula ika-29 ng Enero hanggang ika-4 ng Pebrero, 2020. Inilathala sa Matter News ang mga orihinal na diary sa Tsino.

Tunghayan ang special coverage ng Global Voices ukol sa pandaigdigang epekto ng COVID-19.

Guo Jing: ika-29 ng Enero, 2020

工作现在是很多人的担忧。春节假期现在延长到了2月2日,可是如果疫情还在继续发展,人们怎么可能安心地返工。大公司可能有足够的财力维持运营,延长假期给一些小企业和个体户带来的损失更严重,他们的盈利可能并不多,会有房租的压力,给员工发工资的压力,就可能会裁员。在裁员中,女性经常是首先被裁掉的员工。

对于个人,大家会在考虑要不要冒着一定风险去上班,他们中可能有人面临房贷的压力,有人要照顾家庭。如何解决这些问题?

Nag-aalala ang maraming tao sa kanilang mga trabaho. Pinalawig hanggang ika-2 ng Pebrero ang Chinese New Year holiday. Gayunpaman, kung patuloy na kumakalat itong nakahahawang sakit, paano namin mararamdamang ligtas kaming bumalik sa trabaho? Maaaring may sapat na mapagkukunan ng salapi ang mga malalaking kumpanya upang mapanatili ang kanilang mga operasyon. Gayunpaman, para sa mga maliliit na kumpanya at negosyo, magdudulot ng seryosong stress na pampinansyal ang pinalawig na holiday habang nababawasan ng kita ang kanilang mga negosyo at habang kailangan pa rin nilang magbayad ng renta at ng mga sahod ng mga empleyado nila. Hahantong ito sa pagtatanggal sa trabaho ng mga empleyado at karaniwang una sa listahang iyon ang mga babae.

Para sa mga indibidwal, kailangan naming mag-isip-isip kung dapat ba naming ipagsapalaran ang sarili sa pagpasok sa trabaho. Maaaring may pressure ang ilan na magbayad ng kanilang mortgage. Maaaring may mga pasanin sa pamilya ang ilan. Paano ba haharapin ang lahat ng mga isyung ito?

Guo Jing: ika-30 ng Enero, 2020

Sa isang supermarket, naglagay ng plastic bag sa kaniyang ulo ang isang lalaki upang maging proteksyon. (Larawang kuha ni Guo Jing.)

小心翼翼地生活是反人类的。

每天花很多时间做一些防护措施我有点厌烦。每天要保证通风,前几天天气阴冷又担心感冒。我是一个怕麻烦的人,日常生活并没有那么讲究。我小时候生活在农村,对食物的态度是“不干不净吃了没病”。食物尚且如此,对衣物就更不会那么在意。如果不出门,我会好几天不洗头。我开始觉得自己有点过度清洁,这两天就没有拖地。

昨天的晚餐是炒土豆茄子加稀饭。我感到很疲惫,不太有胃口,做完晚饭半天我都没有动筷子。这种疲惫感更多的来自心底深处的无力。

Labag sa kalikasan ng tao ang mamuhay sa ganiyang metikulosong pamamaraan. Sawa na akong gugulin ang maraming oras sa pagbabantay sa sarili ko laban sa sakit. Kailangan kong pahanginan ang apartment ko araw-araw. Gayunpaman, dahil maulap at malamig ang panahon ilang araw na ang nakararaan, nag-alala ako na baka magkasipon ako. Isa akong taong walang inaalala at hindi masyadong pinapansin ang mga maliliit na bagay. Nanirahan ako sa kanayunan noong bata pa ako, at ang pananaw ko ukol sa pagkain ay “mabuti sa kalusugan natin ang murang pagkain.” Ni wala akong pakialam sa mga kasuotan ko. Kung hindi ako lalabas, maaari kong hindi hugasan ang buhok ko sa loob ng ilang araw. Ngunit ngayon, nararamdaman kong medyo obsessed ako sa gawaing bahay at hindi mapakali dahil hindi ko na-mop ang sahig kahapon at ngayon.

