Ang sumusunod na post ay ang ikaanim sa serye ng mga diary na isinulat ng malayang filmmaker at peministang iskolar na si Ai Xiaoming at ng peministang aktibista na si Guo Jing. Pareho silang nakatira sa Wuhan sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic. Narito ang mga link sa una, ikalawa, ikatlo, ikaapat, at ikalimang bahagi ng serye.
Tunghayan ang special coverage ng Global Voices ukol sa pandaigdigang epekto ng COVID-19.
Isinulat itong yugto mula ika-20 hanggang ika-27 ng Pebrero, 2020. Inilathala sa Matter News ang mga orihinal na diary sa Tsino.
Guo Jing: ika-20 ng Pebrero, 2020
有人说到在家做了焦糖奶茶,大家纷纷表示羡慕。朋友来了兴致,给大家示范了她的自制奶茶,她先在铁勺里放了白糖,加了少许水,把铁勺放到炉子上用小火烧。看着白糖慢慢变成焦糖,隔着屏幕,大家都在尖叫。然后,朋友用锅煮奶,直接把铁勺放进去搅拌。奶盛出来后加红茶就有了焦糖奶茶。
有个很爱吃甜食的朋友说:“我打开淘宝,把购物车加满,看着解馋。”
有住户在群里发了一个捂汗“解封”的条件:每日新增感染人数(包括疑似感染人数)持续14天为0是必要条件。具体如下:
- 捂汗市其他人群(即非隔离非救治的健康人群)每日新增感染人数(包括疑似感染人数)为0,且此数据连续出现14天。在第15天开始,准备捂汗三镇分区域“解封”。
- 在1的条件满足后,自第15天始,捂汗市不“解封”,捂汗三镇分区“解封”,各自恢复区域内部的生产生活学习,但是三镇之间人员不交流,交通不连接。如果在捂汗三镇分区域“解封”时期,捂汗市其他人群每日新增感染人数为0,且此数据连续出现14天,则自第15天开始,准备捂汗市内部全部“解封”。
- 在1与2条件满足后,自第29天开始,捂汗市内部全部“解封”,市内交通完全恢复,人员自由流动,市内生产生活学习等工作完全运转起来。如果在捂汗市内部全部“解封”时期,捂汗市其他人群每日新增感染人数为0,且此数据连续出现14天,则自第15天开始,准备捂汗市外部“解封”。
- 在1与2与3条件满足后,自第43天开始,捂汗市恢复对全省全国的交通连接,捂汗市内部人员与全省全国人员自由流动。
看来小区至少还要封锁半个月。
Nabanggit ng isang kaibigan na gumawa siya ng caramel milk tea sa bahay. Sobra kaming nainggit. Natuwa siya at ipinakita niya kung paano niya ito ginawa. Naglagay siya ng asukal sa isang kutsara at nilagyan ito ng tubig. Pagkatapos, nilagay niya ang kutsara sa kalan at dahan-dahang pinainit ito. Sumigaw kaming lahat nang makita naming naging caramel ang asukal. Pagkatapos, gumamit siya ng kaldero upang initin ang gatas at hinalo ang gatas gamit ang kutsarang may caramel. Pagkatapos niyang lagyan ng tsaa ang gatas, ininom niya ang caramel milk tea. Sinabi ng isang kaibigang mahilig sa matamis, ‘Kailangan kong bisitahin ang Taobao para punuin ang cart ko upang mawala ang paghahangad ko [ng matamis na pagkain].’ [Note: Ang Taobao ay isang plataporma ng online shopping.]
May nagpadala sa amin ng mensahe mula sa pangkat ng pamayanan namin tungkol sa mga pamantayan sa pag-alis ng lockdown: Walang bagong kaso [kumpirmado o hinihinala] sa loob ng 14 araw. Ang mga detalye ay mga sumusunod:
- Kung ang bilang ng mga bagong kaso sa grupo ng mga taong nagkwarentina nang hindi sapilitan ay sero at napanatili itong tala sa loob ng 14 araw, magsisimulang maghanda para sa pagbukas ng distrito ang tatlong pangunahing bayan sa Wuhan.
- Kung natugunan ang pamantayan 1, aalisin internally ang lockdown ng tatlong bayan sa Wuhan. Ibig sabihin, makagagalaw nang malaya ang mga tao sa loob ng isang bayan ngunit hindi makapaglalakbay sa labas ng bayan. Suspendido pa rin ang serbisyo sa transportasyon sa tatlong bayang ito. Kung mapananatili sa loob ng 14 pang araw ang tala na sero ang bilang ng kaso, aalisin internally ang lockdown ng Wuhan.
- Kung natugunan ang mga pamantayan 1 at 2, aalisin internally ang lockdown ng Wuhan. Ibig sabihin, makagagalaw nang malaya sa tatlong bayan ang mga tao, at ibabalik ang serbisyo sa transportasyong nag-uugnay sa kanila. Ang mga tao ay makapagtatrabaho at makapapasok sa paaralan sa loob ng Wuhan gaya ng dati. Kung mapananatili sa loob ng 14 pang araw ang talang sero ang bilang ng kaso, tuluyang aalisin ang lockdown sa Wuhan.
