Bahrain: Apat na Katao, Arestado Dahil sa Paggamit ng Twitter

Sa bansang Bahrain, may apat na katao ang inaresto dahil sa maling paggamit ng social media, ayon sa Ministeryo ng Interyor. Ngunit hindi idinetalye sa opisyal na pahayag ng pulisya [en] ang mga paratang laban sa mga taong dinakip – binanggit lamang ang “paggamit ng social media upang dungisan ang imahe ng mga kilalalang personalidad.” Ang mga sangkot na sila Ali Al-Haiki, Abdullah Al-Hashimi, Ali Mohamed at Salman Abdullah ay idinitine sa loob ng pitong araw habang nagsasagawa ng imbestigasyon.

Bagamat iginiit ng mga otoridad sa Bahrain ang kalayaan sa pagpapahayag sa ilalim ng saligang batas ng bansa, hindi naman mabilang ang mga insidente ng pagdakip sa mga aktibista dahil sa pagpapahayag nito ng sarili sa Twitter. Kung ang tanging dahilan ng pagkakakulong sa apat ay ang paghadlang sa kanilang karapatang makapagpahayag, samakatwid, sila ay maituturing na mga bilanggo ng konsensya.
 
Abangan ang aming update tungkol sa kaganapang ito.
 

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.