Lugaw at pritong patatas at talong ang niluto ko para sa hapunan kahapon. Hindi ko dinampot ang mga chopstick pagkatapos magluto. Nakaramdam ako ng sobrang pagod at nawalan ako ng gana. Galing sa pakiramdam na walang magawa ang nakakapagod na pakiramdam.

Guo Jing: ika-31 ng Enero, 2020

在封城后,武汉的一些医院公开向社会募捐,很多志愿团体动员社会力量为医院运输物资。后来,政府开始接管募捐工作,声称为了避免公众被骗,于是指定了5个官方机构来协调募捐工作。可是湖北红会加分配的工作人员一共六十多人,对接整个湖北的医院。

武汉慈善总会收到400多万人的5亿多捐款,昨天都还1分钱未花。从海外寄来的医用物资,海关会要求联系慈善总会或者红十字会才能过关。

Pagkaraan ng lockdown, nagsimulang manawagan sa publiko para sa mga donasyon ang ilang ospital sa Wuhan at pinakilos ang mga mamamayan ng maraming pangkat ng mga volunteer upang kumalap at maghatid ng mga medikal na pangangailangan sa mga ospital na ito. Pagkatapos, pinangasiwaan ng pamahalaan ang gawain at ipinahayag nila na baka dinaya ang mga tao (ng mga pekeng pangkat ng mga volunteer). Itinalaga pagkatapos ng pamahalaan ang limang opisyal na samahan upang ikoordina ang mga donasyon. Gayunpaman, may tinatayang 60 tauhan lamang sa Red Cross sa probinsya ng Hubei, at itinakda sa kanila na makipag-ugnayan sa lahat ng mga ospital sa Hubei. [Note: Ang Wuhan ay kabisera ng Hubei, at sa lungsod lamang ay may 128 ospital.]

Nakatanggap ng 5 bilyong Yuan na donasyon ang Wuhan Benevolent General Association mula sa mahigit 40 milyong katao, ngunit hanggang ngayon, hindi nila ginastos ni isang sentimo upang matulungan ang mga nangangailangan. Hinggil sa mga medikal na pangangailangan na ipinadala mula sa ibayong dagat, pipigilin muna ng Customs ang mga goods hanggang sa lapitan sila ng Wuhan Benevolent General Association o ng Red Cross.

Guo Jing: ika-una ng Pebrero, 2020

今天早上突然发现,我桌子上的日历停在1月22日。我现在无法有计划,我甚至都不知道明天会怎样,只能尽力去过好每一天

Nitong umaga, napansin kong huminto sa ika-22 ng Enero ang kalendaryo sa mesa ko. Hindi ako makapagpaplano ngayon. Ni hindi ko nga alam kung ano ang mangyayari bukas. Magagawa ko lamang ang makakaya ko upang maipagpatuloy ang buhay ko araw-araw.

Ai Xiaoming: ika-una ng Pebrero, 2020

Aixiaoming

Ai Xiaoming sa kaniyang kasuotan nang pumunta siya sa mga ospital kasama ang mga volunteer upang maghatid ng mga protective suit. (Larawan mula kay Ai Xiaoming.)

我隨行了志願者團隊。1月29日,跟15輛私家車,往21個醫院和單位,送了約6500件防護服。

如果我去醫院,會戴一個 N95口罩,外面再套一個一次性的口罩。回來以後,我沒有扔掉那個N95的口罩。我洗了後放到電水壺裏煮,煮完了然後放在電暖器上給它烤乾了。其實我覺得是很可笑的,一次性口罩拿去洗,那不是很可笑嗎?但是你想一想,這口罩咱們一般買不到。

我們送去的醫院醫生也是這樣,说你再沒有防護服送来,醫生護士都沒法查房了。做不到用一次就扔,醫生都是紫外線照一下,重複穿。

如果封城時間延續下去,可能後面的困難就會比較多了,因為匱乏的情況會越來越多。接下來進入日常生活,老年人的常用藥怎麼辦,醫院能不能開到常用藥也不知道,因為如果連口罩都缺乏的話,沒有物流的話,後面的生活就很難想象。