- Kung natugunan ang mga pamantayan 1, 2, at 3, tuluyang aalisin ang lockdown sa Wuhan. Ibig sabihin, makapapasok at makalalabas nang malaya sa Wuhan ang mga tao, at ibabalik ang serbisyo sa transportasyong nag-uugnay sa Wuhan at sa ibang mga bahagi ng bansa.
Palagay ko na makukulong kami sa loob ng aming pamayanan nang hindi bababa sa 14 pang araw.
Guo Jing: ika-21 ng Pebrero, 2020
我们和过去的关系是什么?昨天写完日记,我停下来休息,突然有种难以名状的悲伤。
当有人问我现在的状态,我总是说:“就这样的处境中而言,我还算比较好。”而我试图回想风尘以来的经历,昨天都很遥远。有时候我在讲这段时间的经历和变化,却没有丝毫情绪,像是那些事情与我无关。
这是一种试图逃离、回避的机制,可以暂时起到保护作用。可是,我们无法通过遗忘、逃避的方式来治愈自己。很庆幸我通过写日记来记下了这段时间的感受。我要尝试面对,讲出自己的感受是第一步,然后尝试理解自己在封锁的经历以及那些强烈的感情。
Ano ang relasyon sa pagitan namin at ng aming nakaraan? Kahapon, nang matapos akong magsulat sa diary ko, umidlip ako. Sa sandaling iyon, tinamaan ako ng hindi maipaliwanag na kalungkutan.
Kapag tinatanong ako ng mga tao kung kamusta ako, lagi kong sinasabi, ‘Medyo maayos ako sa ilalim ng ganitong uri ng sitwasyon.’ Kapag sinusubukan kong alalahanin kung anong nangyari pagkatapos ma-lock down ang Wuhan, tila ang layo na ng kahapon. Minsan, kapag nakikipag-usap ako sa mga tao tungkol sa naranasan ko at kung ano ang nagbago, wala akong dinadalang emosyon sa mga pahayag ko—tila walang kinalaman sa akin ang nangyari.
Mekanismong pananggalang ito na nakatutulong sa aking takasan at iwasan ang mga makasasakit sa akin. Gayunpaman, hindi natin mapagagaling ang ating mga sarili sa pamamagitan ng paglimot o pagtakas mula sa nangyari. Masaya ako na may tala ako ng naramdaman ko sa panahong ito sa pamamagitan ng pagsulat sa diary na ito. Pag-aaralan ko kung paano haharapin ito, at ang pagsabi sa mga tao ng damdamin ko ay ang unang hakbang. Pagkatapos, susubukan kong unawain ang karanasan ko at ang matinding damdaming dinadala ko habang may lockdown.
Guo Jing: ika-22 ng Pebrero, 2020
总有人会有门路,我的小区有个人一开始组织大家团购水果,今天又像是变戏法一样,不知在哪里抢了6袋盐、6瓶醋、6箱酸奶、还搞了很多鸡蛋,问有没有人要,盐一袋4元,醋一瓶7元,酸奶一箱50元,鸡蛋25个30元。
Laging may mga taong may mga espesyal na koneksyon. May nagpasimula ng group buying para sa prutas sa pamayanan namin at sa hindi maipaliwanag na dahilan, parang isang salamangkero, nagawa niyang makakuha ng anim na pakete ng asin, anim na bote ng suka, anim na kahon ng yogurt, at maraming itlog ngayon.
Tinanong niya kung gusto ba naming bumili: isang pakete ng asin kapalit ng 4 CNY, isang bote ng suka kapalit ng 7 CNY, isang kahon ng yogurt kapalit ng 50 CNY, at 25 itlog kapalit ng 30 CNY. [Note: Katumbas ng 0.14 USD ang 1 CNY.]
Guo Jing: ika- 23 ng Pebrero, 2020
很多下楼晒太阳的人可能跟我一样,在家里憋不住。下楼的人大都会戴口罩,跟别人讲话也都保持着一些距离。每天被困在家里,不知何时会解封,我很心焦,也会感到绝望。
这几天,身体也开始感到疲惫。我没有发烧,食欲也还好,所以应该不是感染肺炎,只是身体对无力感的一种反应。
小区的蓝色围栏有两处被暴风雨打破。今天有三四个人从旁边的工地上搬了一些围栏来修补。我下楼跟他们聊了一下。原来是物业让他们来修的,为了防止有人跳墙。
他们是地铁公司的工人,也是因为封城被困在了武汉,住在旁边的临时房,和他们一样困在这里的一共有9个人。
他们也曾去修建过火神山,有一天11点多临时接到通知,公司派车把他们接了过去,第二天早上才回来。他们一共去了4天。他们说,修建火神山的工人都是两班倒。结束了在火神山的工作,他们也在家隔离了15天。
现在很多社区会找他们帮忙做一些类似维修的工作,他们几个是技术工,有个人说“现在硬是把技术工当作劳动工。”公司会发口罩给他们,他们去火神山有补贴,封城期间也还是有工资。
Malamang hindi matiis na manatili sa bahay maghapon iyong mga taong bumababa upang magpa-araw, tulad ko. Kapag bumababa kami, karamihan sa amin ay magsusuot ng mga mask, at nakikipag-usap kami sa iba mula sa malayo. Nakararamdam ako ng pagkabalisa at kawalan ng pag-asa dahil nakakulong ako sa bahay sa matagal na panahon, at walang nakaaalam kung kailan aalisin ang lockdown.