我們家貓的貓糧吃完了,我現在訂的貓糧也沒到。 目前我們就是維持一個脆弱的平衡。

我認為目前恐慌帶來的問題和危機,比疫病更兇險,因為恐慌造成的人和人之間的隔離…昨天我們看到一個消息,因為要隔離一個被感染的父親,他腦癱的長子被留在家裏無人照顧,幾天後死了。在這種社會心理的狀態下,我覺得死去的腦癱孩子就像一個隱喻,预示在這種極度的隔絕下會發生什麽樣的悲劇。

Nagpunta ako sa mga ospital kasama ang isang pangkat ng mga volunteer noong ika-29 ng Ene. May 15 kaming pribadong sasakyan, at nagpunta kami sa 21 ospital at samahan. Sa kabuuan, naghatid kami ng humigit-kumulang 6,500 protective suit.

Kapag nagpupunta ako sa isang ospital, nagsusuot ako ng N95 mask at gumagamit ng medical mask para takpan ito. Matapos kong umuwi sa bahay, hindi ko itinatapon iyong N95 mask. Pinakukuluan ko ang N95 mask sa isang takureng electric at pinatutuyo ito sa ibabaw ng electric heater. Tunay ngang sobrang nakatatawa na hugasan ang isang single-use mask, hindi ba? Ngunit isipin mong muli. Mahirap bumili ng N95 mask ngayon.

Sinabihan din kami ng mga doktor sa mga ospital na iyon na binisita namin na kapag hindi namin ibinigay sa kanila iyong mga protective gear, hindi na magagawa ng mga doktor at nars ang mga pag-iikot nila sa mga silid. Hindi nila itinatapon ang mga disposable protective gear, at madalas gumamit ng UV light ang mga doktor upang disimpektahin ang mga ito para masuot nila ang mga ito nang paulit-ulit.

Kapag pinalawig ang lockdown, mas lalong magiging mahirap ito dahil parami nang parami ang mga taong kakapusin ng mga pangangailangan. Paano kung maubusan ng gamot ang mga matatanda? Hindi namin alam kung kaya pa bang magreseta ng mga gamot na iyon ang mga ospital. Kapag wala kaming mga mask at delivery service, sobrang hirap isipin kung paano namin malalampasan ito.

Nauubos na ang pagkain ng pusa ko, at hindi pa naihahatid sa akin ang cat food na inorder ko. Nasa alanganin ang kalagayan namin.

Mas delikado kaysa sa sakit mismo ang mga problema at krisis dulot ng pagkataranta dahil hinihiwalay ng pagkataranta ang mga tao. Kahapon, nakita ko itong balita: pinilit magkwarentina ang isang nahawaang tatay at naiwang mag-isa sa bahay at pumanaw makalipas ang ilang araw ang kanyang panganay na anak na may cerebral palsy. Sa ganitong uri ng sosyo-sikolohikal na kalagayan, pakiramdam ko na isang pagwawangis sa kasalukuyang sikolohiyang panlipunan itong namatay na batang may cerebral palsy—isa itong uri ng trahedya na maaaring mangyari sa matinding pagbubukod.

Naghatid ng mga protective suit sa mga ospital ang mga volunteer. (Larawang kuha ni Ai Xiaoming.)

Guo Jing: ika-3 ng Pebrero, 2020

每天出门成为我的一个重要日常。其实我已经觉得出门不是必要,可我还在偏执地坚持。

我在坚持什么?这个城市不会在明天突然解封,外面不会在一日之内发生翻天覆地的改变

这其实是一个微小的反抗,在信息的封锁中寻找真实的信息,在隔离中寻求和他人的联系,在不确定中寻找某种确定性

Naging mahalagang gawain ko ang paglabas araw-araw. Sa katunayan, hindi ko naman talaga kailangang lumabas, ngunit desidido akong ipagpatuloy ang gawaing ito.