Nagiging mabigat ang katawan ko sa mga araw na ito. Wala akong lagnat, at may gana naman akong kumain, kaya sa tingin ko na hindi ako nahawaan. Palagay ko na reaksyon lamang ito ng katawan ko sa pakiramdam na wala akong kapangyarihan.
Napaliligiran ng asul na bakod ang pamayanan namin at may dalawang lugar sa bakod na nasira ng bagyo. Ngayon, nagdala ang tatlo o apat na tao ng ilang materyales mula sa lugar ng konstruksyon katabi ng pamayanan namin upang ayusin ang bakod. Bumaba ako para kausapin sila. Sinabi nila sa akin na pinakiusapan sila ng tagapamahala ng ari-arian na ayusin ang bakod para mapigilan ang mga tao sa paglundag mula rito papalabas. Dati silang mga manggagawa sa kumpanya ng subway, ngunit stranded sila sa Wuhan dahil sa lockdown. Nakatira sila sa pansamantalang pabahay sa hindi kalayuan, siyam sila sa kabuuan.
Tumulong din silang itayo ang Huoshenshan Hospital, isang field hospital para sa COVID-19. Tumanggap sila ng patalastas alas-onse isang araw, at inihatid sila ng kumpanya sa lugar ng konstruksyon. Nagtrabaho sila hanggang umaga kinabukasan. Sa kabuuan, pinagtrabahuhan nila iyong proyekto sa loob ng apat na araw. Sinabi nila sa akin na may dalawang shift ang lahat ng mga manggagawa na tumutulong sa pagtayo ng field hospital. Nang matapos nila ang trabaho nila roon, nakwarentina sila sa loob ng 15 araw.
Nitong mga nakaraang araw, humihingi sa kanila ng tulong sa pagpapanatili ng ari-arian ang maraming pamayanan. Bilang mga technician ang trabaho nila. Sinabi ng isa sa kanila, “Pinilit nila ang mga technician na gumawa ng mga odd job.” Binibigyan sila ng mga mask ng kumpanya nila, at tumanggap sila ng mga subsidiya nang nagtrabaho sila sa proyektong iyon na pagpapatayo ng field hospital, kaya kumita sila habang may lockdown.
Guo Jing: ika-25 ng Pebrero, 2020
现在我很少想到解封,武汉的现存确诊人数3万以上,解封遥遥无期,想也没用。
仔细思考了一下,我觉得解封可能跟封城是两回事。解封是一个过程,不会像封城一样是一个临时性的决定,第二天迅速就能够实施。
现在一些城市的确诊人数的新增为0,现存确诊患者人数已经在下降,很多城市已经在降低封锁的程度。然而,很多人依旧不敢轻易出门。这大概是封锁的后遗症,很难一下子消除。
Bihira kong isipin ang pag-alis ng lockdown sa mga araw na ito. May mahigit 30,000 kumpirmadong kaso sa Wuhan, at kakailanganin naming maghintay sa loob ng matagal na panahon bago maalis ang lockdown. Hindi nakatutulong ang pag-iisip nito.
Pagkatapos pagnilay-nilayan ito nang maigi, magkakaibang uri ng pagpasya ang pag-alis ng lockdown at ang paglalagay ng lockdown sa isang lungsod. Isang proseso ang pag-alis ng lockdown, at hindi ito magiging katulad ng paglalagay lockdown na pinagpasyahan agad at maaaring ipatupad sa susunod na araw.
Walang kumpirmadong kaso sa loob ng ilang araw ang ilang lungsod. Sa kasalukuyan, bumababa ang bilang ng mga kumpirmadong kaso, at niluwagan ng maraming lungsod ang mga hakbang sa pagkontrol. Gayunpaman, natatakot lumabas ang maraming tao. Palagay ko na bunga ito ng pinahabang lockdown, at hindi agad mababawasan ang pagkatakot.
Ai Xiaoming: ika-27 ng Pebrero, 2020
仙桃的劉文雄醫生走了
1月21日 他看了180位病人
一個月裏 他接診3181人
每天晚上還要接電話問診
一個月只休息了兩天
第三天因為胸痛去了醫院
Si Dr. Liu Wenxiong, mula sa lungsod ng Xiantao, ay pumanaw.
Tumanggap siya ng 180 pasyente noong ika-21 ng Enero.
Nag-alaga siya ng 3,181 pasyente sa loob ng isang buwan.
Nagbigay rin siya ng payong medikal sa telepono tuwing gabi.
Nagpahinga lamang siya sa loob ng dalawang araw sa buwang iyon.
Sa ikatlong araw, nagpunta siya sa ospital dahil sa pananakit ng dibdib.