Ano ba't ipinagpipilitan ko ito? Hindi titigil ang lockdown nitong lungsod bukas. Hindi magbabago sa loob ng isang gabi ang mundo sa labas.

Ang pagkilos na ito ay ang aking pansariling pakikipaglaban. Naghahanap ako ng tunay na impormasyon samantalang hinaharang ang impormasyon. Naghahanap ako ng mga koneksyon sa ibang mga nakabukod. Naghahanap ako ng isang bagay na tiyak samantalang hindi tiyak ang lahat.

Guo Jing: ika-4 ng Pebrero, 2020

前几天看到一个人发的朋友圈,写道:“封城封村的消息才几天,有多少男的在一个快被急疯的状态,试想一下有多少女的一年四季都是这样的日子。”

封锁一定程度上让男性体会了女性缺乏公共生活的感受。很多已婚女性在结婚后开始不得不围绕着家庭,即便她们有全职工作,下班后她们洗衣做饭、照顾孩子,做了很多不被重视的家务劳动。她们公共性的生活不断缩减,跟同事、朋友谈天的时间越来越少,她们对家庭的投入多于对自己的关注。

晚上和我的朋友们聊天。前一天成都发生了地震,我们就聊到了08年的汶川地震。…我们重新审视了集体主义和英雄主义。在灾难面前,我们塑造一味奉献的英雄,贬低所谓自私”的行为,而事实上很多看似自私的行为只是人们的自保而已。集体主义具有很强的情绪渲染力,甚至会制造厌恶甚至仇恨,比如中国人讨厌日本人。这种情绪会让我们忽略人本身。

很庆幸我们今天除了赞美医护人员的付出,也看到他们的脆弱

Ilang araw na ang nakalilipas, nakita ko ang mensahe ng isang kaibigan sa grupo ng mga kakilala ko. Isinulat niya, “Nagiging sobrang mainisin ang maraming lalaki nitong mga araw pagkaraan ng lockdown. Naiisip ba nila na namumuhay ng ganitong uri ng buhay taon-taon ang maraming babae?”

Dahil sa lockdown, bahagyang naranasan ng kalalakihan ang pakiramdam na naranasan ng sobrang daming babae: ang kawalan ng pampublikong buhay. Nakatali sa kanilang mga pamilya ang maraming babaeng kasal. Kahit may full-time job sila, kailangan nilang labhan ang mga damit, alagaan ang mga bata, at gumawa ng maraming gawaing bahay. Lumiliit ang kanilang pampublikong buhay. Mas kaunti ang oras nilang makipag-usap sa mga katrabaho at kaibigan nila. Mas binibigyan nila ng atensyon ang kanilang mga pamilya kaysa sa kanilang mga sarili.

Nakipag-chat ako sa mga kaibigan ngayong gabi. May lindol kahapon sa Chengdu, kaya pinag-usapan namin ang lindol sa Wenchuan noong 2008… Tinalakay namin ang mga aspetong nakapalibot sa kolektibismo at kabayanihan. Kapag nahaharap sa isang trahedya, malamang na maisip natin na kabayanihan ang aktong pagsasakripisyo sa sarili at hamakin ang tinatawag na ‘makasariling’ pag-uugali. Gayunpaman, umaasa rin ang mga tao sa mga tila baga makasariling pag-uugali na ito para maka-survive. May malakas na impluwensya sa ating mga emosyon ang kolektibismo, at minsan, maaari itong magpakalat ng salungatan at poot. Halimbawa, magkasalungat ang mga Tsino at mga Hapones [dahil sa nasyonalismo]. Hindi natin napapansin ang ibang mga aspeto ng sangkatauhan dahil sa ganitong damdamin.

Natutuwa ako na ngayon, kapag pinupuri natin ang mga medical staff, naiisip din natin ang mga kahinaan nila.

Tunghayan ang special coverage ng Global Voices ukol sa pandaigdigang epekto ng COVID-19.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.